JOSHINO POV
~KNOCK~ ~KNOCK~
Agad na bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang kasambahay..
"Tuloy 'kayo sir.." tugon niya at yun naman ang ginawa 'ko. Tumungo pa siya habang papasok ako, yun ang simbolo ng paggalang nila.
"Thankyou.."
Tumuloy ako sa opisina ng daddy ko. Syempre, kumatok muna ako bago ako pumasok. Natigil siya sa ginagawa niyang pagsusulat sa kung anong nasa mesa siya nang makita ako. Umayos siya ng upo at sumandal sa upuan niya.. hinintay niya muna akong maka-upo sa harap ng mesa niya bago magsalita.
"Anong sa'tin ngayon?"
"Tsk! Dad.. alam mo 'kung bakit nandito ako.." kunwaring iritang tugon 'ko.
"Alam 'ko.. anong balita ngayon tungkol sa kapatid mo?"
Huminga ako ng malalim, "Balita ko ay pasukan na nila sa Monday.."
"She will continue her study? Really? After mapariwara ng buhay niya mag-aaral parin siya? Wala ba siyang kahihiyan?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
"Dad, kilala mo si Rans.. matigas ang ulo non.. kung anong ayaw mo, yun ang gagawin niya.. kaya mas magandang sabihin mo sakanya na gusto mong mag-aral siya para hindi na siya mag-aral.." paliwanag 'ko tungkol sa kapatid 'ko.
"Tsk.." singhal niya.
"And.. this one is important.."
Seryoso akong tumingin sakanya at ganun din siya.. "what is it?"
Sinabi 'ko sakanya lahat ng nalalaman 'ko. Oo sobrang importante non.. hindi na ako nagtaka kung magugulat siya dahil 'talaga naman nagulat siya sa sinabi 'ko.. matapos ng sinabi 'ko ay gusto niyang ipatawag ko si Rans, ang kapatid ko para makapag-usap sila. Alam 'kona ang pinaplano niya.. gagamitin niya si Rans sa plano niya..
Ayokong madamay ang kapatid ko pero sa palagay 'ko ay wala na akong magagawa.. agad kong konontak ang kapatid ko, pero hindi niya sinasagot kaya napag pasyahan kona magpunta nalang sa bahay na tinitirhan niya ngayon.
Tsk.. squater area.. anong meron sa lugar na'to at gustong gusto mong babae ka?
"Hi pogi!!"
"Ang gwapo naman ne'to!! Hello!!"
"Wow mukhang bigtime.."
"Sino kaya ang pinunta niya dito?"
"Nakita kona 'yan dati na nagpunta dito, pumunta sa bahay nila Ranz ba yun? Yung laging nakablack ang lipstick?"
'Tsk mga chismosa.. oo kapatid ko yun. Kapatid kong maganda.. di 'tulad niyo mga dugyot!'
Kumatok ako sa isang maliit na pinto at nung bumukas 'yun ay si Linus ang agad kong nakita..
"Oh, Joshino! Pasok 'ka.."
Pinatuloy niya ako at naupo sa single sofa..
"Sandali lang ah, akyat lang ako.. gisingin 'ko si Rans.. tulog mantika pa e.. pero teka, kumain 'kana ba?" Tanong niya.. tumango naman ako at ngumiti..
"Salamat.."
"Ahh sige.. sandali lang.."
"Sige.."
Umakyat siya sa taas.. pinagmasdan kopa muna ang buong bahay at masasabi kong napakaliit ng bahay na ito.. kailangan mo pang yumuko dahil sobrang liit ng pinto.. masikip.. hindi 'ko talaga alam pano natatagal ng kapatid ko ang mabuhay dito.. sa ganitong sitwasyon..