Habang papalapit siya sakin ay nakatitig siya sakin. Hindi siya naka tuxedo or what, sa itsura niyang yan mukhang pinagmadali siyang pumunta dito. Hindi ko alam kung bakit sobrang weirdo ng tibok ng puso ko, pero ayokong bigyan ng ibig sabihin yun.
Nang makalapit siya sakin, inabot niya sakin ang rosas at inilahad ang kanang kamay nito.
"Pwede ko bang maisayaw ang babaeng nasa harapan ko ngayon?" Seryoso ngunit nakangiting tanong nito sakin.
🎵 Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
cause she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again 🎵Matagal bago ako humawak sa kamay niya.
"Ayieeeeeeeh" Asar ng mga kamag-anak ko. Napatungo naman ako sa sobrang kahihiyan.
"You're blushing huh?" Pilyong sabi nito.
"H-huh? H-hindi ah!"
"Tsk. No need to hide, it's all written on your face. Hahahaha"
🎵 It's a masterful melody
When she calls out my name to me
As the world spins around her
She laughs, rolls her eyes 🎵"And I feel like I'm fallin but it's no surprise" Sinabayan niya ang kanta, napatingin ako sakanya at nakangiti siya sakin.
*TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!
B-bakit ganito? Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang pagtibok. Pakiramdam ko para sakin yung lyrics na yun.
Walang nagsasalita samin, pero pareho kaming nakatingin sa isa't isa. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nandito.
Maganda ang mata ni Dyrroth, bilugan ang mata nito. Mahaba ang pilik mata at ang kilay nito ay aakalain mong inahit dahil maganda ang korte nito.
Napatingin naman ako sa ilong nito, matangos ito. Hindi sobrang tangos, pero matangos talaga siya.
Bumaba ang tingin ko sa *gulp* labi nito. Parang mas maganda pa ang labi nito sakin, mapula-pula ito. I wonder ano kayang pakiramdam niyan?
O_O
Nanlaki ang mata ko sa naisip kong yan. 'Erase erase erase'
🎵 But I'd rather be here than on land
Yes she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again 🎵"Tara na?"
"H-huh? Saan?"
"The song is already done, do you want to still dance with me? I don't mind at all, you know?"
Namula nanaman ako. Hindi ko alam na tapos na pala ang kanta.
"L-loko" Ako na ang unang umalis. Grabe, nakakahiya. Pumunta ako sa mga pinsan ko at ang mga tingin nila ay hindi ko gusto.
"W-what?" Inis kong tanong sakanila.
"Walaaaaa" Sabay-sabay nilang sabi.
BINABASA MO ANG
Don't Leave Me
Short StoryPara kay Vexana, ang buhay niya ay walang kwenta. Paano nga ba naman magkakaroon ng kwenta buhay niya kung pinaramdam sa kanya noon na wala siyang kwenta? Naging mailap siya sa mga tao, para sakanya mas okay na rin yung mag-isa ka. Kasi wala namang...