Surprise

17 2 1
                                    

      Isang araw, nag-isip si Aemie kung anong ireregalo niya para sa boypren niyang si Zeke sa kaarawan nito. Dalawang araw nalang pero wala parin siyang pera pambili ng regalo. Habang nag-sscroll sa kanyang selpon, may nakita siyang ad. "Sugar Daddy?" napaisip si Aemie. "Wala naman kaming gagawing masama diba? Para kay Zeke naman ito eh hehe." Agad nagset ng meeting place at date si Aemie. Kinabukasan, naghanda na siya para sa meet up ng kanyang sugar daddy for the day. Naghintay si Aemie nang may huminto na kotse sa tapat niya. May lumabas na lalaki na sobrang familiar ang mukha.

      "You must be Aemie. I'm Dave," sabay lahad ng kamay.

      "Nice to meet you Dave," sabay abot ng kamay ni Dave.

      Wala silang ginawa buong araw kundi kumain, nagshopping at nag-uusap ng kahit ano. Hinatid ni Dave si Aemie sa kanilang bahay pero bago pumasok sa loob, may inaabot na sobre si Dave na naglalaman ng pera.

      "Maraming salamat Dave!"

      "My pleasure, I'll see you next time?"

      Ngumiti nalang si Aemie dahil ayaw niya sanang ulitin dahil baka malaman ni Zeke. Masayang binalot ni Aemie ang regalo niyang relo para kay Zeke. Kinabukasan, nag-ayos si Aemie para sa birthday dinner ni Zeke. Pagdating ni Aemie sa restaurant, sinalubong niya ng yakap si Zeke at bumati ng "Happy birthday," at inabot niya ang regalo ni Zeke.

      "Wow! Salamat Aemie," masaya na sabi ni Zeke. "Oo nga pala, pakilala kita sa papa ko. Pa, si Aemie, girlfriend ko."

      Paglingon ng papa ni Zeke ay sabay ring pagtigil ng mundo ni Aemie. "Nice to see you again, Aemie."

      "Magkakilala kayo?" naguluhan na tanong ni Zeke. At alam ni Aemie na katapusan na niya.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon