Chapter Thirty Five

21.7K 584 38
                                    


Chapter Thirty Five

Eliz

"WE'RE GLAD to see you safe, hija," wika ng matandang Mondragon na si Donya Katarina matapos niya akong yakapin nang mahigpit bilang bungad na pagbati at hinalikan sa pisngi na tila ba isa na rin ako sa mga apo niya. "Alam mo ba na halos baliktarin nitong si Gael ang buong Pilipinas makita ka lamang?"

"Abuela, huwag n'yo naman ako masyadong pahiyain sa harapan ng fiancée ko," sagot ni Gael na tila ba biglang nahiya sa ginawa niya at dahil na rin sa naririnig ko ngayon ang mga bagay na ito.

"Why? Did I say something wrong? Hindi ba't gano'n naman talaga ang nangyari? Hindi ba, Carlos?" turan pa ni Donya Katarina sa katabi nito at asawa na si Don Carlos Mondragon.

"Sweetheart, hayaan mo na lang ang apo mo. Nakakabawas sa pagkalalaki namin ang makitang mahina sa harapan ng babaeng mahal namin," maamong sagot ng matandang lalaki saka tumingin sa direksyon ko at ngumiti. "Pero tunay kaming nagagalak na ligtas ka, Eliz. Masaya rin kami na makilala ka sa wakas."

"Well, I find it romantic. Hindi ko tuloy mapigilang sariwain kung paano mo hinarap si Papa para lang mahingi ang kamay ko mula sa kanya," wika pa ng donya at mababakas sa mata at ningning ng mga mata nito ang nag-uumapaw na pagmamahal para sa matandang don. "Alam mo ba, Eliz? Isang magsasaka lamang noon itong si Carlos. Kaya gano'n na lang ang galit ng Papa ko sa kanya no'ng pumunta siya sa bahay para alukin ako ng kasal. Halos mapatay siya ng Papa at natamaan pa ng tagak nito dahil sa sobrang galit."

"Talaga po?" nasabi ko na lang saka napangiti sa dalawang matanda na nasa may dulo ng mesa at binigay ang buong atensyon ko sa pagkukwento nila.

"Hindi naman mayaman si Carlos noon. Pero dahil na rin sa pagsisikap at tiyaga ng abuelo n'yo, naabot at narating niya ang estado kung nasaan  tayo ngayon at nagkaroon kami ng malaking pamilya," paliwanag pa ng donya. "Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa'yo na malawak at tigang na lupa lamang noon itong isla?"

"Sweetheart, lalamig ang pagkain natin kung ikikwento mo pa kay Eliz ang kasaysayan ng pamilya natin."

Pero hindi nagpaawat si Donya Katarina na likas na yata ang pagiging masayahin at ma-kwento nito saka niya pinagpatuloy ang pagkukwento ng tungkol sa pag-iibigan nila ni Don Carlos, paano nila nabili at napalago ang isla mula sa pagtatrabaho at walang sawang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ng matandang don, maging iyong mga pinagdaanan at hirap nilang mag-asawa at maging kung paano naging kilala ang angkan ng mga Mondragon sa larangan ng negosyo at kung paano nila nakuha ang natatamasa nilang ari-arian at yaman sa ngayon.

"Kaya dito sa amin, sobrang importante ang pamilya. Nabuo ang pondasyon ng angkan namin dahil sa malakas at matatag na pagsasama-sama ng aming pamilya. Walang babagsak mag-isa sa lusak at wala ring maiiwan sa pag-angat," wika pa ng donya saka nito nilipat ang atensyon kay Gael. "Kaya ang ginawa mo kay Kesha ay hindi namin makukunsinti ng abuelo mo, Gael."

"Bakit? Anong ginawa mo?" mahinang bulong ko.

"I'll handle this, babe. Don't worry," sagot na lang niya saka humarap sa direksyon ni Kesha. "I'm sorry for what I did, Kesha. Sadyang hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin ko nang mga oras na iyon. Tureteng-turete lang ang utak ko."

"I guess it's okay," sagot naman ni Kesha pero hindi ito makatingin sa mukha ni Gael sa halip ay nakatuon ang atensyon nito sa pagkain na nasa harapan nito. "Just... just don't scare me like that ever again, Gael. It's like I've seen someone strange. Hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa'yo. Kaya sobra akong nabigla at natakot sa nangyari."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon