Chapter 25: Choices
Jane's POV
Masaya naman ang mga nagdaang araw. Isang linggo na ang nakakaraan matapos iyong gabing magkakasama kami nila kuya, Al, at sila Geff, Phin at Darren sa orphanage. Hanggang ngayon din ay hindi pa ako nakakapasok ng matiwasay doon sa office ni Sister Malou dahil nitong nakaraang linggo ay dumating na sila galing doon sa binisita nilang kaibigan. Ang sabi nila sister ay kasamahan daw nila iyong kaibigang binisita nila na madre rin noong kapanahunan nila.
Nitong mga nakaraang araw naman ay may tumamang bagyo dito sa Manila kaya naman pati iyong basketball game nila kuya ay postponed muna. Nagkulong lamang kami nila kuya at Al sa pad namin. Si kuya salimpusa lang 'yan! Ang sabi niya kasi ay boring doon sa condo niya.
Mula nang magpasukan nang muli, iniiwasan ko na talaga si Geff. Hindi naman siguro niya napapansin dahil in the first place ay tahimik naman talaga siya at ang lagi niyang kasama ay sila Phin at Darren. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang kahulugan ng yakap na ibinigay niya sa akin noong nasa orphanage pa kami. Basta ang gulo niya!
Maging ako ay naguluhan dahil sa kanya. As much as possible ay ginagawa ko ang lahat, huwag lang kaming magkasalubong or worst ay magtama ang aming mga mata dahil mukhang hindi ko yata alam ang gagawin.
Napansin ko rin ang biglaang pagtahimik ng dating madaldal na si Neth. Madalas ko siyang makitang bumubuntong-hininga at kapag tinatanong ko naman siya, ang lagi niyang isinasagot ay pagod lamang siya.
"Dapat siguro ihinto mo muna 'yang part time mo. Baka kasi mamaya maapektuhan din pati studies mo," sabi ko nang minsa'y nakita ko siyang nakatungo doon sa table sa library.
Nakita ko kasi siyang mag-isa at ako naman ay kararating lang sa library. Si Al naman ay naroon sa SMS Department at mukhang may ipinagawa sa kanya si Ms. Adrias. Math genius naman kasi si Al kaya hindi na ako magtataka. Si Grace naman ay nandoon sa gym at nanunuod ng practice ng Waldroves. Dakilang fan talaga 'yong si Grace.
"Hindi. Ayos lang naman ako. Kaya ko naman ibalance ang time ko sa part time pati sa pag-aaral ko," pagpapaliwanag niya habang nakasandal pa rin ang ulo sa table.
"Eh bakit parang pagod na pagod ka? May eyebags ka na rin oh," sabi ko sabay turo doon sa itim sa ilalim ng mga mata niya.
Naaawa naman ako dito sa kaibigan ko. Bilib talaga ako sa kanya! Gusto ko sana siyang tulungan kaso baka kasi isipin niyang naaawa ako sa kanya. No person would want any pity from other people pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maramdaman iyon sa kanya. Alam ko naman kasi ang estado nila sa buhay. Working student na sobrang iniingatan ang grades. Ang hirap 'non ah!
"Okay naman ako kaso..." Bumuntong hininga nanaman siya.
"Neth, may problema ba? Pwede mo naman ishare sa akin 'yan," pagpapangiti ko sa kanya.
Sa totoo lang kasi ay nakokonsensya ako. Paano ba naman ay may alam akong hindi niya alam. Gusto kong sabihin sa kanya pero wala naman ako sa lugar para ako pa ang magsabi sa kanya nito. Alam kong may dahilan siya kung bakit niya itinatago ang totoo niyang katauhan kaya naman wala akong karapatan para pangunahan siya. At isa pa, hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon si Jayvier kaya naman hindi ko tuloy masabi sa kanya na ito si Neth, blocmate ko at kaibigan ko pa! Bigla kasi niya akong tinakbuhan matapos ko siyang tanungin kung si Neth ba iyong Angel na matagal na niyang hinahanap.
Nakikita ko rin magpahanggang ngayon iyong papa ni Jayvier. Binabati ko naman siya kapag nakakasalubong ko siya bilang respeto pero hanggang doon na lamang iyon. Natatakot pa rin kasi ako sa kanya.
"Jane, paano kung maipit ka sa isang sitwasyon kung saan papipiliin ka kung aalamin mo ba iyong isang bagay na sa tingin mo ay dapat mong malaman o magdedesisyon ka na lamang na manahimik dahil sa takot na baka... hindi pala iyong inaasahan mong malaman o marinig ang sasalubong sa'yo? Ano ang gagawin mo Jane kung ano mang desisyon ang pipiliin mo ay may mawawala sa'yo?" biglaang tanong ni Neth na siya namang ikinagulat ko.
Hindi ko alam kung ano ang ipapakita kong ekspresyon sa kanya. Wala akong maisagot. Sa totoo lamang ay naiintindihan ko kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Iyon ay dahil gano'n din ang sitwasyon ko sa ngayon.
Gustong-gusto ko nang malaman ang nakaraan ko. Iyong bahagi ng alaala ko na ginustong kalimutan ng puso't isip ko. At sa kabila ng kagustuhan kong iyon ay ang takot na baka nga may malaman akong bagay na hindi ko inaasahan. Bagay na maaaring gumuho sa buhay na mayroon ako ngayon. I'm aware that my past is tainted, tainted with so much negative feelings and bad memories. I witnessed how life could be so cruel that even if everything happened in front of you, within your reach... you just can't do anything to alter them. All you can do is to accept them, even if doing so hurts like hell.
Choosing a decision means letting go of something and gaining something in return. Every act has its own consequence. Hindi pwedeng lahat na lamang ng gusto mo ay makukuha mo. Kailangang may isakripisyo ka rin along the way.
Even though it's sounds so cruel but that is how this world works.
"I will choose among the choices still," sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na nakatingin din siya sa akin at naghihintay lamang sa idadagdag ko. "Kahit na alam kong may mawawala sa akin o masasaktan ako along the way just to know the truth, then I'll still do it willingly."
"Paano magiging maayos 'yun kung may nasasaktan ka na tao?" skeptikal na tanong ni Neth.
Hinawakan ko ang mga kamay niya. Naiintindihan ko siya. Tulad ko ay nais niyang malaman ang mga bagay na hindi niya alam sa pagkatao niya. Pero... mayroon siyang dahilan kung bakit hindi niya tuluyang magawa iyon. Iyon lamang ang tanging pumipigil sa kanya.
Ako naman ay hindi rin maaaring magpadalos-dalos, tulad na rin ng paalala ni Al. Someone planned the death of my family. The worst thing is that we don't have any freaking clue of who they were. Baka magulat na lamang ako ay nasa paligid ko lamang pala sila.
But still... "You can't just do nothing and will still be kept in the dark forever Neth. May karapatan kang malaman ang totoo... kung ano man ang gusto mong malaman. Walang pumipigil sa'yo. Losing something is inevitable along the process. But I guess kapag nalaman mo na ang gusto mong malaman ay... masasabi mong all is worth it."
May amnesia ka nga ba talaga Neth? I just concluded so dahil sa mga sinabi ni Jayvier... na hindi siya nakikilala nito. But what's keeping Neth from knowing the truth?
When I squeezed her hand only then she smiled.