MBB24

10 2 0
                                    

Mike's POV

*Kinabukasan*

Kasama ko si dawn ngayon at pinagtitinginan kami ng mga studenyante sa campus at yung iba ng bubulungan Pa -.-

Nagtataka siguro sila kung bakit kasama ko si Dawn haysss diko rin alam eh ang alam ko lang ngayon may masasaktan ako  , masasaktan ko yung taong mahal na mahal ako. 

Wala naman kasi ako magawa.  Wala!.

Dumiresto na kami sa room ni Dawn, nakita Ko Si Leo at Aldwin Na nag uusap nung nakita nila ako bigla silang tumigil sa pag uusap. Tsss

Inihatid ko na muna si Dawn sa upuan niya at dumiretso na ko sa upuan ko.  Sumunod naman si sakin si Leo na galing sa upuan ni Aldwin .

" ahmmm bro, totoo ba yung usap usapan? Wala na daw kayo ni Ivonne? " - Leo

Kumunot yung mga nuo ko sa narinig ko. 

"Sino nagsabi? " inis na tanong ko "wala silang Alam, wag mo pansinin mga yun!"    

"Ok, I'm sorry Papi" - Leo

"Ano palang nangyare kahapon?  Dina ko nakapasok masama pakiramdam ko"

"Wala namang Klase, may biglaan meeting daw mga teachers" paliwanag niya

"Ah ganun ba? Buti nalang" .

"San ka ba galing kahapon papi? "  - pag tatanong niya

"Jan lang sa tabi tabi" 

"Hay naku papi, kung ano man Yang problema mo pwede ka namang magsabi sakin, magkakapatid tayo dito"  - Leo

"Haha wala naman akong problema eh sino ba nagsabing meron? "

Taena sana maniwala

"Halata namang meron papi, sege nga paano mo ipapaliwanag lahat ng mga sinasabi ng iba? "...

"Ano ibig mong sabihin?"..

"Kalat na sa campus Ginawa nyo ni Dawn, may nakakita sainyo na naghahalikan kayo,  ngayon kasama mo siya?  Paano si Ivonne?  Niloloko mo siya Papi, alam mo namang mahal ka nun. "

"Wala kang alam!  Wala kayong alam!  Wala kayong alam kung ano pinagdadaanan ko,  kung huhusgahan nyo rin lang ako agad wag nyo nalang ako kausapin, wala kayong alam! "

Tumayo na ako at lumabas ng room, pinag sisipa ko lahat ng makita ko sa daan!  Damn!  Tssss

Nakita ko si Ivonne papalapit sakin kasama si Andrew. 

At

Pakkkkkk

Napahawak nalang ako sa pisngi ko.  Shit sakit nun ah. 

"Kaya pala halos mamaalam kana sakin kahapon?!  Tama nga sabi sakin ni andrew na magkasama kayo kahapon ni dawn! Anong meron sainyo ng babae na yun?  Kailan mo Pa ako niloloko?!!" Galit na galit na Saad niya m

Sinulyapan ko saglit si Andrew, naka ngisi ang gago!

Hindi ako umimik, naglakad ako papalayo sakanila. Wala akong paki kung ano pinagsasabi nila! 

----

Ivonne's POV

Napahagulgol nalang ako sa sobrang sakit!  Ano yun na yun?  Hindi manlang ba siya magsasalita, mag iexplain? . Ganun ganun nalang yun? 

Ang sakit!  Ang sakit sakit! 

"Shhh tahan kana Ivonne, halika na tayo kana jan" - Andrew

Tumayo na ako at naglakad paalis sa lugar na yun!.

"Andrew ano bang kulang sakin? Bakit nagawa niya akong lokohin ng ganun ganun nalang?"

"Shhhhh wag mo na muna isipin yan, tara muna sa  room" - andrew

Tuloy lang ako sa pag iyak, hindi ko mapigilan eh. 

Naguguluhan ako sa mga nangyayare.

Anong hindi ko alam?  Sa dalawang araw na hindi siya nag paramdam yan ba dahilan?  Kaya ba hindi manlang niya ko matawagan o kitain, dahil may iba ng siya tinatagpo? 

Dami ko tuloy tanong na kailangan ng sagot.  Pero hindi niya mabigay T.T

Ipagpapalit lang niya ako ng ganun ganun nalang? 
Itatapon nalang ba niya lahat ng meron kami? 
Akala ko ba mahal niya ako, pero bakit ganito?
Kailangan ko ng kasagutan sa lahat ng tanong ko. 

Napaka sakit.

All these years matatapos nalang ba kami ng ganito?!  Damn you Mike! 

Napahagulgol nalang ako sa sobrang sakit.

Pinapatahan ako ni Andrew pero ayaw tumigil ng mga luha ko.

Paano na kami?

------

My Bipolar BoyfriendWhere stories live. Discover now