DUO

1.8K 169 21
                                    

I love calm and cold evenings like these. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ng iba ang araw. Daytime is boring. Nighttime is a beautiful madness.. iyan mismo ang rason kung bakit ako suki ng mga ganitong lugar tuwing sasapit ang gabi.

"Ding-dong, what's taking so long?"

Nakangisi lang ako habang pinapanood ang pagpatay ni Jumbo Killer sa isang kawawang mortal. Inangat niya ang malaki niyang machete at pinaghahampas sa ulo ng lalaki na para bang 'yong "pop-the-weasel" game sa mga arcade. Blood splattered on the black and white chessboared-colored tiles as the crowd above cheered.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHH!"

"Music to my ears." Naibulong ko na lang sa sarili ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga halimaw na nakasubaybay sa'min.

This is the Elite Killing Tournament. An underground space where madness meets fun. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nagbabayad ang mga mayayaman para makasaksi ng patayan. All the rich bastards are watching us like their favorite TV show. Nakasuot sila ng mga maskara at magagarbong damit. A few golds and diamonds hanging around their skinny necks. Necks that are so easy to break..

"And the winner for this round, JUMBO KILLER!"

Sa announcement ng referee, agad na nagwala ang buong stadium. Naghiyawan at nagtawanan ang mga mayayaman habang abala naman sa pag-alis ng bangkay ang janitor. The high chandeliers gave enough light to illuminate the giant monster who killed the poor man. Tuwang-tuwa siya na para bang nanalo siya sa Lotto.

'Boring.'

Nang maihanda na ang arena, tumikhim ang referee at mabilis na bumaling sa direksyon ko. "Now, place your bets, ladies and gentlemen.. our next challenger is none other than the king of laughs himself, THE JOKER!"

"Showtime."

Mabilis kong isinuot ang maskara ko't nagtungo sa sentro ng field.

Biglang tumahimik ang paligid nang makita nila ako. Maging si Jumbo Killer ay natigilan nang makita ako. I laughed and did a backflip before landing in front of him. Inayos ko ang necktie ko at tumango sa referee. "Go ahead. Let's just get this over with. Nakalimutan kong pakainin ng lason ang alaga kong goldfish sa cabin."

Kumunot ang noo ng referee at ni Jumbo Killer sa sinabi ko.

The other guests started whispering among themselves. Hindi ko man marinig ang mga sinasabi nila, rinig na rinig ko naman ang mga iniisip nila. Being a mind-reader has its advantages, you know.

[Siya yung pumatay kay Megastrike noong isang gabi! Ano na namang ginagawa ng halimaw na 'to dito?]

[Poor Jumbo Killer.. mukhang kailangan ko nang bawiin ang pusta ko.]

Lalong lumawak ang pagkakangiti ko, though I'm pretty sure they can't see it with my white mask.

Nagulat na lang 'yong referee slash announcer nang agawin ko ang hawak niyang microphone. Hindi ko pinansin ang pagmamaktol niya habang nakatitig ako sa mga manonood. I lifted my mask up, just enough to see my mouth.

"Knock! Knock!"

Nanahimik ang mga mayayaman sa sinabi ko. Oh, don't tell me they don't know a simple knock-knock joke? Nakakainsulto na ito sa larangan ng sining ng pagpapatawa! I frowned at them. "KNOCK! KNOCK!" Sabi ko ulit nang mas mariin. Baka kasi lumala na ang pagbibingi-bingihan nila.

✔The Joker's InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon