CHAPTER 382 - AKIHIRO

284 6 0
                                    

Tahimik na tinahak ni Aki at Rose ang daan pauwi. Walang naganap na palitan ng salita sa kanilang dalawa liban na lang noong nakarating na sila sa parking lot ng hotel na tinutuluyan nila. Aki asks Rose na mauna na muna ito dahil may babalikan lang siya sandali. Pagod na si Rose kaya hindi na siya nito nagawang tanungin kung saan siya sa pupunta. At ang tanging sinabi nga lang nito sa kanya ay bilisan niya na lang ang paguwi. Aki just nodded habang pinapanuod ang pagpasok ni Rose sa hotel. And when his future wife disappears from his sight, dali-dali na siyang pumasok sa kotse niya’t pinaharurot na ito agad-agad sa daan.

“Helix, fuck you!” ang pinakaunang lipon ng mga salitang lumabas sa bibig ni Aki nang makalayo na siya sa hotel. Gusto niyang sumigaw ngayon dahil sa galit but he knows he shouldn’t do it. Kung ngayon na hindi niya pa nakakaharap si Helix at hindi niya na makontrol ang galit niya, paano pa kaya kung nagkausap na sila? For sure, Helix is already awake right now. It’s already 10:32 in the evening at ilang oras na rin ang nakakalipas matapos nitong tinangkang kitlin ang sariling buhay. Aki can’t fathom the reason why Helix needs to do that. Maayos naman silang nagkita kaninang hapon at may nangyari pa nga sa pagitan nilang dalawa. And when they parted ways, alam ni Aki na pareho nilang napunan ang pisikal na pangangailangan ng dalawa. Yes, no words escape from their mouth when they meet before the incident happen. Pero kahit ganun, buong akala ni Aki na ayos na ang lahat. Na kahit papaano, napunan na ng sandaling iyun ang pagka-miss nilang dalawa sa isa’t-isa. They broke up already pero alam pa rin nilang pareho na mayroon pa rin silang nararamdaman sa isa’t-isa kaya para maibsan ang sakit, dinahan-dahan muna nila ang opisyal na paghihiwalay nila. Nagkita sila kanina at paniguradong magkikita pa sila sa susunod. At gagawin nila iyun hanggang sa makalimutan na nila ang kung ano man ang minsan ng naging ugnayan nila. Everything was unspoken but Aki thought that it was already clear for both of them.

Kaya nga noong tumawag si Rose sa kanya para sabihin ang balitang nawawala si Helix, ay tila nagulo ng saglit ang mundo ni Aki. At mas lalo pa itong napinsala ng matagpuan niya itong tumalon sa isang tulay. He was there when it happened and he’s thankful na naabutan niya iyun dahil kung hindi ay baka hindi niya na rin ito nasagip.

Para kay Aki, napaka-selfish ng ginawa ni Helix. It was so immature at the same time. Pero ayaw niya rin namang husgahan ito agad-agad ng hindi niya naririnig ang panig nito. Trying to commit suicide is a serous matter. Buong akala niya kasi’y naging maayos na ang lahat sa paghihiwalay nila. Na sobrang naging klaro na na tapos na ang kung ano man ang mayroon sila. But with what Helix did, Aki was able to prove that his lover wasn’t able to emotionally cope with it. Buong akala niya ay siya ang mas mahihirapan dahil siya ang mas bata sa kanilang dalawa pero nagkamali siya. Nasaktan silang pareho but it was Helix that suffered the most.

“Bakit ka ba ganyan, Helix? Kapag tinatanong kita kung anong problema, palagi mo na lang sinasabi sa akin na ‘wala’. Pero ano ‘tong nangyari ngayon? Pinagmukha mo akong tanga! Asawa mo ako! Hindi mo ba naiintindihan ‘yun? Asawa mo ako kaya kung ano man ang pinagdadaanan mo, dapat sabihin mo sa akin! Ano ba ako rito? Estatwa? Manikin? Mukha ba akong tuod, Helix? Mukha ba akong poste? Hindi ba ako mukhang buhay sa’yo?”

Nang makabalik si Aki sa ospital, he accidentally overheard Nikki and Helix’s verbal fight. Hindi pa sumasagot si Helix pero alam niyang malapit ng maputol ang pisi nito. His wife, Nikki, is verbally harassing him again. At imbes na tanungin kung ayos lang ba ito at iyun pa talaga ang unang lumabas sa bibig nito. But Aki can’t blame her too. It is indeed insulting for Nikki na matagpuan na lang si Helix na tatalon sa isang tulay nang hindi nalalaman ang dahilan.

Bahagyang napaatras si Aki nang magbukas ang pinto. Iniluwa niyun ang umiiyak at galit na galit na si Nikki. Nagkatagpo ang mga tingin nila. Nikki just glares at him before she walks away.

Hinawakan ni Aki ang door knob. He pushes it at nang makapasok na nga sa loob ay isinara niya iyung muli. Nadatan niya si Helix na nakaupo na sa patient bed. Nothing’s wrong with him except for the fact na naka-hospital dress ito, may IV, namumutla, at umiiyak.

“Get out…” mahinahong bungad nito sa kanya.

Aki was taken aback by what Helix said. Gusto niya itong suntukin ngayon pero pinigilan niya lang ang sarili niya.

“Helix, I just want to ask you kung bakit mo ginaw----”

“I SAID, FUCKING GET OOOUUUT!” sigaw ni Helix na kanya at pagkatapos ay nagwala na.

“AAAH!” Pinagbabasag ni Helix ang kung ano man ang makita nito at bago pa siya makapag-react ay pumasok na ang iilang nurse para pakalmahin ito. Dumbfounded, walang ibang nagawa si Aki kundi ang lumabas mula roon. Nakasalubong niya si Nikki sa labas ng ospital na kasalukuyan umiiyak pero nilagpasan niya lang iyun. At nang makapasok nga siya sa kanyang kotse ay pinatakbo niya ito ng mabilis.

Panay lang ang pagiling ni Aki habang nilalakbay niya ang kahabaan ng daan, pilit na pinipigilan ang sariling huwag maiyak. But still he failed to do so, Aki breaks down when he passes the bridge where Helix tried to kill its own self. Nang makalapagpas siya doon ay inhinto niya ang sasakyan niya malapit sa simbahan. Pumasok si Aki sa loob at sa tapat nga ng cubicle na malapit sa altar kung saan madalas na nagkokompisal ng mga kasalanan ang mga pumaroon ay hindi napigilan ni Aki ang sarili niyang hindi humagulgol.

“Sige lang anak, sabihin mo sa akin ang lahat.”

“Father!” sigaw ni Aki habang panay lang ang pag-agos ng luha. “Nakapag-relasyon po ako sa isang lalaki. Pareho po kaming may may kinakasama. He has a wife and and I have a fiancé which is pregnant. Father…” Natigilan si Aki nang may kung anong bumarang matigas sa lalamunan niya dala ng pag-iyak. “Makailang beses na pong may nangyari sa amin simula pa noong summer. But right now, we already broke up. Pero father, kahit hiwalay na kami, mahal pa rin namin ang isa’t-isa. Mahal na mahal pa rin namin.” Hindi na makilala ni Aki ang sarili niya nang tuluyan na siyang gumuho. This is the first time that he’s confessing it at hindi niya akalaing ganito pala kahirap at kasakit.

“Putangina…” napamura pari sa naging kompisal ni Aki. He breaks down for the hundredth time at hindi niya alam kung kalian matatapos itong pagdurusang nararamdaman niya. He thought he’s doing things right by chosing Rose, but now, it has all gone wrong.

When Our Wives Are Not Around (Set B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon