J's POV
Alam niyo yung feeling na.. may mahal na isang tao? Yung tipong kaya mong maghintay ng ilang taon mahalin ka lang din niya? Yung tipong makita mo lang siyang masaya ay buo na ang araw mo? Yung tipong marinig mo lang ang boses niya ay parang gusto mo nang gumulong-gulong? Yung tipong pag nakikita mo ang mukha niya ay parang may nagliliparang butterflies na lasing sa tiyan mo?
Ganun ang nararamdaman ko para kay D, 4 years, 4 years ko na siyang bestfriend. 4 years ko na rin siyang mahal, at hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin na mahalin niya rin ako. Pero hindi naman ibig sabihin nun na within those years eh hindi ako umamin sa kanya, umamin ako. Dalawang beses pa nga eh, kaso.. rejecteddd!! T-T Iyak tayo dalii!
Pero nung pangatlong beses..
"D, alam mo ba?" sabi ko sa kanya, tumingin naman siya sa'kin, "Malamang hindi" natatawa niyang sagot at inirapan ko na lang siya. Walanghiyang to, seryoso na ako eh!
"Manahimik ka nga, um.. may sasabihin sana ako sa'yo eh" sabi ko, "Go, shoot" sabi naman niya.
Nag-inhale na muna ako nang sobrang lalim, puchapieee! Kinakabahan ang muder niyoooo!!! Jusmeeeyoooo!!! Ayoko naaa!!!
"W--"
No!!! Wag!!! Umamin ka, J! UMAMIN KA!! It's NOW OR NEVEEERR!!
"I love you, D. Mahal kita" sabi ko tapos tinignan ko siya, kung ano yung magiging reaksyon niya.
"Hindi lang bilang kaibigan, D.. sobra kitang mahal" dagdag ko at natigilan siya.
Bigla namang may tumawag sa cellphone ko at si mama yun kaya sinagot ko na, inutusan lang naman akong bumili ng toyo.
"Uh.. tara? Samahan na kitang bumili ng toyo?" pagyayaya ni D sa'kin, I pouted. Ano, yun na yun? Wala siyang sasabihin?
At yun na nga, pumunta kami sa tindahan para bumili ng toyo, walangjo! Nakakahiya medyo na kasama ko yung mahal ko tapos parang date na to kaso toyo lang ipinuntaaa!! Daheck!
Matapos kong bayaran yung toyo ay lumabas na kami tapos siya yung nagdala nung supot.
Lagi kaming sabay umuwi, ayaw daw niya kasi na mag-isa lang ako baka daw mapano pa ako, kaya goraa! Payag na payag ako bhe!
Maya-maya lang ay hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami, here he goes again with his mixed signals! Lam niyo yun? Yung tipong sobrang sweet niya?
Nanahimik lang ako at nagsasalita pag kinakausap niya ako, hanggang sa makarating na kami sa bahay.
"Sige, hanggang dito na lang ako, bye J" nakangiting pagpapaalam niya sabay bitaw sa kamay ko, medyo nanghinayang ako dun ah. Pero sa bagay, alangan namang nasa loob na ako ng bahay eh magkahawak kamay pa rin diba? Hahahaha. Loka.
"Bye! Ingat ka ha" nakangiting sabi ko naman, "Syempre naman, babalik pa ako sa'yo eh" sabi niya sabay alis.
Letse ka talagang lalaki kaaa!! Pinapakilig mo nanaman ako eh!!
Nakangiti akong pumasok ng bahay at kulang na lang eh ihampas ako sa pader ng nanay ko sa sobrang kilig niya, nadaig pa ako eh!
Matapos naming magchikahan at kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko, bukas ng computer at mag-online... Sa skype.
As usual, ayun nanaman siya, naka-online na.
D: Tatawag na ba ako? :)
J: Gora. XD
D is calling..
"Di ka ba nahihiya, nakavideo call eh" sabi ko, paano kasi, wala ba namang tshirt! Pasimple pa ako eh, gusto ko rin naman. HAHAHA XDDD
"Hahaha. Joke lang. Titignan ko lang kung maaakit ka. Hahahaha. Sige, wait. Magbibihis lang ako" tumatawang sabi niya sabay punta ng CR.
Walangjo! B'at ako natu-turn on??!! Wala naman siyang abs ah! Hindi nga siya macho eh!
Hinintay ko na lang siyang matapos at maya-maya lang din ay bumalik na siya sa harapan ko.
