Luhan's POV
Haay~ Nakakasawa na dito sa ospital. Kasi naman eh. Nasu-suffocate na ko dito hahahaha XD. Alam na ni Manager hyung ang kong mangyari. Siguro alam narin ng ibang mebers specially si Suho, Lay, D.O at Xiumin. Bumibisita rin sila dito kaya nasabi ko na. Yung iba siguro hindi pa alam. Mabuti nang wag na nilang malaman noh! Lalo na sya.
Katabi ko si Manager hyung ngayon. Usap daw kami eh.
"Bakit hindi mo pa pinapaalam sa iba? Diba dapat malaman na nila nang hindi na sila masaktan?" -Manager.
"Malalaman rin po nila yan"
"Pano kung hindi? Luhan, kahit naman papaano, namimiss ka na nila. Sa tingin ko, sabihin mo na. Ilang araw nalang, aalis ka na. Text mo sila oh." Inabot sakin ni Manager hyung yung cellphone nya. Si suho nalang yung itetext kompara isahan nalang.
To: Suho
Leader! si Luhan to. Pwede bang pakisabi na sa ibang members yung tungkol sa pag-alis ko? Gusto kong maging handa na sila. Atsaka, pwedeng wag mo munang sabihin sa kanya? Alam ko kasing masasaktan sya. Salamat ha :)Binalik ko na kay Manager hyung yung cellphone nya. Sumasakit na naman yung dibdib ko.. I need him...
ㅅㄹㅋㅅㄹㅂㅊㅊㄷㅌㅋㅅ
Sehun's POV
Isa nalang talaga sasapakin ko na tong si Tao eh aish! Kung saan saan gusto pumunta! Eto naman ako, parang timang, nagpapauto sa kanya! tsssk.
Nasa sala ako ngayon, yung ibang members ewan ko ba! Parang may iba.. Lagi silang nakatingin sakin tapos tinatanong nila kung okay lang ako. Tss syempre okay lang noh! Pagaling na si Luhan hyung diba? Kaya wala akong dapat ipag-alala :)
"Sehun, ay wala!" Tingnan mo! Ang weird nila diba? Minsan nga naiisip ko, May alam ba silang di ko alam? :/
"Huy Sehun! alam mo na?" Tanong ni Tao sakin. ANO BANG DAPAT KONG MALAMAN?!?! Hinila ko si Tao paakyat sa kwarto namin.
"Ano yun?! Ano yung dapat kong malaman?! ha?!" tanong ko kay Tao.
"Wala! Bawal!!" -Tao.
"ANONG BAWAL?! SABIHIN MO NA KASE!!!"
"Secret na yun! Eh sa ayaw ipaalam sayo eh! wag ka ngang mamilit dyan! Shut up" Ayaw ipaalam sakin?! Ano ba yun kase!? Mababaliw na ko -,,-
"Ah ganyan! Pagkatapos ng lahat ng nagawa ko sayo, pagsisikretuhan mo ko?!" Sigaw ko sa kanya.
"Oo na! Sige na!! Makapanumbat naman to!"
"Oh?! Ano nga!"
"Alam mo na ba Sehun? .... NA MAY CUTE PANDA PAO SA CHOWKING ANG SARAP GRABEEEEEEH!!!" Pinaningkitan ko sya ng mata.
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo!"
"Ah eh, Sehun kasi.. Si.. Si Luhan hyung kasi.."
"Oh?! Anong meron kay Luhan hyung?!"
"Eh kasi.. Narinig kong nag-uusap si Baekhyun hyung at Chanyeol hyung. Sabi nila aalis na daw si Luhan hyung. Wag nga daw sabihin sayo eh!"
"Aalis sya? San sya pupunta?" sabi ko. Thet kinakabahan ako.
"Iiwan nya na tayo. Babalik na daw sya ng China. Sehun, hindi mo alam noh? Malala na yung sakit ni Luhan hyung. Kailangan nya daw ng mahabang pahinga kaya napagpasyahan ni Luhan na bumalik na nang China." Napaupo ako at napasalo sa noo ko. Hyung, baket?! Lumapit sakin si Tao at hinimas yung likod ko. "Alam mo bang ibinilin nya daw na wag nang sabihin sayo? Kaya wag mong sabihing sinabi ko sayo ah!? Kukutusan kita!!" Sabi pa nya.
