Pagdating sa kweba ay hindi na nya nagawang isalang pa ang saging at ang mga halamang gamot dahil hilung hilo na talaga siya at sobrang sakit na ng ulo nya. Minabuti nyang ihiga na muna ang nararamdaman dahil maya maya ay siguradong bubuti na rin ang pakiramdam nya. Wala na ba talaga akong halaga sa kanya, ni hindi nya ako pinigilang umalis kahit alam nya naman na lalagnatin ako.
Ahhh, hindi ko dapat iniintindi ang mga negative thoughts na yan. Ang mahalaga, pinadalhan nya ako ng makakain at gamot, pinagbihis nya din ako kanina, tama na muna yun. Kung kailangang magsimula kami ulit sa umpisa ok lang. She' worth it naman.
Hindi nya na namalayan na nakatulog na pala sya. Nagising sya na dahil sa sobrang lamig at nagchi-chill sya ng malala. Tirik pa ang araw kaya imposibleng ganito na kalamig. Lumala din ang sakit ng ulo nya. Ganunpaman, pinilit nyang tumayo at magluto kahit pasuray-suray ang lakad. Inilapit nya na din sa higaan ang siga. Hindi nya halos maisubo ang nilagang saging dahil sa sobrang panginginig ng kanyang mga kamay. Alam na alam nya ang nangyayari sa kanya, pero wala syang magagawa, inanod sa dagat ang mga baon nyang gamot. At kung gaya pa rin ito ng dati kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili sa loob ng more or less 24 hrs na pakikibuno sa sakit nyang ito.
Buong magdamag nga siyang hindi pinatulog ng maya mayang pangangaligkig sa ginaw, na may kasabay na todong pagpapawis at malalang pagkirot sa sentido. Hinang hina sya tuwing matatapos ang atake. Tumatagal ito ng halos 45 minutes na ang pagitan naman ng bawat atake ay magkakalahating oras. Pinipilit nyang kumain ng nilagang saging tuwing humihinto ang atake. Kailangan may lakas sya para alagaan ang sarili dahil wala naman syang aasahan pa, wala syang halaga sa kahit kanino. Tumulo man ang luha ay tiim ang bagang at kuyom ang palad na tinitiis nya ang atake ng kanyang karamdaman.
Maya maya ang tanaw ni Jem sa daan padating sa kubo, malapit na kasing dumilim ay wala pa rin si Deanna, nangako ito kaninang babalik, pero wala naman. Hay naku, napaka-sinungaling talaga. Kung bakit naman kasi napakarupok ko pagdating sa kanya. Kagaya kahapon, buong buo na ang pasya ko na puputulin ko na ang ugnayan namin, pero nang madatnan nya akong nagpapantasya sa mga ginawa nya sakin noong nakaraang umaga ay wala akong nagawa para pigilan sya. Kung bakit ba naman kasi kahit anong gawin kong paglalaro sa aking sarili ay para lang akong may hinahabol na hindi ko maabot-abutan. Sobrang gulat ko nang may mahigpit na kumapit sa aking mga kamay at pagmulat ko ay nakita ko ang kanyang napakaamong mukha na nakangiti. Itinutulak ko sana sya pero nang maramdaman ko ang dampi ng kanyang mga labi doon habang hindi inaalis ang titig sa aking mga mata, noon pa lang ay parang nakarating na ako sa langit. Hinayaan ko na lang sya at nagpatianod ako sa gusto ng aking katawan. Hindi ko tuloy maintindihan kung sinabi nya nga ba o guni-guni ko lang na love nya din ako. Pero ayan na nga gabi na, wala pa din sya. Tinamad na sigurong maglakad yun. Bahala na nga sya.
Kinaumagahan, bandang alas 9 ay nagpasya na syang puntahan si Deanna. Nag-aalala at hindi kasi sya mapakali buong magdamag dahil hindi nga ito bumalik, tapos ngayong umaga, tanghali na ay wala pa din ito. Naghanda sya ng ube, saging at madaming luya. Nagdala din sya nung kape na dinikdik nya, bagama't hindi ito pinong pino ay masarap at mabango din ito. Mabilis na mabilis ang kanyang lakad pauwi sa kweba, kinakabahan sya na di mawari, natatakot ba sya na may masamang nangyari sa mahal nya o excited sya na makita ito ulit at humingi na ng paliwanag sa gumulo sa kanyang isipan kaya iniwan nya ito. Hindi nya pala ito kayang tiisin, sobrang mahal na nya si Deanns para hayaang basta na lang ito mawala sa kanyang buhay.
Habang tinatanaw mula sa malayo ang kweba ay wala man lang kaunting ingay o galaw o usok na palatandaan na may tao sa loob. Nakuu, ok naman ata sya, nasa galaan yata o kaya ay nangingisda. Pagpasok nya sa kweba ay wala ngang tao. Ang nakakapagtaka ay nasa loob pa rin ang siga. Maaga kasi nila itong inililipat sa bungad ng kweba. Inayos nya ang mga dala dalahan. Nagpakulo ng tubig na may kape at katas ng tubo. Habang abala sa kalan ay nakarinig sya ng mahinang ungol. Mabilis syang nagtungo sa direksyong pinagmulan ng ungol at nakita nya sa lapag, nakabaluktot si Deanns, katabi ng siga at balot na balot ng mga layag at nanginginig ito.
BINABASA MO ANG
MAGKABILAAN
FanfictionMAGKABILAAN Ang mundo ay magkabilaan, May kabutihan, may kasamaan Kung may katapatan, may kataksilan Sa minamahal man o sa bayan May unos, may sigwa, sa kabila may paghupa at pagtila Sa pagtatagpo ay nagsasalubong Ang magkasalungat, tila mags...