"Game!" sabi niya at yun na, all hell broke lose. Nag-usap nanaman kami tungkol sa kung anu-anong bagay.
4 months later..
Ganun pa rin, wala pa rin siyang sinasabi tungkol sa pag-amin ko, sweet pa rin siya. Mas naging sweet pa nga eh.
Nandun yung times na ultimo boyfriend ko siya kung kumilos, siya yung nabili ng pagkain ko, pag nagkikita kami lagi siyang may dalang stuffed toy o kaya naman eh chocolate.
Yung bumabanat siya ng mga sweet lines, yung hinihilot niya yung ulo ko, yung pinapasandal niya ako sa balikat niya, yung inaakbayan niya ako, yung naglalaro kami ng PS3 sa bahay niya.
Yung nag-aasaran kami, yung binibiro namin yung isa't-isa, yung poke wars namin, yung naglalaban kami sa multiplayer games.
Yung kinakantahan niya ako, yung nags-skype kami hanggang sa umaga na pala, yung random na nagsasayawan kami. Yung nagsi-sing along kami sa mga kanta, yung nanunuod kami ng movies, yung minsan, sabay kami kumakain.
Yung mga yakap niya, yung times na iniiyakan ko siya, yung times na pinipisil niya ang pisngi ko, yung times na pinaglalaruan niya yung buhok ko, yung times na nagbabakla-baklaan siya mapatawa lang ako, yung times na pinangiti niya ako.. at.. eto, yung time na.. gusto ko nang sumuko.
"B'at ngayon ka pa susuko eh malapit ka na sa dulo?!" sabi sa'kin ni M, friend ko.
"Lecheng dulo yan! Ayoko na! Sobrang sweet niya pero ayoko nang umasa! Baka mamaya hindi naman pala niya ako mahal tapos di lang niya masabi kasi ayaw niya akong lumayo sa kanya!" sabi ko naman.
"Shunga! Sa tingin mo magtitiis yan ng ganyan sa'yo kung wala siyang gusto sa'yo? Kuntodo efforts na nga yang si D eh! Nahihiya lang yan siguro" sabi niya. Pero ayoko, ayokong maniwala. Paano kung hindi?
"Eh J, paano kung oo? Paano kung oo tapos.. huli ka na?" sabi naman niya na parang nabasa ang nasa isip ko.
Pero tama siya. Paano kung oo..
"Sige.. mamaya.. tatanungin ko siya.." desididong sabi ko, at nung araw na yun, halos ayoko nang matapos ang school kasi kinakabahan ako. Hindi kami pareho ng school, nagkakilala lang kami through a common friend.
Pero syempre, natatapos ang school kaya nandun nanaman siya sa gate at hinihintay ako, nagpakita naman ako syempre, baka mamaya mamuti na ang mata niyan eh ang ganda pa naman ng mata niya.
Naglakad na kami pauwi, okaay! It's time!
"D, may tanong ako" sabi ko sa kanya, "Wew, ang seryoso mo masyado, kinakabahan tuloy ako!" sabi niya sabay tawa.
"Please dont laugh" sabi ko at tumigil naman siya, "Mahal mo ba ako o.. gusto mo lang ako?" deretsahang tanong ko, napatigil siya sa paglalakad nang tumigil ako.
"Oo naman, gusto kita. Why would I hate you?"
Takte! Gusto kong tumalon dun sa sapa kahit ang dumi!
"H-hindi bilang kaibigan lang?" tanong ko, mahirap na. Baka mamaya friendzone pa pala.
"Yes, J" sagot niya at naglakad na uli, iniba na niya yung topic habang naglalakad kami.
Pero that's it. Umamin siya, gusto niya lang ako. In other words, he only likes me when I love him. Hindi pantay ang nararamdaman namin.
Hanggang ngayon.. hinihintay ko pa rin na mahalin niya ako. Kailan kaya darating yun?
Should I give in and stay.. or should I give up?
Should I stay and keep my efforts going or should I leave and let my efforts go to waste?
Should I keep making him feel how much I love him or should I look for someone else?
Should I keep hurting or should I let go and be missing him?
I want to give up.. a lot of times now. I wanted to give up.. but somehow, my feet drags me back to him..
I have no choice but to..
Give In.
BINABASA MO ANG
Give In or Give Up
RomanceAng tagal, sobrang tagal ko nang hinihintay na mahalin niya rin ako.. pero.. hanggang ngayon bestfriend pa rin niya ako. Siguro nga hanggang dito lang ako no? Ano, give in ba ako or.. give up?