************
10:30pm
Natapos ang trabaho ko ngayong araw na ito ng hindi na nagtuloy ang pananakit ng ulo ko. Thank God hindi nyo po talaga ako pinapabayaan. Pabalik ako sa locker room ng sumabay sa akin si Carlo.
"Yvette, sabay na tayo umuwi? Same way naman tayo di ba?" sabi nito.
"O sige ba! Hintay mo na lang ako sa labas huh. Alam mo na, mag-aayos pa ako ng mga gamit ko eh." sagot ko sa kanya.
"Sige, sige. Salamat!" natutuwang sabi nya. Habang pahiwalay sya sa akin.
Si Juan Carlo Mendoza. Mas kilala namin sa pangalang Carlo . Medyo kulot, maputi, may katawan at may hitsura. 5 months pa lang sya nagtatrabaho dito sa mall na pinapasukan ko. Bago pa lang ika nga. Hindi ko sya masyado napapansin dahil medyo malayo ang pwesto nya bilang merchandiser/bagger sa booth Cashier 15. Sa pagkakaalam ko 23 yrs. old lang sya. Bata pa. Sabi ng ilan matagal na din daw nagtatrabaho yang si Carlo. Masipag na bata! Nakikitira lang daw sa tiyahin na matandang dalaga sa may Camachile. Siguro nga dahil walang asawa at anak. Eh sya na ang itinuring na anak.
Nagpalit ako ng tsinelas at iniwan ang isinuot kong sapatos sa locker. Ganun naman talaga ang ginagawa ko. Para hindi ko na inuuwi yung iba kong personal na gamit sa bahay. Atleast may magagamit ako dito. Saka masakit sa paa na buong araw ka nakasapatos. Kaya may reserba akong tsinelas sa locker ko.
Kinuha ko ang bag ko. Tsinek ko kung kumpleto ba ang gamit ko. Cellphone, wallet, coin purse at kung anu ano pa. Kasi, kahit nakahiwalay ang locker ng mga babae sa locker ng mga lalake may nangyayari pa ring nakawan dito. Minsan daw may nakakalimutan ipadlock ang locker. Siguro sa kakamadali sa pagpasok. O kaya naman minsan kapag nalamang may dala kang cellphone at pera nakikita na lang nakabukas na ang padlock ng locker. Nasusungkit yun kandado. Kaya ako sinisigurado kong nakadouble lock ang locker ko. At may palatandaan ako kung nabuksan o nagalaw man lang ito.
Napansin ko yung sulat na bigay ng ladyguard kaninang umaga. Nailapag ko lang pala yun sa locker ko. Kinuha ko ito at ipinasok sa bag ko. Ipinadlock ko na ang locker ko at inabot ang bouquet ng bulaklak sa itaas. Umalis na ako sa locker room at dumiretso sa bundy clock at nag punch-out ng time card.
************
Paglabas ko ng employee's gate. Nakita ko agad si Carlo at sinalubong ako.
"Tara! Ako na magdadala nyan." nakangiting sabi nya sabay abot sa bulaklak na hawak ko.
"Nakakahiya naman syo. Pinagbitbit pa kita? Baka sabihin ng mga makakakita may instant alalay ako." nahihiyang sabi ko.
"Hayaan mo sila. Inggit lang nila." sagot nito.
"Hoy! Anu ka ba? Baka mamaya may makarinig syo dyan. Mag-isip sila ng hindi maganda." sabi ko sa kanya sabay tapik ko sa braso nya. Naglakad na kami papuntang sakayan ng jeep.
"Yvette, sabay na lang tyo lagi umuwi ha. Masyado ng gabi kung uuwi ka mag-isa, alam mo ang panahon ngayon delikado na. Buti yung may nakakasabay ka sa pag uwi atleast safe ka."
"Anu ka ba, 3 years na ako sa trabaho ko. Ni minsan hindi naman ako napapahamak. At saka minsan may mga nakakasabay din naman akong katrabaho natin. Basta bago at pagkatapos ng trabaho ko, nagdadasal ako kay God. Humihingi ako palagi ng guidance. At syempre nagpapasalamat na din. Hindi ako papabayaan ni God noh. Kasi may kapatid ako eh. Mahal na mahal ko yun."
"Mahal din kita..." bumulong si Carlo.
"Huh? May sinasabi ka?" untag ko sa kanya.
"Ha?! Wala ah. Ang sabi ko, ang swerte ng kapatid mo kasi mahal na mahal mo sya." sabi nito habang nagkakamot ng ulo.
"Syempre naman. Dalawa na nga lang kami eh. Pababayaan ko pa ba yun." sagot ko.
Sumakay na kami ng jeep. Sa unahan nya pinili sumakay. Para dalawa lang daw kami.
"Buti hindi mo pa naiisipang mag-asawa?" pag iiba nya. Nakangiti sya habang nakatingin sa harap.
Ngayon ko lang napansin. Gwapo pala si Carlo. May dimples kapag ngumingiti o tumatawa. Kahawig nya si Alden Richards. Kaya lang kulot ito eh. Saka medyo may katawan si Carlo. Siguro dahil kasi batak sa trabaho.
"Oy! Miss Del Carmen. Para kang natuklaw ng ahas dyan. Hindi ka na sumagot. Mama bayad po. Dalawang balintawak." sabi nya sabay abot ng pasahe sa driver.
"Huh? Ano ba yung tinatanong mo? Saka bakit dalawang balintawak? Eh sa Camachile ka di ba?" napahiyang sabi ko. Naku nahuli nya yata akong nakatitig sa kanya.
"Ihahatid na kita hanggang sa inyo. Para masiguro kong safe ka. Madali na makauwi. Saka lalake naman ako." sagot nya.
"Sigurado ka? Baka mag-alala tiyahin mo. At ang girlfriend mo? Oo nga pala. Bakit ba ako ang sinabayan mong umuwi? Bakit hindi yun girlfriend mo ang hinatid mo pauwi?" ang sabi ko.
"Sa maniwala ka o hindi...wala akong girlfriend. Gusto mo IKAW NA LANG...?"
Natigilan ako...
Hindi ako nakaimik...
Totoo ba yung narinig ko? O baka naman masyado lang lumilipad isip ko at marami na pumapasok sa utak ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Tuwa, kilig, kaba, takot at pagtataka. Tuwa dahil kahit papaano may naghatid sa akin ngayong gabi. Kilig dahil gwapo at bata ang kasama ko. Kaba dahil hindi ko mawari kung totoo nga ang narinig ko. Takot dahil sa kung anong maaaring sabihin ng mga tao. At pagtataka kung bakit ako? Bakit sa akin nagsasalita ng ganito sa akin si Carlo...
*************
.....to be continued
BINABASA MO ANG
Totoo Ka Na Ba?
RomanceKwentong nabuo sa aking isipan. Ito ay pawang kathang isip na lamang. Kung may pagkakatulad man sa ibang istorya ay walang intensyon at hindi sinasadya. Ito ay isang May-December Love Affair. May mga bagay na marahil kung pwede ba o kung pwede lang...