Akala ko she'll come home to me after that night, but no. Vanne updated me na nagpumilit daw na sa condo niya daw umuwi si Autumn.
Its been a week since I last saw her. My accounts are still turned off, but I'm planning to be active again. I tried to see her, but I just can't. I don't know where she is. Hindi ko siya maabutan sa unit niya. She didn't answer my calls and texts. I even contacted her family pero pati daw sa kanila walang sinasabi si Autumn kung nasaan siya, basta makikita nalang daw nila na umaattend naman daw ng shows.
Hirap na hirap na 'ko. Ang sakit sakit na. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahagilapin, kung saan ko siya makikita!
Damn, Ibaba ko yung putanginang pride ko dahil mas mahalagang nasakin siya. Mas nahalaga sakin na kasama ko siya pero tangina...
Bakit parang ayaw niya na? May nagawa ba 'kong sobrang ikagagalit niya? Iniwasan ko na si Astrid! I never saw her after championship! Wala na 'kong maisip na reason kung bakit ayaw niya 'kong makita!
Camy's calling kaya sinagot ko naman agad yon.
"Oh?" I said with my bored tone.
"Still sulking? Dude, tara dito!" How can I not? Tss. I can hear loud music from the background. "Halika't magsaya ka muna! Tsaka mo na isipin yang girlfriend mong nang g-ghosting!" She laughed. Natawa nalang din ako. Gago pucha.
Sinabi ko nalang na pupunta 'ko.
May mga nakakilala sakin habang hinahanap ko yung pwesto nila Camy. Nakangiti naman ako kapag may tumawag sakin or nagpapa picture. May mga namumukhaan pa nga 'kong models na nandito.
Umupo ako sa tabi ni Ash nang makita ko yung pwesto nila ni Camy. May mga kilala rin kaming players na nandito kaya nakipag high five kami.
"Gago, type ka nung kaibigan ni Drei." Sabi ni Ash. Nginuso niya yung isa sa mga girls na kasama nila Drei sa table nila. Basketball players yung mga lalaki at may mga kasamang girlfriends.
"Paki ko? May girlfriend ako."
Tumawa silang dalawa.
"Ano? May girlfriend ka pa? Nasaan?" Asar ni Camy.
"Ikaw nalang yata may alam na girlfriend mo siya? Di na yata siya informed!" Ngumisi si Ash.
"Pinapunta niyo ba 'ko dito para paiyakin? Tangina." I cleared my throat. I roamed my eyes. Ang dami daming magandang babae pero puta patay na patay ako sa kanya!
"Saamin lang naman, kung ayaw na sa'yo, edi pakawalan mo. Tangina, you're fucking Keyleigh Razon! Kelan ka pa naghabol ng ganyan? Si Astrid nga nung iniwan ka, hinabol mo ba?" Sabi ni Ash.
"Hindi."
"Diba? That's what I'm saying, Keyl. Iniwan ka? Hayaa mo siya. Kawalan niya yon." Seryoso niya pang dugtong.
"Hindi ka pa ulit active sa sociad media?" This time, seryoso na din si Camy. Umiling ako. "See it for yourself, Keyl. You need to check your accounts para matauhan ka. Ayaw namin na samin manggaling."
Naluluha na 'ko, tangina.
"Puta kasi!" I wiped away my tears. "Mahal na mahal ko kasi gago!" Tanginang yan. Kaiwan-iwan ba talaga 'ko? Dahil ba ang clingy ko masyado? "Hahayaan ko naman siya basta ba bigyan niya lang ako ng reason kung bakit biglang naging ganon. Hindi yung ganito na bigla bigla nalang siyang magd-decide na hindi ako makita! Langya, sinabi niyo na kasi sakin na delikado pero hindi parin ako nakinig! Akala ko iba siya. Akala ko mas uunahin niya 'ko kesa sa mga sinasabi ng iba." I can't help it. Ngayon ko lang 'to nilabas. "Kahit sabihin niya lang na ayaw niya na sakin at hindi niya na 'ko mahal, okay na sakin yon...gusto ko lang marinig ang boses niya. Tangina yan. Ang sakit sakit naman!"