eighteen

509 40 7
                                    

Soonyoung

Isang magandang morning, lalo na sa pinakamagandang tao sa buong buhay ko bukod sa mama ko.

"Hi babe" bati ko kay Jihoon na nakadukdok sa kaniyang desk.

Napabangon siya at isang pangmalakasang busangot ang kaniyang ibininungad sa akin. What a morning for him. Hindi ba siya natutuwa na makita ang kaniyang other half?

"Don't call me babe" sabi niya.

I shrugged.

"Oh edi mahal nalang" I responded in a cool way before dragging his desk closer. Kahit na malapit na ang mga desks namin, mas pinalapit ko pa.

"Oi! Ba't mo pinalapit sayo?!" inis na tanong niya.

I shrugged again.

"Bakit matitiis mo bang malayo sayo ang takng gusto mo? diba hindi" sagot ko sa kaniya before flashing him my killer smile.

Naks. Killer na ba ako?

Baka mamatay siya sa ngiti ko.

Napasinghap siya sa sinabi ko. His eyebrows met at inilayo ng slight ang kaniyang mesa. Hinayaan ko lang siya, slight lang naman ang ginawa niya eh.

Hehehehe!

Confident na confident ako sa kaniya ngayon, wala eh. Gusto ko siya. Ayaw niya ba nun? gusto siya ng taong gusto niya.

If I know may gusto rin sa'kin ang bulilit ko. Nagpapa-hard to get lang siya hmp!

"Nakakain ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Ang taba ng cheeks niya at ayokong mawala yun.

Para siya ang siopao sa siomai ko.

ha? ano?

"Hindi pa" sagot niya.

"Buti naman" nakangiting sagot ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo at nagtaka.

I chuckled. Kinuha ko ang sandwich na ginawa ko para sa kaniya. Clubhouse sandwich pa ito mga pards, kasing sarap ng labi niya. Kinuha ko rin ang banana milk na binili ko kanina on the way here.

I handed him the food. Tumaas naman ang isang kilay niya.

"Ayokong nagugutom ka ha? Kumain ka na, hindi mabuti sa kalusugan ang pagliban ng breakfast. Ika nga breakfast isa thㅡ"

"shush shush!" pagpapatahimik niya kaya napatawa ako.

Kinuha niya ang mga pagkain mula sa kamay ko. Nakita ko ang pagpink ng kaniyang pisngi. Aba! Nagba-blush siya dahil sa'kin hoho!

"Thanks" sabi niya at nagsimulang kumain.

Itinukod ko naman ang aking siko sa lamesa at ang aking ulo sa palad ko. Nakatingin ako sa kaniya habang kumakain siya.

Ang cute-cute talaga niya. Bagay sa gwapo kong hitsura.

"Wag ka ngang tumingin. Nakakailang" sabi niya.

"Nakakaklang? baka nakaka-in love" sagot ko sa kaniya at tumawa.

Hays, may gusto ka talaga sa'kin Lee Jihoon. Nagiging marupok ka pagdating sa'kin.

"Uhm..."

Napatigil si Jihoon sa pagkain at napaangat ang tingin sa taong tunawag ng atensyon niya. Sumunod ako't napaangat ang tingin ko sa kaniya.

Nakatingin siya sa'kin at ramdam na ramdam ko ang pagkailang niya. My eyebrow raised. Asan na ang dating confident na Younghee? Hindi sa hinahanap ko, pero naninibago ako sa pagbabago niya.

"I-itatanong ko lang sana kung may assignments n-na kailangang s-sagutan" sabi niya at napahimas sa kaniyang batok. She's uncomfortable, kahit na nagbago siya her gestures are still the same. Basang-basa ko pa rin siya.

Panong hindi? ito ang taong minahal ko ng sobra dati.

"Wala" sagot ni Jihoon bago siya ulit nagpatuloy sa pagkain. Napunta na ulit kay Jihoon ang atensyon ko.

"S-Soonyoung-ssi" pagtawag ni Younghee sa'kin.

Hindi ko siya pinansin at itinuon na ang atensyon ko kay Jihoon. She's not worth my time nor my attention. She's not worth it for me after all.

Naramdaman ko ang konting pagsipa ni Jihoon sa aking paa. Animo'y sinasabi nitong patabugin ko na ang babaeng istorbo.

Muli kong binalik ang tingin ko sa kaniya. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kaniya.

"G-gusto ko sanang makausap k-ka" sabi niya.

Nagkasalubong ang mga kilay ko. Para sa'n pa?

"Wala akong oras para sayo younghee. Kaya pwede ba, umalis ka na. Baka masuka lang si Jihoon dahil sayo" sabi ko sa kaniya kaya naman ay napatango siya at bumalik sa kaniyang upuan.

Pagkaalis niya'y isang hampas kay Jihoon ang natanggap ko.

"Aray! Ba't mo ginawa yun?" tanong ko habang hinihimas ang nasapak niya.

"Dinamay mo pa ako!" sabi niya.

"Diba gusto mong paalisin ko siya? Ginawa ko na. Wag ka nang magselos" sabi ko at hinalikan ang kaniyang kamay.

His eyes rounded. Maya-maya'y nakatanggap ulit ako ng karahasan mula sa kaniya. Isang pangmalakasang kaltok.

"Y-you're unbelievable!" aniya.

I chuckled and nodded. "I know I'm lovable" sagot ko at tumawa.

Hays naku, buo na ang araw ko dahil nandiyan siya. Sana magtuloy-tuloy kaming dalawa.

Nakakatuwa talagang makitang si Jihoon na kasingtigas ng bakal, nagiging marshmallow pagdating sakin.

Iba talaga pag may gusto sakin. Hihi!

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon