51st Chained

121K 2.2K 345
                                    

Chained
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Yzah S. Evangelista. Happy reading!
----------

Warning: SPG

Davao City

Nagising nalang ako dahil sa nakakakiliting haplos sa aking pisngi. Nang unti-unti kong idinilat ang aking mga mata ay bumungad agad ang mukha ni Ken sa akin na nakakatitig lamang.

Kumurap ako. Nasa Davao na kami? Dahan-dahan ko pang iginala ang aking mga mata sa medyo dim na kuwarto. Maganda ang kabuuan at hindi ko na maalala kung paano kami nakarating dito.

"Nasaan tayo?" tanong ko nang ibinalik ko sa kanya ang aking mga mata.

"Marco Polo Hotel."

Ah, nasa hotel na kami...

"You slept 14 hours straight..." he said huskily.

Napaawang ang aking labi. Ganoon kahaba ang tulog ko?! Masyado atang napasarap ang pagtulog ko...

"Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo. I think we need to kiss more so you can easily sleep," he smirked.

Ngumuso ako at lumapit pa ng husto sa kanya. Hinawakan niya ang aking beywang at iniyapos na roon ang kanyang kamay habang nakaunan naman ako sa isa niya pang braso. Sa sobrang lapit namin ay humahaplos na ang aming mga ilong sa isa't isa. Pinaglaruan ng kanyang kamay ang aking buhok habang malalim ang titig ng mga mata niyang namumungay.

"Did you remember what you said to me on the airplane?"

"Alin?"

"Na papakasalan mo ako?" Naninigurado ang boses na iyon.

"Sinabi ko?" Inosente kong tanong at kumurap pa na ikinasimangot niya.

"Yes... You agreed..." Umangat ang kanyang kilay.

"Wala akong maalala..."

He groaned and buried his face on my neck. Tumawa ako sa kiliti noon at hinuli ang kanyang mga mata kaso niyakap niya lang ako.

"Inaasar lang kita." Kinagat ko ang labi kong nakangisi. Dinungaw niya ako, nagkakasalubong na ang kilay.

"Hindi na magbabago ang isip ko kagabi," dagdag ko pa sanhi para ngumuso siya at nagpigil ng ngisi.

Humarap siyang muli sa akin at hinaplos ang aking pisngi na kahit ang kanyang hintuturong daliri ay hinahaplos niya sa linya ng aking ilong, sa bawat parte ng aking mukha na tila kinakabisado niya habang nakaawang ang mga labi.

"Hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko kung hindi ako matatali sa'yo..."

"Ganoon din ako," pag-amin ko na unti-unting ikinasilay ng kanyang ngisi. Pinatakan niya ako ng halik sa tungki ng aking ilong, pumikit ako at ngumiti.

"One lucky girl. You're going to marry me," bigkas niya sa matigas na accent na ikinadilat ko at sinapak ang kanyang braso.

"Yabang!" Tumawa ako. Umangat naman ang kanyang dalawang kilay.

"Bakit? Maswerte ka at sa akin ka maitatali. You got a good taste... Malas mo kung sa iba," he said cockily.

"Ano 'yan? I got a bad taste on boys if it wasn't you?" Panggagaya ko sa kanyang pananalita noon na ikinangisi niya.

Bigla niyang iniyapos ang dalawa niyang braso sa aking beywang at dinala ako sa kanyang ibabaw. Tumili ako at sinakap siya na sinundan rin ng aking tawa kalaunan.

"Precisely, Aioni. You got a bad taste if you won't marry me," aniya habang isinasabit ang iilang hiblang nalalaglag na sa kanyang mukha sa gilid ng aking tainga.

C H A I N E D (NGS #3)Where stories live. Discover now