Maze 15: Halloween

685 29 55
                                    



Jovs

"Halloween?" hindi ko makapaniwalang tanong kay dad. "We haven't done that."

"Yes, kaya this time, I want you guys to have a little you know." he shrug and smile. "Minsan lang naman to. It's not a bad thing naman diba?"

"Dad, magcocosplay ka din noh?" ngumiti ako nang mapang-asar.

"Ikaw bata ka, ang dami mo pang sinasabi. Dissiminate the information now, hindi rin biro yung 3-days notice ha." wika niya.

"Paano, pabigla-bigla ka din. Fine, I'm going now." sagot ko.

"Pakisabi kay Mika mag-usap kami sa bahay mamaya."

I sighed. "Dad, alam mong ayaw na umuwi ni Mika dahil sa ginawa mo nung nakaraan. Ni kausapin o pag-usapan ka, ayaw niya. Medyo mag-isip naman, okay? I'm telling you this as your daughter. You know naman the situation, lalo mo pang pinapalala— lalo mong pinapalayo loob ni Mika sayo, sa totoo lang."

"Dinidisiplina ko lang ang kapatid mo."

Umiling ako. "No, dad. Nagsorry na si Mika kay Lt. Daquis nun, at napagsabihan na rin siya. You know how Lt. Daquis work. Isa pa, para namang hindi mo kilala si Mika. Ang unfair lang sa side niya, isang beses lang nangyari yun, baka may iniisip lang, then you go degrading her work ethic sa harap ng ibang tao. Mas matatanggap niya yun kung kayong dalawa lang e, ano ba goal mo bakit mo ginawa yun, dad?" I gave him a weak smile. "Mika is one of the hardest worker here, when will you appreciate her? Don't make her hate you more."

"Out."

"Fine." I raise both of my hands mid-air. "Ganyan naman kapag ikaw ang mali diba? Well, I'm going to tell the others about the party. I'm off." wika ko at lumabas na ng office niya.


Mika took Max in her condo kaya naiinis rin ako kay dad. And not because I can afford to buy or adopt a dog e gagawin ko na. Hindi naman din ako dog lover talaga, it's just Max is very charming and sweet.

Nakita ko naman na nakatalikod si Mika, naglalakad papalayo kaya marahan akong nagpunta papunta sa kanya at pumasan. Nagulat siya at kamuntik na ako i-wrestling kaya natawa na lamang kami parehas.


"Lieutenant." sambit ni De Leon at nagsalute kaya I gestured the same thing.

"Nakapaglunch ka na ba?" tanong ni Mika. "Nag-aya si Beatriz mag steak house e."

"Mag-iikot pa ako e, you go ahead." sambit ko. "Nga pala, Halloween party daw tayo sa 31 sabi ni admiral."

Mika scoffed. "What now? Halloween party?"

"Yeah, pero hindi naman need na nakakatakot, more like dress who you want to be." sagot ko.

Kumunot naman ang noo ni Mika. "Daming alam, sige na. Mauuna na kami, nagugutom na ako."

"Ah, Mika. Gusto ka daw niya kausapin."

"Ge." bored nitong sagot.


Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Mas mahirap pa resolbahin ang issue ng dalawang iyon kaysa sa mga binibigay na mission sa akin, sa totoo lang.

Gaya ng sabi ni dad ay ibinahagi kong magkakaroon kami ng halloween party, and that they could dress who they want to be. May it be superhero, villain o kung gusto nilang maging halaman e sige lang.


"Seryoso ba?" tanong ni Rachel habang nakataas ang isang kilay. "Wala naman akong ganun."

"Let's buy mamaya?" I smiled.

Napailing ito at sinundot ang tagiliran ko. "Is that how you ask girls for dinner?"

Natawa naman ako. "Hoy, hindi ah. Bibili nga tayo, tapos dinner na din after. For sure, mapapagod ka sa pag-iikot."

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon