7

13.8K 400 14
                                    

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

BALITA AGAD ANG bumungad kay William. Hinuli ng mga pulis si Priyanka sa condo unit nito. Tumawag sa kanya si Inspector Rochoa kaninang madaling araw para sabihing totoo na si Priyanka nga ang nasa likod ng pagkuha kay Yuka. Kaya hindi na niya pinatagal pa at dinulog niya sa pulis ang nangyari at nagsampa siya ng kaso kay Priyanka. Sa ngayon ay ang attorney niya at si Charlie ang humarap sa press, nang sa gano'n ay makaiwas din siya sa interview.

"Waaah!! Barbie na!"

Napatingin siya kay Yuka ng patayin niya ang t.v dahil tapos na ang news report. At 'yung barbie na palabas nga ang kasunod kaya pinatay na niya.

"Nood ako!"

Nagtatalon ito sa pagkakaupo at inagaw sa kanya ang remote. Sabog pa ang buhok at hindi pa naghihilamos pero mas inuna pa ang panonood, pero sa kabila no'n ay hindi nababawasan ang kaganda nito.

"Mamaya na at maglinis ka na para makakain na tayo."

Inagaw niya ang remote rito at pinatay ang t.v, pero agad na inagaw nito ang remote at muling binuhay kaya napahinga siya ng malalim.

Kaya naman nang makaisip siya ng idea ay napangisi siya. Niyakap niya ito sa baywang at binuhat kaya nagtitili ito at nagpupumiglas, pero agad siyang nagmadaling lumakad patungo sa banyo para hindi na 'to makapalag.

"Ayaw ko pa ligo! Gusto ko nood, e! Hmp!"

Nasampal siya nito kaya nag-seryoso siya na kinatigilan nito.

"I-Ikaw kasi.." Pagdadahilan pa nito.

"Fine! Go, watch that god damn barbie! Kapag namatay ka sa gutom at sakit ng mata ay hindi na kita aalalahanin."

Tumalikod siya.

"Huhuhu.. Ayaw ko na ligo, galit ka. Hindi na nga ako nood, e. S-Sorry na nga po."

Tinignan niya ito at napaupo ito habang umiiyak. Napagulo siya ng buhok at hinarap ito ng tuluyan.

"Tignan mo, dahil sa lintek na barbie na 'yon ay nasampal mo ako. Tama ba 'yon?"

Lalo itong umatungal ng iyak, "Hindi ko na ulit. 'Wag ka nang galit. Takot ako." umiiling ito.

Kaya naman ay agad na nilapitan niya ito at pinatayo. Agad na yumakap sa kanya ito at nagpabuhat kaya binuhat niya at tinignan ito.

"Kapag sinabi kong mamaya na manood at unahin ang mahalaga ay 'wag magiging biyolente, okay?"

Tumango ito habang humihikbi. Pinunasan niya ang luha nito at hinalikan niya sa labi.

"Tahan na. Hindi na ako galit."

Humihikbing yumakap ito sa leeg niya bago isubsob ang mukha sa leeg niya. Lumapit sila sa shower at binaba ito.

"Okay, maligo ka na at ihahanda ko ang isusuot mo. Wash properly and don't forget to brush your teeth, okay?"

"O-Okay." humihikbi pa rin nitong tugon.

"Tama na. Sige ka, baka pumangit ka."

Sumimangot ito, "Paiyak mo ako, e! Hmp!"

Natawa siya at pinisil ito sa pisngi, "Ang cute mo talaga, Honey. Sige na, maligo ka, kundi baka samahan kita dito."

Tumaas-baba ang kilay niya dahil binibiro lang naman niya ito.

"Yehey! Gusto ko 'yon! Sabay tayo ligo. Tapos sabay din natin si Riri at Lily."

Tumikhim siya, "Hindi pwede sila Riri kasi masamang mabasa at baka masira. Kung hindi, wala ka nang laruan."

UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED)Where stories live. Discover now