"Hey, Fini. You're spacing out again." Napakurap ako bigla no'ng iwinagayway ni Raixen ang librong hawak niya sa tapat ng aking mukha, napaayos naman ako ng mukha at tiningnan siya.
Ang dami talaga kasing gumugulo ngayon sa isip ko, iniisip ko pa rin kasi hanggang ngayon kung ano ba ang dapat naming gawin ni Daered. Gusto ko sana yung walang ibang tao ang madadamay sa gagawin namin para maiwasan na masaktan yung mga taong wala namang kinalaman sa plano namin.
"Fini? Are you okay?" dagdag pang tanong sa akin ni Raixen. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.
"Yeah, I'm fine. Siguro masyado lang akong napagod sa pag-aaral. Nasabihan din kasi ako ni Ma'am Gavica na medyo mababa yung results ko sa exam compared do'n sa result ko no'ng 1st sem. Nadisappoint ko siya and I don't want to disappoint her again," malumanay kong sabi. Kinausap ako kanina ni Ma'am Gavica at 'yon nga yung sinabi niya sa'kin. Dumagdag pa 'yon sa mga bagay na kailangan kong isipin.
Natatakot ako na madisappoint ko ang ibang tao o kaya hindi ko ma-reach ang expectations nila. I need to be better, I need to be a role model student kahit na napakahirap gawin. Kailangan kong tiisin ang lahat ng 'to.
"Kayang kaya mo 'to, Fini. Ikaw pa. Bawing bawi mo 'yan ngayong 2nd sem." Ngumiti na lang ako at simulan na nga naming ligpitin yung mga ginamit namin ni Raixen sa pag-aaral. Hinatid niya na muna ako sa classroom ko bago siya pumunta sa sarili nilang classroom.
Parang wala akong gana makinig sa lessons namin ngayon. Hindi na rin ako nakakapagsulat, except na lang kung inutos ito sa akin ni Daddy. I think I lost the will to write again, hindi ko na maramdaman yung excitement na nararamdaman ko noong nagsisimula pa lang ako magsulat, yung panahon na malaya pa akong isulat ang aking mga saloobin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, para bang may kulang. Parang ang gulo-gulo na ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y isang napakalaking bagay ang nawala sa'kin at hindi ko alam kung paano ito mababalik. I am completely lost, and I don't know when I'm going to be found.
"Babae, ano'ng trip mo?" Nabalik ako sa aking wisyo no'ng narinig ko ang bulong sa akin ni Daered. Tiningnan ko ang mga taong nakatingin din sa akin, parang takang taka sila sa ginagawa ko.
"Wala ka ata talagang planong tumabi sa daan. Halika na nga." Hinila ako ni Daered papaalis sa gitna ng hallway, pinagdadaanan na pala ako ng mga tao pero hindi ko man lang napansin. Masyado talagang malalim ang iniisip ko. Siguro takang taka talaga yung mga kapwa ko estudyante sa akin kanina dahil mukha akong timang na nakatayo do'n.
Shocks, ngayon ko lang narealize na sobrang nakakahiya pala talaga yung ginawa ko.
"Tara nga, kumain na muna tayo. Nagutom ako bigla," sabi ni Daered no'ng tumigil na kami sa cafeteria. Bumili na siya ng pagkain habang ako naman ay pumili na ng pwesto para makaupo na kami. Hindi naman gano'n kadami ang mga tao sa loob dahil may klase pa kaya naman makakausap kami nang matino ni Daered, depende na lang talaga sa kaniya kung maayos siyang kausap ngayon.
"Oh ayan. Ako naman ang manlilibre ngayon. At may nakuha pala akong impormasyon tungkol sa mga magulang natin." Inilapag niya sa mesa yung mga binili niyang pagkain, pati na rin ang isang brown na envelope. Umupo siya at ibinigay sa akin yung envelope, binuksan ko naman iyon.
"Diba sabi ko sa'yo, muntik na maging business partners ang mga magulang natin pero hindi ito natuloy. Sinubukan kong hanapin yung dahilan pero wala akong nahanap sa opisina ni Papa. Hindi ko pa nasubukan na humanap sa kwarto o opisina niya sa bahay dahil madalas siya doon ngayon," pagpapaliwanag ni Daered, binasa ko rin naman yung nasa loob ng envelope at nakita kong halos pare-pareho lang naman pala ang mga negosyo ni Daddy at ng papa ni Daered kaya mas makakabuti sana talaga kung magiging business partners na lang sila.
BINABASA MO ANG
Our Untitled Story
Teen FictionSi Cesfinity ay isang simpleng manunulat lamang, ngunit ang kaniyang ama ay ginagamit ang kaniyang talento sa pagsusulat sa mga masasamang bagay, katulad na lamang sa paninira ng ibang tao. At kahit na ilang beses nang nakita ng kaniyang ina ang iba...