-Day 58, Friday, March 14-
"Yo! Kamusta na yung agenda natin ha?" Sabi ko kay kuya sabay angat ulit ng glasses ko sa mukha. "Marami-rami na rin yung nagawa natin bago mag-end yung linggo eh no?"
Hinalukay ni kuya yung bulsa ng shorts nya, bumunot ng papel at binigay sakin, "Andami naman nito, eto ba talaga ang showbiz?"
"Eh hehehe, wala ka na run! Nandun ka lang for eye candy! Eh hehehe!"
"Yung eye candy na binabayaran ng 50K a month, angal kah?!"
Halos nalaglag yung glasses ko sa narinig ko, holy paa ng kalabaw! "5oK?! The audacity!"
Nahiga na ulit si kuya sa hammock nya at nag-duyan nalang habang nilagay na ang kamay sa likod ng ulo, "Tapos yung 50% cut ng bayad mo pupunta rin sakin kasi yun nga yung deal eh hehehehe! TALO KA!"
Sinimangutan ko nalang sya, ano namang pake ko sa laki ng earnings na lamang nya sakin?! Ah basta nandito na ako sa mansion ko at life is well.
Alam kong Friday ngayon pero wala ako sa mood pumasok ngayon sa trabaho eh, nasa mood lang ako mag-chill dito sa mansyon namin, because why the hell not, hindi na ba ako allowed um-absent?
Pero syempre, bawal ang tatamad-tamad... kahit na nakahiga nanaman kaming dalawa ni kuya dito sa kanya-kanyang hammock namin by the poolside. Nah, magswi-swimming din naman ako mamaya eh... I think counted na yun sa kasipagan.
Tutal naman, mga 4pm na rin naman na ng hapon... at ngayon ko palang titingnan yung agenda ko for today. What can I say, mataas naman na posisyon ko sa social hierarchy nila eh.
Plus, naka-sick leave ako ngayon, eh hehehe... Kahit na alam kong wala namang dapat pagtawanan don at perfectly logical lang yon.
Anyways, inangat ko na yung papel para basahin na yung mga contents.
Hmmm...
"Grabe naman yung mga tapings koh! Nausod na lalo! Halos April na yung first appearance ko ah! Dapat pala magpalagay na 'ko boob implants bago yung date na yun!"
"Wooooowwww... ateeee... hindi maganda yan..."
"Weh... ano namang pake mo dun?! Gusto mo palagyan din kita? Tutal mukha ka namang babae na eh!"
"Yung girlfriend ko nung last year, medyo hindi natural nung niyakap ko sya, parang pinalobong plastic lang. Baka ganun mangyare sayo."
"May tips ka ba?"
"The more mas mataas ang presyo, the better the quality... yeaaahhhh... boob-talk talaga tayo rito eh?"
Napansin kong lumipat si kuya ng hammock para lang tumagal yung pwesto nya sa bilad ng araw, "Di mo talaga titigilan yung tan mo no?"
"Engot, naghahanda lang ako sa modelling gig ko... Andali pala maging half-european dito sa Pinas ano?"
"You betcha."
Binasa ko na ulit yung mga nakasulat sa agendas ko ngayong araw-
Wait... pwede naman nang ilagay sa Monday 'to... anyways...
'Check yung quality of writing'
"Ay oo nga pala, tanga, may number ka na ni Ellie ano?"
"Yeah, gusto ko sana ng booty call ngayong gabi, maganda yung kaibigan mo na yun ah."
"Hoy! Siguraduhin nyong hindi kayo maingay ah, dun kayo sa condo at wag dito sa mansyon!"
"Oo alam ko yon, para namang feeling special ka lagi naman!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...