-KRISHA-
Hindi ako makatulog nang maayos sa flight dahil excited na ako umuwi. Sobrang nakakamiss talaga ang Philippines. Sana dun ako mag birthday.
Habang nasa flight. Nanuod nalang ako ng movie na Must Be Love yung kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
"May mga taong binebestfriend at may mga taong na binoboyfriend"
Sabay sabi ko "Alam naman siguro nila ang limitasyon. Bakit naman kasi mamahalin ang bestfriend. Bestfriend mo na nga eh. Lahat na alam. Dapat hindi minamahal ang bestfriend masakit yun at sayang. Sayang ang pagsasama at adventures na meron kayo. Hmppp. Tanga lang ang tao kung ganun"
"Nagsalita ang may love experience"
"Huuuyy kuya ginulat mo naman ako"
"Baka kainin mo lang yung mga sinabi ko Krish lalo na uuwi na tayo ng Pinas"
"Hindi noh kuya. Protektado tong puso."
"Hindi mo alam Krish kung kelan darating yan kaya hindi mo kailangan protektahan. Kasi hindi mo alam na unti unti ka na pala nasasaktan. Kasi kahit protektahan mo yang puso mo kahit sabihin mo na ready ka na kasi alam mo mawawala. Masasaktan ka pa rin"
"Wow kuya. HUGOT. Nakamove on ka na ba kay ate Nic?"
Nakita ko nagulat si kuya sa tanong ko at nag iba ang mukha niya. Na guilty tuloy ako kasi nalagay ko ang pangalan ni ate Nic sa pinag uusapan namin.
"Krish. Not yet. Hindi pa ako nakakamove on"
"Awww kuya magiging okay na rin yan. Someday."
"I know Krish"
"Kuya may food ka ba diyan?"
"I have skittles. Your favorite"
"Ohmyggooooshhhh!!!! Thanks!!" Kinuha ko sakanya ang skittles.
"After eating your skittles, matulog ka Krish ah. Hindi pwede 16 hours gising ka. Puyat ka na nga hindi ka pa matutulog."
"Opo kuya. Thank you"
At bumalik siya sa binabasa niyang magazine. Ako naman kumain ng skittles na binigay niya. Nung natapos kong kainin ang skittles. Nagtira pa ako ng kaunti. Natulog ako at nilagay ko ang ulo ko sa shoulder ni kuya
-MARK-
Nagising ako at dumiretso ako sa kitchen at gumawa ako ng sandwich at iced tea. After ko gumawa, napadaan ako sa salas nakita ko si Kathy na nanunuod ng movie.
"Hi Kathy. What are you watching?"
"Hey kuya. I'm watching High School Musical. Marathon siya eh" 10 years old palang si Kathy kaya mahilig siya sa ganto.
"Oh that's nice" Umupo ako sa tabi niya
"Kuya oh. He's the love of my life. He's so gwapo!!!" Sabay turo sa lalaki na bida na kumakanta kasama ang babae sa harap ng piano
"Really? Sino siya?"
"Si Zac Efron pero sa movie name niya si Troy"
"Ohh. Ano naman nagustuhan mo sakanya?"
"He's sweet, good singer, good dancer and H-O-T HOT!!!!" Grabe tong kapatid ko. Lakas maka crush
"Hahahahaha. Ako yun ah!"
"No kuya. I'm describing Zac" sabay gumawa siya ng heart sign
"Kuya parang ikaw si Zac and si ate Krish naman si Gabriella. Such a cute couple kuya"
"HAHAHAHAHAHA"
"Why are you laughing?"
"Kathy, you know that we're only bestfriends diba?"
"Yeah kuya. Pero kuya I know that there's a chance"
"Kung yan ang iniisip but bestfriends lang kami"
Kumuha siya ng popcorn at sinabi niya
"Uhmm okay. Manunuod ka pa ba kuya?"
"Okay lang. Dito nalang muna ako"
I told Kathy
Pinanuod namin ang High School Musical at maganda naman siya. Nasa pangatlong movie na kami kung saan yung magkakalayo na sila Troy at Gabriella. Naiintindihan ko naman ang dahilan ni Gabriella dahil priorities niya yun. Ganun din naman kami ni Cess nagkalayo kami kasi may kailangan daw siyang gawin sa America na importante nung una nalungkot ako dahil late na niyang sinabi pero siguro may dahilan na rin siya kung bakit siya pupunta dun.
Habang nanunuod kami ni Kathy naramdaman ko may mabigat na pumatong sa balikat ko nakita ko na nakatulog pala si Kathy habang nanunuod. Hindi ko na tinapos ang palabas at inakyat ko na si Kathy sa kwarto niya at nilapag ko siya sa kama niya at kinumutan at umalis na rin ako kaagad.
