Chapter 11

18 1 0
                                    

"Solana?" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Nanay Tere sa labas ng kwarto ko. Sunud-sunod din ang pagkatok niya sa pintuan ko. "Hija? Gising ka na ba?"

"O-opo, Nanay Tere." Dahan-dahan akong bumangon ng kama dahil medjo naliliyo ako. Siguro sa kakaiyak ko kanina.

Teka. Anong oras na nga pala?

Nilingon ko ang orasan na nasa ibabaw ng sidetable ko.

Ala-una? Ala-una na?! Jusko!

Nagmadali ako sa pagbangon. Inayos ko muna ng mabilisan ang aking higaan bago ko binuksan ang pinto.

Kanina pa kaya ako ginigising ni Nanay Tere?

"Nay! Pasensya na po kayo. Tinanghali po ako."

"Anukaba Lana. Ayos lang iyon. Ikaw naman ay nakabakasyon kaya tama lamang na magbawi ka ng tulog. Kaya lang, nag-aalala lang din ako sa'yo kung bakit hindi ka pa lumalabas. Baka ano nang nangyari o kaya naman baka gutom ka na din. Aba'y lampas tanghalian na oh."

"Oo nga po, Nay eh. Pasensya na po. Sadyang napasarap lang po ang tulog ko."

"Ayos lang. Eh anong oras ka ba nakatulog? Bakit tila puyat na puyat ka ata?"

"A-ah nahirapan lang po akong makatulog kagabi."

Buti na lang at hindi talaga siya nagising kagabi kung hindi, baka mahuli niya ako at maireport kay Mama.

"Halika na at kumain ka na. Siguradong gutom na gutom ka na."

"Opo sige po."

Hindi na ako nag-atubili pa at kaagad na akong sumunod sa kanya sa baba. Dumiretso pa siya sa pinto dahil may kumatok ata. Sakto pagbaba ko ay ang siyang pasok ni Kage.

Diretso akong napatingin sa kanya at ganon din siya sa akin. Bihis na bihis siya samantalang ako ay wala pang ligo ni toothbrush manlang. Nakapambahay na shorts at nakalongsleeves. Nakakahiya! Kaya naman madali akong tumalikod at pumanik sa hagdan.

"Hija san ka pupunta? Kumain ka muna!"

"Wait lang po Nanay."

Dali-dali kong kinuha ang twalya ko para maligo. Mabilis pa sa alas kwatro kong ginawa ang lahat ng ritwal mula sa pagligo hanggang sa pagbibihis tapos ay bumaba na ulit.

"Good morning!" Bati ko kay Kage na nadatnan kong nakaupo sa sofa namin.

"Good afternoon, Lana!"

Shookt! Oo nga pala.

"Good afternoon pala. Sorry sabog."

"It's okay. Have you eaten?"

"Not yet. Just woke up. Ikaw?"

Tumango lang siya. "You eat first."

"Bakit?"

"Aalis tayo. Samahan mo ako."

"San tayo punta?"

"Basta. Kumain ka muna."

"O-okay. Sure ka di ka kakain?"

"I'm full."

"Alright. Mabilis lang ako." Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv. "Nood ka muna."

Tumango na lang siya.

Mabilis akong kumain. Niyaya ko din si Nanay Tere at buti naman ay sinabayan niya ako.

"May pupuntahan kayo hija?"

"Opo."

"Saan? Nagpaalam ka na kila mommy mo?"

"I'll just call her na lang po after we eat, Nanay."

Dear SolanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon