.
.
.
.
."Ria! Ria!" Sigaw ng asawa kong nasa loob ng banyo naliligo.
"Bakit?! Sandali lang hahanguin ko lang 'tong pinirito kong hotdog baka masunog eh,"
"Punyeta! Bilisan mo! Bakit ba inuuna mo 'yang wala namang kwenta. Ako asawa mo kaya ako dapat ang inuuna mo." Galit na galit na sigaw nito sa loob ng banyo. Dahil sa pagkataranta ko napaso ang kamay ko ng kawali. Pero hindi ko 'yon ininda. Kailangan kong makapunta agad sa asawa ko bago pa siya magalit ng tuluyan.
"Bwisit! Ria! Ano ba?! Nasaan ka na bang babae ka?"
Patakbo akong pumunta ng banyo. "Sandali, nandito na. Ano ba 'yon? Bakit mo ako tinata---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko hinila na agad niya ang buhok papasok ng banyo. Napasigaw ako sa sobrang sakit. "Aray! Nate, please maawa ka sa'kin."
"Ininis mo kasi ako eh, kapag tinawag sana lumapit ka agad. Hindi 'yong lumawit na 'yong dila ko kakatawag bago ka lalapit." Galit na galit siyang halos ingudngod ang mukha ko sa loob ng inidoro.
"Sorry, hindi na mauulit. Bitawan mo na ako, please! Nasasaktan na ako, Nate." Pagmamakaawa ko sa'kanya. Pero imbes bitawan lalo niya akong nginudngod sa loob ng inidoro hanggang sa malublob na ang mukha ko sa pinakatubig nito. Napapikit na lang ako at napaiyak dahil sa ginawa niya.
"Ayan, siguro naman sa susunod magtatanda ka na." Sabi niya sabay bitaw sa'kin patulak muntik na akong mauntog sa lababo.
Araw-araw ganito na lang kami ni Nate. Simula ng makasal kami hindi na naging maayos ang trato niya sa'kin. Hindi naman siya ganito sa akin noon na mag nobyo at nobya pa lang kami. Walang araw na hindi kami masaya. Sweet siya at halos nasa kanya na lahat ng katangian ng lalaking gugustuhin mong makasama habang buhay. Kaya nga ng yayain niya akong magpakasal. Hindi na ako nag dalawang isip na tanggapin 'yon. Dahil akala ko siya na ang lalaking mag-aalaga, magmamahal at makakasama ko sa hirap at ginhawa. Pero sa panaginip ko lang pala ang lahat ng 'yon. Dahil sa isang iglap, naglaho na parang bula ang Nate na nobyo ko noon. Ang inakala kong kaligayahan sa piling niya. Impyerno pala ang dadanasin ko. Walang sinuman ang nakakaalam ng ginagawa ng asawa ko sa'kin. Wala akong pinagsasabihin kahit mga magulang ko. Hindi ko rin sinabi sa bestfriend ko ang tungkol doon. Dahil tiyak akong aawayin niya ang asawa ko. Ayaw ko naman na 'yon pa ang maging dahilan para magkahiwalay kaming dalawa. Martyr na kung martyr pero mahal na mahal ko ang asawa ko. At hangga't kaya ko titiisin ko ang lahat manatili lamang siya sa tabi ko.
"Uy, Ria! Kumusta naman kayo ni Nate?" Tanong ng bestfriend ko. Lunch break namin ngayon sa trabaho.
Ngumiti ako sa'kanya. "Syempre masaya. Kilala mo naman 'yong asawa ko 'di ba? Nobyo ko pa lang 'yon perfect na. Lalo na ngayong asawa ko na siya. Never pa rin siyang nagbago. Actually, mas naging sweet and romantic siya ngayon." Nakangiting kuwento ko kay Cielo. Nakita ko naman ang inggit sa'kanyang mga mata.
"Sana lahat katulad ni Nate. Ito kasing jowa ko, wala lang. Hindi ko nga alam kung may balak pa bang mag propose sa'kin 'yon eh," she said annoyed. Natawa na lang ako sa'kanya at nawalan ng kibo at the same time. Gusto kong sabihin sa'kanya na mas maswerte siya kaysa sa'kin. Dahil sigurado kapag kinasal sila hindi niya mararanasan 'yong mga bagay na nararanasan ko ngayon.
"Oh, ba't natahimik ka d'yan?" Puna niya.
Umiling-iling ako. "Wala. May bigla lang akong naalala." Pagsisinungaling ko.
After office hours dumadaan ako ng palengke, para bumili ng maluluto para sa dinner namin ni Nate.
"Oh, Ria!" Napalingon ako ng marinig ang pamilyar na boses ni Jake.