CHAPTER 8

7.6K 214 3
                                    

PAGMULAT ng nga mata ni Gracia, agad na bumungad sa kaniyang paningin ang mukha ni Octavio na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakatagilid ito paharap sa kaniya habang nakaunan ang kaniyang ulo sa braso nito, at ang isang braso naman nito ay nasa baywang niya. Ang isang binti nama’y nakaangkla sa hita niya. Halos gadangkal na lamang din ang pagitan nila sa isa’t isa na parang isang maling galaw na lamang mula sa kanilang dalawa ay maglalapat na ang kanilang mga labi. Amoy na amoy ni Gracia ang mabango nitong hininga na tumatama sa kaniyang ilong. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapalunok nang sunod-sunod dahil sa kabang biglang sumibol sa kaniyang dibdib.

Mayamaya ay dahan-dahang kumilos ang kaniyang ulo upang lumayo mula rito. Sinubukan niya ring tanggalin ang braso nitong nakapatong sa kaniyang baywang gayo’n din ang paa nitong nasa hita niya. Nang magtagumpay na gawin iyon ay tahimik at maingat na bumangon siya sa higaan.

Pero ganoon na lamang pangungunot ng kaniyang noo at pagtataka niya nang makitang wala na naman siyang saplot na pang itaas, maging ang lalaking katabi niya sa higaan. Nalilito man ay dali-dali niyang kinuha ang kaniyang damit na nasa gilid ng kama. Isinuot niya iyon at lumabas ng silid.

Samo’t saring tanong ang naglalaro sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon.

Bakit naroon na naman ang binata sa silid na iyon at magkatabi na naman sila sa kama? Bakit pareho na naman silang walang damit? Panigurado si Gracia na nakita na naman ng binata ang katawan niya. Dahil sa isiping iyon, awtomatikong nag-init ang buong mukha niya.

Oh, God! Nakakahiya!

At isa pa, ang pagkakaalala niya... Nagdidiliryo siya kanina. Sobrang taas ng kaniyang lagnat, maging ang kaniyang paa ay kumikirot dahil sa sugat niya roon.

Wala sa sariling napatungo siya upang tingnan ang kaniyang paa. Tama! May bandaid pa nga ang talampakan niya pero hindi na masakit ang sugat doon kumpara kanina.

“P-Paanong...” Naguguluhan pa rin siya na muling nagbaling ng tingin sa pinto ng silid. “Ibig sabihin, binantayan niya ako kanina? Inalagaan niya ako kaya nandoon siya sa tabi ko kanina?” kunot ang noo na tanong niya sa sarili. “Ugh! Wala akong maalala.” Buntong-hiningang saad niya.

Mayamaya, bigla siyang napalingon sa may gilid ng sala nang tumunog ang telepono na naroon. Saglit siyang nag-isip kung sasagutin ba iyon o iignorahin na lamang. Pero sa huli, dali-dali siyang lumapit doon at dinampot ang aparato.

“H-Hello!”

Gracia? How are you?bungad na tanong ni Esrael sa kabilang linya. Bakit gising ka pa? Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. “Ang sabi kasi ni Octavio kanina nagdidiliryo ka raw. How are you? nahihimigan niya sa boses nito ang labis na pag-aalala para sa kaniya.

Bahagyang gumuhit ang maliit na ngiti sa mga labi niya dahil sa mga tanong nito. “M-Medyo okay na po ang pakiramdam ko, Sir. Salamat po ulit,” aniya.

Narinig niya ang pagpapakawala nito nang malalim na buntong-hininga.

Mabuti naman,” sabi nito. “Alas tres pa lang diyan, pero bakit gising ka na?

“Um, n-nagugutom po kasi ako, e!” aniya. At mayamaya ay biglang kumalam ang kaniyang tiyan kaya napahawak siya roon. Kahapon pa siya walang kain. Kaya siguro hanggang ngayon ay medyo nanghihina pa ang kaniyang katawan.

Okay! Kumain ka na muna. After you eat, go back to sleep para gumaling ka agad ng tuluyan. Tatawag ako ulit mamayang umaga.

“Salamat po ulit, Sir Esrael.” Bago niya ibinaba ang hawak na telepono.

BRIDE FOR SALEWhere stories live. Discover now