"Kelan sya aalis?" Naiiyak kong sabi.
"Ewan ko.. Baka next days.. Sehun, sa tingin ko, dapat mo nang samantalahin yung mga pagkakataon habang nandito pa sya. Kasi sa tingin ko, pag once na umalis na sya, wala na kayong magiging balita sa isa't isa. Sehun, wag ka nang malungkot.. Buti ka pa nga, malalaman mo na aalis na sya eh. Eh ako? Iniwan nya ko ng wala man lang sabi sabi." Napatayo agad ako at pinunasan ko yung luha ko.
"Oh?! San ka pupunta!?" -Tao.
"Pupuntahan ko sya. Kailangan nya ko!" Sabi ko at tumakbo na ko paalis.
Hindi pwedeng mawala ka sakin hyung. Hindi ko kakayanin.. Mahal na mahal kita Luhan..
Nang makarating na ko sa ospital, dumeretso na agad ako kung saan naka-confine si hyung. Nagulat ako nang wala sya dun. Tumakbo ako kung saan saan. Para akong tangang tumatakbo habang umiiyak. Nang mapalingon ako sa isang hallway, nakita ko syang kakalabas lang sa isang kwarto. Siguro galing sya sa doctor. Nagulat ako nang mapalingon sya sakin.
"Se.. sehunnie?" Tumakbo agad ako papalapit sa kanya at niyakap sya ng sobrang higpit na yung tipong di na sya makakawala.
"Sehunnie!! Waaah!" Napaharap ako sa kanya.
"Bakit ka nandito?" Tanong nya.
"Tinatanong pa ba yan? Luhan..." Niyakap ko ulit sya. "Mahal na mahal kita!" sabi konat hinalikan ang ulo nya habang yakap yakap ko sya.
"Sehunnie, mahal na mahal na mahal na mahal din kita! Alam mo naman yan diba?" Tumango nalang ako.
Hyung, kung mahal mo ko, ba't mo ko iiwan? :(
"Teka, Sehunnie, alam mo na ba?" Tanong nya sakin.
"Yung alin, hyung?" Magkukunwari nalang akong hindi ko alam. Magkukunwari akong walang alam para di sya mag-alala. Para rin naman sa ikabubuti nya yun eh. At baka maging dahilan pa ko ng hindi nya pag-alis. Ayong umalis sya pero kung kailangan, gugutuhin ko nalang kahit na masakit.
"Kung sakalimg malaman mo, wag kang magagalit sakin ah?" Tumango nalang ako at umiyak na ng tuluyan. Napaharap naman sya sakin.
"Oh? Bakit ka umiiyak? Papangit ka nyan!" sabi nya sakin at pinunasan yung mata ko gamit ang hinlalaki nya.
"Sobrang saya ko lang dahil nasa tabi kita" Niyakap nya ulit ako.
"Pano kung mawala ako? Malulungkot ka? Dapat lagi kang masaya. Yun lang ang gusto ko. Maging masaya ka."
"Luhan hyung, dito ka lang sa tabi ko, okay na."
"I love you." Yumuko ako at hinalikan sya. Yung sobrang tagal kong idinikit yung labi ko sa labi nya. Namiss ko sya sobra! :( Niyakap ko sya ulit.
"Ikaw lang ang gusto ko at hindi na magbabago yun. Hinding hindi kita papakawalan." Naramdaman kong umiiyak na sya kaya niyakap ko sya ng napakahigpit.
Dito lang ako hyung.. Aalagaan kita.
ㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹ
AN: Annyeong readers! Chapter 75 DONE. Gusto ko sanang tapusin na sya tapos update ko na ng sabay sabay. Push ko kung kaya pero I'll try na daily nalang siguro hahaha XD VOTE COMMENT ULIT KAYO♥ MWUAAAH #HUNHANISREAL. (Sorry sa typos:D) BTW, HAPPY HOLLOWEEN EVERYONE ^0^/ KEEP SAFE! :"> :*