CHAPTER THIRTY-THREE
"IF HE told you to jump on the cliff, you'll still do it?" I frustratedly asked.
We arrived at the venue five minutes ago but we decided to stay inside his car for a while because we're not done talking yet. Lalo na ako. Ang dami-dami ko pang gustong itanong at sabihin sa kanya.
"That was a different case, Chie," he reasoned out. "Hindi ko naman talaga totally sinusunod ang mga sinasabi niya sa akin, e. Nagkataon lang ang lahat."
"Nagkataon na . . . ?" I asked, creasing my forehead and arching my left brow.
"Nagkataon na ikaw kasi ang pinag-uusapan," he quickly responded.
Mas lalo lang kumunot ang aking noo dahil hindi ko na siya maintindihan. "What do you mean? Hindi ko gets."
"Okay, listen," he uttered, suddenly holding my shoulders while facing directly at my direction. "If it's about you, I'll do it. As simple as that."
"But why?" Dahan-dahan ko na ring inalis ang pagkakahawak niya sa aking balikat.
"There's no complicated reason, Chie. Basta pabor din sa akin 'yong sitwasyon kaya sumusunod na rin ako," aniya sa mababang boses.
"Ah, so parang gan'to," pagsasalita ko sabay ayos ng upo, "kapag sinabi niyang itulak mo ako sa bangin, gagawin mo? Kasi, 'di ba . . . ako 'yong pinag-uusapan?"
"Seriously, Chie?" he annoyingly replied. Halata na rin sa mukha niya ang pagka-inis kaya hindi ko mapigilang hindi matawa sa loob-loob.
"I was kidding," mabilis na sambit ko dahil mukhang sasabog na siya sa sobrang inis. "But seriously speaking, you should stop doing that."
"Do what?"
"'Yong bigla-bigla na lang magpapakita sa akin. 'Yong bigla-bigla na lang pupunta sa akin. Doon sa condo unit mo na tinitirahan ko, I mean."
"Don't you like it?" Hindi ko alam kung nagtataka ba talaga o naiinis pa rin. "I mean, you won't find those gestures sweet?"
Siguro kung susumahin, kanina pa punit na punit ang aking noo sa sobrang pagkakunot mula kanina dahil sa pagtataka. "What the fuck?" I almost whispered. "Paano naging sweet 'yon? Ely, it's kinda creepy."
"Fuck, I'm doomed. I thought you were gonna like it," bulong niya na siya namang malinaw kong narinig.
"At bakit kailangang maging sweet 'yon? Bakit kailangan mong maging sweet?"
"Chie, quick question: are we friends now?"
I caught off guard. I didn't expect that question coming; at hindi ko alam bakit hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang 'yon na answerable by yes or no lang naman.
I stared at him and he stares back. Ilang segundo rin kaming nagsukatan ng tingin sa isa't isa.
"I understand—"
"Yeah, we're friends," I cut him off. Mukhang nagulat siya sa bilis ng pagkakasabi ko dahil takang-takang ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. "Despite of our first encounters, I can still considered you as one of my friends."
And after that, he showed that smile again. Pero sa hindi malaman na dahilan, medyo kumalma na ko kaysa kanina.
"Alam mo, baka kanina pa nila tayo hinahanap sa loob," pagsasalita ko at pinutol na ang pagtititigan namin. Agad ko na ring inalis 'yong seatbelt na nakakabit sa akin. Pero bago pa ko tuluyang lumabas, sinilip ko muna siya at hindi ko na naman napigilang hindi mapamura nang pagkalutong-lutong sa nakita. "Ano na namang ginagawa mo?!"
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceThis is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wrong timing, playful destiny, unsure decisions, unsteady feelings, and maybe, just maybe, a happy end...