Rayven's P.O.V
Tulala pa rin ako,natauhan lang ako ng maramdaman ko ang yakap nya
"Ang tagal mo naman yumakap"bulong nya, pagkatapos kumawala na sya sa pagkakayakap sakin
Lumayo naman ako bigla sakanya,hindi pa rin ako makapaniwala na sya ang boyfriend ko!
"Seryoso ka ba?!"tanong ko sakanya na pasigaw,nakaduro pa ang hintuturo ko sakanya
"Yes,i'm your one and only boyfriend"sabi nya habang nakangisi
Hindi pa rin ako naniniwala
"Talaga lang ha!"sigaw ko ulit sakanya"Aishh!tara na nga"sabi nya sabay hablot sa kamay ko,kaya napatayo na kami sa pagkakaupo
"Hoy!teka lang saan mo ako dadalhin?!"sigaw ko sakanya,habang tinatanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya
"Hindi ba may date tayo"sagot nya sakin,
Oo nga pala!"Pero--"natigil lang ako sa pagsasalita ng nakarating na kami sa tabi ng kotse nya
"Sakay na"sabi nya pagkatapos buksan ang pinto sa passenger seat
"Saan muna tayo pupunta?!"tanong ko sakanya sabay crossarm
"It's a secret"sabi nya sabay ngiti
Tss.may pasecret secret pa syang nalalaman
"Hindi ako sasakay hanggat hindi mo sinasabi"kung makulit sya,mas makulit ako
"Secret"naiirita na nyang sabi
"Sinabi ng--"hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko,nang bigla na lang nya ako hilahin at pilit pinasok sa kotse nya, kanina nya pa ako hindi pinapatapos
BINABASA MO ANG
My Boyfriend in RPW,My Enemy in RW
Teen FictionSana po suportahan nyo ang first ever story ko. Hindi po ako magaling magsulat,pero sana magustuhan nyo. Tara na at subaybayan natin ang kwento ng ating kapre at pandak couple