Bumaba ako at pumunta sa garden at tumambay na lang dun. Tiningnan ko phone ko pero wala pa rin message si Cess sakin, san nanaman kaya nagsusuot itong babae na toh at hindi pa nagrereply.
*TING*
Baka siya na toh. Binuksan ko ang message galing pala sa handler ko. Si ate Chat ang pangalan ng handler ko at kahit mainit ang ulo niya sakin dahil sa kakulitan ko mahal ko pa rin tong si Ate Chat
Ate Chat: Mark mamayang 1:00pm ang calltime mo para sa photoshoot mo. Wag ka malalate.
Nagreply ako kay ate Chat ng okay thanks
Minsan talaga hindi mo magugustuhan ang buhay bilang isang artista dahil ang daming ginagawa at halos wala ka ng oras para maranasan ang buhay na dapat mong ginagawa. May oras naman kaso napaka limitado. Grabe hindi ko alam pano toh natagalan nila mommy at daddy. Hayy goodluck nalang sakin.
-KRISHA-
After 16 hours.......
Naramdaman ko may umaalog sakin. Dinilat ko mata ko at nakita ko si kuya ,ginigising na pala niya ako dahil nandito na kami sa Pilipinas. Nakita ko rin ang mga tao na kinukuha na nila ang mga gamit nila sa cabin. Napasarap siguro ang tulog ko.
"Welcome home" sabi ko sa sarili ko
Kinuha ko na ang mga gamit ko at inayos ko ang damit at tumayo at lumakad na pababa ng eroplano. Pagkababa ko ng eroplano sabi ni kuya
"Welcom home Krish. Just stay there picture-an kita. Remembrance if ever we'll you know"
"Okay kuya"
Tumayo ako at itinaas ko ang dalawang kamay ko at ngumiti ng masaya. Tapos yung isang shot naman jump shot. Nung hinihintay namin ang luggage namin. In-on ko ang phone ko. Nakita ko may message si oppa. Rereply-an ko ba?
"Kuya reply-an ko ba?"
"It's up to you pero you want to surprise him kaya for me no"
Oo nga noh. Wag nalang muna ako magrereply. In two days naman magkikita kami eh. Dun ko siya isusurprise. Inopen ko ang twitter ko and nagtweet ko.
KrishGon: It's good to be back
Nung nakuha na namin ang mga luggage namin lumabas na kami and nakita ko ang isang sign na nakalagay GONZALES FAMILY. Akala ko like baka may kasabay din kami na kaapilido namin. Kaya pinabayaan ko nalang.
"Nasaan na si Mang Berto pa?" Tanong ni mom kay dad
"Baka nandito lang siya. Hanapin lang natin"
"Sino si Mang Berto dad?" Tinanong ko si dad
"Siya yung susundo sa atin"
"Ohh. Dad may nakita akong may hawak na Gonzales Family na lalaki dun"
"Where?"
"Ayun dad oh" tinuro ko ang lalaki
"Ahh great. Siya yan. Puntahan na natin siya"
Pumunta kami kay Mang Berto mukhang kilala talaga nila dad and mom yung driver, siguro hindi ko siya napansin dati kasi si kuya Randy ang lagi naghahatid sakin sa bahay ampunan para bumisita ako eh. O kaya baka siya ang lagi na kasama ni lola sa bahay niya.
"Mang Berto!" Sabi ni mom
"Sir Alfred at Mam Agnes magandang hapon po"
"Magandang hapon din sayo. O kamusta ka?" Kinuha ni Mang Berto ang gamit namin at naglakad kami papunta sa van
"Nako mam okay lang po ako. Sir Matt hello po sainyo" sumakay na kami sa van at pati na rin si kuya Berto nagsimula na siya magdrive.
"Hi Kuya Berto. Siguro hindi mo nakikilala tong kasama namin." Sabi ni kuya Matt
"Nako sir hindi po gerlprend niyo ho"
"HAHAHAHA. Nako Berto hindi niya girlfriend yan" sabi ni dad sa kanya
"Kuya Berto kapatid ko nga pala si Krishalyn hindi mo na siya naabutan kasi nasa probinsya ka pa nun siguro" sabi ni kuya kay Kuya Berto
"Hi mam Krishalyn"
"Krisha nalang ho kuya"
"Siguro po mam ang naabutan niyo ho ang anak kong si Randy"
"Ah opo siya po ang naghahatid sakin sa bahay ampunan dati." sagot ko sa tanong ni Mang Berto
At nagusap na lamang si dad at Mang Berto nakita ko na huminto kami sa isang mansyon at bumaba na kami at pumasok na ng bahay.
End of Chapter 2
Comment, like and be a fan