Nung mga oras na yon ay nasa bahay na sila ni Elise. First time makapasok doon ni Rosh at maayos ang upo niya. Nasa taas kasi itong si Elise at nagbibihis habang siya naman ay tahimik na naghihintay sa baba.
"Baby nuod ka muna ng tv diyan, nagaayos pako dito!" sigaw ni Elise mula sa taas. Hinanap ni Rosh ang remote control at ng makita niya ay agad naman niyang binuksan ang tv at nanood.
Habang naglilibang siya nun ay bumaba na sa wakas itong si Elise at ng akmang tatayo na itong si Rosh ay agad naman itong tinulak ni Elise at hinalikan nalang sa pisngi.
"Diyan ka lang, bibili lang ako makakain natin ha?" sabi ni Elise. Magsasalita pa lamang itong si Rosh ay nakalabas na siya ng bahay.
Hinayaan nalang niya ito at bumalik siya sa paglilibang. Habang naghihintay siya ay napansin niya ang phone ni Elise na nag-vivibrate sa may table sa harap niya. Tumingin muna siya sa may pinto bago niya ito kinuha. May tumatawag sa kanya. Hindi niya kilala ang pangalan pero pangalan ng lalaki yun. Hinayaan nalang niya ito at muling nilapag ang phone sa table.
Lumipas pa ang ilang minuto ay nakabalik na si Elise at agad na naghanda ito ng kakainin nila. Maya-maya pa ay biglang naalala ni Rosh na may tumawag nga pala sa phone ng GF niya at naisip niya na sabihin rito.
"Baby, may tumatawag sa phone mo kanina. Ronald ang pangalan." sambit niya habang nakatingin sa tv. Napatingin lang itong si Elise habang ng-ttimpla ito ng juice.
"Sinagot mo ba? Ano daw yun?" tanong nito.
"Di ko sinagot eh. Bawal yun." ang siya naman sagot ni Rosh habang naglilipat siya muli ng channel.
Natawa nalang habang papalapit itong si Elise habang dala niya ang pagkain at juice. Tumulong si Rosh sa paglalapag nito sa sala ng masambit niya; " Bat ka nagtatawa?"
"Eh kasi naman Baby. Ok lang naman sakin kung papakialaman mo ang phone ko. Kahit magbasa kapa ng kung ano-ano diyan ayos lang. Ikaw naman yan eh." nabanggit nito. Napa oo nalang itong si Rosh habang kinakain na niya ang ensaymada na binili nito at nagsimula na silang mag-relax at manood.
Sumandal kay Rosh itong si Elise na nag-prompt naman na akbayan niya ito. Pagkatapos nun ay tahimik nalang sila uli habang nanonood. Habang kumakain itong si Rosh ay sinusubuan niya rin ito ng tinapay at si Elise naman ang may hawak ng juice, kasi nga naka-sandal ito sa may balikat niya.
Maya-maya ay umayos ng tayo itong si Elise habang si Rosh naman ay pumunta sa CR. Ng masipat nitong si Elise ang phone ni Rosh ay kinuha niya agad ito at binuksan bago magpaalam kay Rosh; "Baby buksan ko phone mo ah!" sigaw nito. Sumigaw nalang ng oo itong si Rosh at duon nga nagsimula ng maghalungkat itong si Elise.
Una niyang binuksan ay ang galleries at nakita naman niya na puro picture lang ng kung ano-ano ang naduon, at ng barkada niya at sila siyempre. Napangiti nalang itong si Elise sa nakita niya hanggang sa makaabot ito sa part nung hindi pa sila ng Boyfriend niya.
Nakita niya rito na puro picture nila yun ni Jas na unti-unti namang pumawi ng ngiti nito. Binilisan niya ang pagtingin at ng napansin niya na parang wala ng katapusan ang picture nilang dalawa ay tingningnan niya ang gallery nito at nagulat nalang siya na mas-marami pa ang picture nila ni Jas kesa nilang dalawa. Nakaramdam siya ng selos noon kaya tiningnan pa niya kung ano pa ang naroon at nakita niya na may video pa sila.
Maya-maya pa ay dumating na si Rosh at tumabi muli kay Elise; "Nakafocus ka diyan ah." sambit nito pero wala lang react itong si Elise. Naisip ni Rosh na gawin din yun sa phone ng GF niya. Nakita ito ni Elise at sunod tingin nalang siya; tila hanayaan nalang niya na gawin din yun.
Habang nagtitinginan sila ng kanya-kanyang phone ay pinakikiramdaman lang ni Elise itong si Rosh at napansin niya na hindi siya gano nag-rereact. Nung sinilip niya ang ginagawa nito ay nalaman na niya kung bakit walang ka-rea-reaksyon tong lalaking to; naglalaro lang pala. Nainis ng bahagya itong si Elise pero di nalang niya pinansin at pinagpatuloy ang paghahalungkat niya.
Pinanood niya ang isa sa mga video at nakita niya na si Rosh ang nag-vivideo at nagkukulitan at harutan ang dalawa sa ibang bahay. Masasabi mo na sa bahay ito ni na Jas at lalong umusok ang tenga nitong si Elise. Habang pinapanood niya ito ay sweet na sweet nila sa pagpapaluan ng unan at ang lakas-lakas ng tawa nila. Narinig niya ang pagkalakas-lakas at masarap sa tenga na tawa ni tong si Rosh na sa loob ng 2 months nila ay hindi pa niya naririnig.
Grabe ang pagkukulitan nila kaya tinigil na niya ang panonood nito at tumuloy sa sunod na video. Ito naman ay tungkol sa pagtuturo ni Rosh kay Jas na mag-bike. Ayos lang sana kung sa tapat lang ng bahay nilang dalawa eh, ang problema sa park. Napasiko nalang si Elise kay Rosh ng malakas na siya naman kinagulat nito.
"Ang sakit nun ah! Bakit mo ginawa yun?" tanong nitong nagtataka na si Rosh.
"Wala." sagot naman ni Elise. Di nalang pinansin ni Rosh itong ginawa ni Elise at nagpatuloy siya sa paglalaro habang siya naman ay nanood nung video.
Ang cute nilang dalawa kung tutuusin habang tinuturuan nitong mag bike si Jas. Sa kalagitnaan ng video ay mukhang natuto na itong si Jas sa pagba-bike at nakakalayo na, ng biglang matumba ito at malaglag. Natawa noon si Elise sa nangyari pero agad itong nawala ng napansin niya ang pag-aalala nitong si Rosh sa video.
Ang sweet nila rito, inaalalayan na niya si Jas tumayo at duon naputol na ang video. Tumahimik nalang itong si Elise habang todo sa paglalaro itong Boyfriend niya. Inis ang mararamdaman mo sa aura ni Elise nung mga panahong yun at sa hindi inaasahang pangyayari; ay ibabato na ni Elise ang phone nitong si Rosh. Agad naman itong napansin ni Rosh at binitawan niya ang phone ni Elise at hinawakan ang kamay nito; at inagaw nito ang phone niya.
"Bakit babato mo phone ko!? Sige ka di na kita matatawagan and mate-text ng I love you." pananakot nitong si Rosh.
"Leche mas-sweet pa pala kayo ng Bestfriend mo kesa sakin!" pagdadabog ni Elise paakyat.
Nagtataka naman itong si Rosh kung tungkol saan ang tinutukoy ng Girlfriend niya. Tiningnan niya ang phone niya at nakita niyang nagp-play ang kasunod na video nila ni Jas. Binack niya ito at nakita niya na pinanood pala nito yung huling video nila. Napa-ngiti nalang si Rosh at sinundan niya ang Girlfriend niya sa kwarto nito.
Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ito na yakap ang isang bear na galing duon sa monthsary nila; habang napapaligiran siya ng iba pang bear. Umupo ito sa tabi nitong si Elise at hinikit itong girlfriend niya na nakasimangot. Niyakap niya ito at tila hinehele habang hinihimas niya ang buhok nito.
"Alam mo Baby. Wala ka dapat ika-selos kay Jas. Bestfriend ko yun since childhood. Parang si Haley, diba?" sambit nito na ikina-irap lang ni Elise.
"Wag kang mag-alala. Sayong-sayo lang ako ha? Walang makaka-agaw sakin. Kahit si Jasmine pa. Ok Baby?"
"Eh pano pag nagsawa kana sakin? Pano pag-tinotopak nanaman ako. Iba akong topakin, di mo palang nararanasan." ang sabi nitong si Elise. Hindi parin siya nakitingin sa Boyfriend niya dahil ini-enjoy pa niya ang paglalambing nito sa kanya.
"Baby, hindi ko ipapangako na hindi ako maiinis. Pero tandaan mo, mahal at mamahalin parin kita kahit ganun man mangyari. Ha? I Love you po." sagot ni Rosh habang hinalikan niya ang girlfriend niya sa bunbunan at patuloy sa pagpapakalma ng girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
All that's left
Non-FictionPaano nga ba maglaro ang Tadhana? Gaano ba ito kapatas? Gaano ba ito kabait, at gaano ba ito kasama? Tungkol ito sa tatlong tao na napili ng tadhana na subukan kung hanggang saan nila kayang gawin ang lahat para sa pagmamahal. Ilang mga pangyayari...