CHAPTER 19
Gerrison’s POV
Sobrang lakas ng ulan paggising ko. 4 am pa lang ay halos magbaha na pagsilip ko sa bintana ko.
Nevertheless may pasok ako eh, Tuesday ngayon at PE na naman, pero okay lang yun kasi ang importante buhay pa rin ako.
Paglabas ko ng kwarto ko ay nakabihis na ako, ngayon lang kami sabay na lumabas ng kwarto namin ni Kim.
Pagbaba namin ay maglalakad na sana kami para sumakay ng bus ng harangin kami ng mama niya.
“Kim wait, sobrang lakas ng ulan”, sabi niya.
“Okay lang po yun mom, we have classes eh”, sabi ni Kim.
Biglang kumuha ng payong ang mama niya, malaki naman ang payong.
“O yan, share na lang kayo ni Gerrison diyan”, sabi ng mama niya.
“Okay”, sabi ni Kim pero nang palabas na sana kami ay biglang kumulog, masama nga talaga ang panahon.
Ako naman bumalik muna sa sala at binuksan ang TV.
Sakto news watch sa channel 2 at inannounce na classes on all levels in Manila City are suspended.
“Haaaay…nag-effort pa ako magbihis… “, sabi ko.
“Okay nga yan Gerrison eh, at least makakapagpahinga tayo for today lalo ka na, you know…may time ka para makapag-recover sa sugat mo”, sabi ni Kim.
“Oh great”, sabi ko at bumalik na ako sa kwarto ko para magbihis muli. Haaay, at least wala kaming PE, next week na lang uli!
Pagkabihis ko ay bumaba naman agad ako tulad ng sabi ng mama ni Kim para kumain ng breakfast since gising naman na raw kami.
*** *** ***
Kim’s POV
The following day wala pa ring pasok dahil daw binaha ang Manila. Tapos masama pa talaga ang panahon, dito nga sa Noveleta eh madilim pa rin ang langit eh and pumapatak-patak pa rin ang ulan.
That means dahil walang pasok ngayon eh sa Friday na gaganapin yung quiz namin sa Sociology. At least we will have more time to study.
Masaya ako kasi mukhang okay naman na si Gerrison but I really worried for him yesterday nang tamaan siya ng bala sa chest.
I’m already in love with him. He may be unaware yet but I am in love with him. Wala akong pakialam kung ano pa ang masabi niya kapag nalaman niya pero ganon talaga eh.
BINABASA MO ANG
Gerrison the Combat Bodyguard
RomanceNang dahil sa isang maling akala, na-scam ang pamilya Te at biglang nagkaroon ng utang na 20 Million pesos. Si Gerrison Te, isang College student sa Far Eastern University ay problemado dahil sa nangyaring scam sa kanila. Isang araw bigla na lang ni...