Florence Celestina Almero message to Shokoys at Ferris Wheel Scene.
Chapter 24 - Back In His Arms
Alam nyo ba na masarap ma inlove? Lalo na kung mahal ka rin ng minamahal mo.
Yes, there are always heartaches, doubts, misunderstandings but remember these are just struggles parte na ito ng pagmamahal. Hindi kailanman mawawala 'yon.
Alam nyo naman sa sarili nyo kung mahal mo siya o hindi..kung may problema kayo gumawa kayo ng solusyon. Huwag nyo silang pabayaang tumakbo mula sa inyo.
Paano na lang kung bigla na lang sila mawala? Hihintayin nyo pa ba na mawala sila ng anim na taon? Sa tingin nyo ba ganun na lang kadaling bumalik? Marami ng magbabago, mas lalo kayong mahihirapan.
Hindi ako manhid, alam kong isa ako sa rason kung bakit hindi maganda ang relasyon niyo sa mga babaeng totoong minamahal nyo.
To tell you the truth, hindi ako naniniwalang minahal nyo talaga ako.
Dahil kung minahal nyo talaga ako, gagawin nyo ang lahat para kuhanin ako kay Nero..gagawin nyo ang lahat para makuha ang atensyon ko sa kanya.
You have this protective instinct towards me, na talagang itinatak ni LG sa puso at isipan nyo na kailangan nyong protektahan ang babaeng ito, gawin nyo ang lahat para hindi siya magalusan, gawin nyo ang lahat para hindi siya masaktan, gawin nyo ang lahat para mapanatili siyang buhay, masaya at ligtas.
You were blinded by LG's reminders, na inakala nyong pagmamahal. Siguro nga ay minahal niyo ako, but not to its extent.
Kahit kailan ba ay naiparanas ko inyo na parang mababaliw kayo kapag may ibang nakahawak sa akin?
Gustong gusto nyo bang patayin si Nero sa tuwing hahawakan niya ako?
Minsan ba naisip nyo na hindi nyo kayang mabuhay na wala ako?
What about those girls? Anong gagawin nyo kung may kasama silang lalaki ngayon?
What will you do kung may mangyari sa kanilang masama?
Kilala ko kayo. Mga Ferell kayo na basta ginusto gagawin ang lahat para makuha.
Kung mahal nyo talaga ako simula umpisa, ginawa nyo na ang lahat ng makakaya nyo para maagaw ako kay Nero pero ano ang ginagawa nyo? You even helped us to be together. Don't make things difficult. Try to feel this..
Try to feel it, makikita nyo kung sino ang totoong babaeng nagmamay ari niyan.
Tandaan nyo kahit kailan hindi naging akin 'yan, hindi ko kayang paluksuhin ang mga puso niyo ng katulad ng sa kanila.
I'm just the girl from the past. The fragile girl who needed your protection. Don't fool yourselves.
Kung maaari wag nyo silang hahayaang lumayo, huwag kayong papayag na magmatigas sila. Dahil parehas lang kayong magsisisi..
Isa pa nga pala, minahal ko naman kayong dalawa. Not just a housemate, as a cousin, a friend but a family, home.
BINABASA MO ANG
VentreCanard's Stories
RandomList of her stories: Series and Stand Alone Stories. Highest rank: #1 Cover is not mine, credits to the rightful owner. MsRaiming