Seven

805 74 9
                                    

"Dude, malapit na ba tayo?" tanong sa akin ni Caleb habang nasa loob kami ng shuttle. Pinasundo kasi kami for Mr. Tan's birthday. Eto namang si Caleb, sumama dahil wala naman kaming klase tuwing friday at gusto niya rin daw maka-meet ng ibang youtubers. Isinama ko na rin siya, bestfriend ko naman siya.

"Oo, ilang minuto na lang. Caleb yung mga paalala ko sa'yo, huwag ka masyadong iino—"

"Huwag ako masyadong iinom, dude, I know it. I know my limit when it comes to alcohol." No, he doesn't know. Noong huling beses na nalasing siya ay nabugbog lang naman siya ng mga siga sa school namin dahil sinabihan niya itong mga mukhang Homoerectus. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ng kaibigan ko kapag lasing siya at baka siya pa ang maging dahilan para tanggalin ako sa promotion ng waterpark.

"Lagi mo 'yang sinasabi pero tuwing may alcoholic drink sa isang party lagi ka rin namang uuwi na lasing." naiiling kong sabi.

We reached our destination, pagkarating namin sa Funslide waterpark ay maririnig mula sa labas pa lang ang malakas na tugtog, hindi open in public ang waterpark ngayon, it's a private birthday party ni Mr. Tan at piling mga tao lang ang imbitado.

Pagkapasok namin sa loob ay talagang sobrang hype sa loob, ang lakas ng tugtog at party-party talaga ang vibes. May malalaking sound system at may banda ring nagpe-perform, there's an LED lights na nakakadagdag sa vibes nito.

"Mabuti na lang talaga sumama ako," Caleb tapped my back. "Sige dude, papalit lang akong damit. Sasali ako sa pool party."

"Caleb yung paalala ko sa'yo!" I reminded him once again.

"I know, I know. I am not seven years old anymore, hindi mo na ko kailangang paalalahanan lagi." tuluyan nang nawala si Caleb sa paningin ko at napabitaw na lang ako ng malalim na buntong hininga.

Mukhang wala pa si Athena sa party dahil hindi ko pa siya nakikita. Ang sabi niya naman sa text sa akin kanina ay pupunta naman siya kaso ay baka ma-late siya.

Sumama ako sa ibang mga vloggers na nakaupo sa isang mahabang table. Noong madaan nga si Mr. Tan ay binati namin ito. Mr. Tan is so thankful to us dahil sa ngandang promotion na ginagawa namin sa kanyang waterpark. Isa na ito ngayon sa pinakadinarayong lugar dito sa Bulacan.

"Wala pa yata ang partner mo?" tanong ni Josh (isa ring vlogger) habang may malaking ngisi sa kanyang bibig. Nagsigawan ang iba naming kasama sa table at tinukso ako.

"Wala mamaya pa dadating." I informed them.

"Uy alam niya. Pero seryoso, you guys have a real good chemistry. Magiging reel to real na ba kayo?" panunukso niya sa akin at nailing na lang ako.

"We're just friends, guys. Issue rin kayo, eh," natatawa kong sabi at uminom ng juice na nakapatong sa lamesa.

"Seryoso?" tanong ni Kurt at tumango ako. "Every time I watch your vlogs together, iba eh. You have an awesome chemistry. Sobrang match yung personality ninyo sa paggawa ng vlog. Your informative style and her kalog style ay swak na swak." he commented at napangiti ako. Ibig sabihin lang nito ay magaling kaming dalawa ni Athena sa paggawa ng vlog.

Maybe I should say sorry to her dahil na rin sa pagiging judgmental ko before we met. It's rude to judge someone without knowing his or her personality.

Nasa gitna kami nang kasiyahan nila Kurt nung biglang lumapit sa akin si Mars. "Hoy, Samuel, 'di ba kasama mo yung lalaking nakaitim na naka-undercut na buhok?" tanong ni Mars at mabilis akong um-oo, tinutukoy niya kasi si Caleb. "Ayon lasing na, kausap nga niya si Athena."

Eto ang ayoko kay Caleb dahil kapag nasa gitna kami ng kasiyahan ay mabilis siyang nalalasing. Ang lakas ng loob na uminom, ang baba naman ng alcohol tolerance. Hindi ko man lang din napansin na nandito na si Athena dahil masyado yata kaming nagsasaya rito sa table namin.

Naglakad ako patungo sa direksyon ni Caleb at kausap nga niya si Athena, dadalahin ko na lang siya sa room na pwede namin tulugan. Palapit na sana ako nung marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"You know what, my friend really hates you," lasing na sabi ni Caleb. "He said that you're a vlogger wannabe and nangongopya ka lang ng style ng ibang youtuber. He even called you a xerox machine dahil nangongopya ka lang daw ng content."

"Hindi magagawa ni Samuel 'yan." depensa ni Athena sa akin.

"No, he can do that. I am his bestfriend, alam ko lahat ng sikreto niya. Balak niya ngang mag-backout sa promotional video nung nalaman niyang ikaw—"

Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa knila, baka kung ano pa ang masabi ni Caleb dahil sobrang lasing na niya. Tinakpan ko ang bibig ni Caleb and I faced Athena. "Sorry sa mga pinagsasabi nitong kaibigan ko, he's drunk. Don't mind him,"

"Pero totoo ba yung mga sinabi niya sa akin, Samuel? Na ayaw mo sa akin?" Nakita ko ang pagluha ni Athena na mukhang nasaktan sa mga sinabi ni Caleb. Eto namang si Caleb ay tuluyan nang nawalan ng malay dahil sa kalasingan.

"He's drunk. Huwag mong pansi—"

"Ang gusto kong malaman ay yung totoo, Samuel. Did you just made fun of me and my videos? Sinabihan mo ba akong walang originality sa mga content ko?"

I sighed heavily. "Yes, pero dati 'yon, Athena. Bago kit—"

Hindi ko na natapos ang aking sinasabi nung isang sampal ang tumama sa aking pisngi at naglakad na palayo si Athena. I hurt her feelings.

Pass or Collab (Short Story)Where stories live. Discover now