27. Missing

258K 6.3K 520
                                    

Nagising ako na nasa likod ako ng sasakyan at ang nakita kong nagmamaneho ay si Jethro. Agad akong umupo at inayos ko ang aking sarili. Hindi ako nakatali, wala akong galos, medyo nahihilo nga lang ako pero hindi naman ako ganoon kawala sa sarili. Isa lang naman ang naiintidihan ko sa ngayon - Jethro took me. Hindi pwede ito, kailangan kong makabalik. Paano na lang ang mag-ama ko? Sinubukan kong tingnan kung mabubuksan ko ang mga pintuan pero naka-lock ang mga iyon. Binalingan ko si Jethro na abala sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung nasaan kami eksakto pero alam kong papunta ito ng airport. Lalo akong kinakabahan. 

"Jet-Jethro, where are you taking me?" I asked him. My voice is shaking with so much fear.  He looked back at me. There was sadness in his eyes pero nakikita ko rin doon ang determinasyon niyang mailayo ako sa lugar na ito. Napakagat-labi ako. Kung noon sana niya ito ginawa ay masayang-masaya akong sasama sa kanya pero hindi na ngayon. Our lives were different now. We have different paths and priorities. Hindi ko siya gustong saktan, pero doon rin kami napunta. Kailangan kong makabalik sa mag-ama ko. I need them and I know that they need me as much as they needed to breathe. 

"We're going back to California, Nina. We're going to Silicon Valley and have the life that we should've had. We'll get married, have kids and live happily - the way our lives should've been if you hand't left." Determinadong wika niya. Naluha ako. Hindi pwede ang sinasabi niya? Paano na lang kami ni Hermes? Kasal na kami. Siya ang mahal ko. 

"Jethro, hindi pwede." Napahikbi ako. Itinapat ko sa bibig ko ang kanang kamay ko. Handa akong magmakaawa, ibalik niya lang ako o kaya man ay pakawalan niya lang ako. I wanted to go back to Hermes. 

"Bakit hindi pwede, Nina?" Tanong niya sa akin. "Ako ang mahal mo diba? Akin ka? You're my fiance!" 

"I'm Hermes Consunji's wife now, Jethro." Buong wika ko. Ipinakita ko pa sa kanya ang singsing na suot ko.  Nakita kong nagtiim ang mga bagang niya at lalong pinabilis ang sasakyan. Napahawak ako sa magkabilang side ng upuan. Kinakabahan ako. Paano na lang kung magtagumpay si Jethro. Pero... hahayaan ko ba siya? 

Hindi. Kailangan makabalik ako sa mag-ama ko. Tumahimik na lang ako. Hinintay ko ang susunod niyang gagawin. Tama nga ako. Huminto kami sa parking lot ng NAIA Terminal 1. Kinakabahan ako. Ang lakas - lakas nang pagtibok ng puso ko. Hindi ako makahinga. 

Bumaba si Jethro para buksan ang pintuan ng sasakyan at saka hinatak ang kamay ko. Nakita ko ang mga bag sa gilid niya sa kamay naman niya ay hawak niya ang dalawang paasport. Hindi ko alam kung anong ginawa niya para makakuha ng ticket para sa aming dalawa samantalang wala naman sa kanya ang passport ko. O kung nasa kanya man ay paano nga ba napunta iyon sa kanya?

"Jet, hindi ako makakaalis. Wala akong passport."

"I have your passport here Nina. I got you a new one." Iwinagayway niya ang passport na kulay brown sa akin. Napakagat labi ako. Hindi pwede ito. Ano pang idadahilan ko sa kanya? Ayokong sumama!

Pilit akong kumakawala. Marahil ay napikon na si Jethro kaya hinarap na naman niya ako at saka tiim ang mga bagang na tumitig sa akin.

"Makinig ka..." Wika ko sa kanya. He shook his head. Nawawala na ako ng pag-asa na makakakawala pa ako sa kanya. Napapaluha ako. Pilit kong binabawi sa kanya ang kamay ko.

"Ikaw ang making!" Sigaw ko. "Jethro hindi kita mahal! I don't love you and if you think that by taking me away will make me love you again well you're wrong!" Napatitig siya sa akin. Natitigilan siya. Alam kong nakuha na nang pagtaas ng boses ko ang atensyon ng iba. Hilam na hilam na ang mukha ko ng luha. Ayokong umalis. Naiisip ko pa lamanh ang mapalayo sa mag-ama ko ay para na akong pinapatay.

"Tama na, Jethro! Nagmamakaawa ako sa'yo. Pakawalan mo ako. Babalik ako sa pamilya ko." Sisigok-sigok na wika ko. Lumambot ang expression ni Jethro. Hinaplos niya ang mukha ko. Napaluha na rin siya.

          

"But I love you, Nina..." He said to me. Napatango naman ako. Alam kong mahal ako ni Jethro. Alam ko iyon ---- hindi naman niya gagawin ito kung hindi. Mabuti siyang tao. Minahal ko siya dahil doon at alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang taong iyon sa kanya.

He looked at me for a while. Makakahinga na ako nang maluwag. Mukhang naiisip na niya na mali ang ginagawa niya --- na hindi niya ako dapat ilayo sa mga mahal ko. He was just looking at me. Nang makakita ako ng pagkakataon ay tumakbo ako. Mataas ang adrenaline ko --- sa isip ko ay kailangan kong makatakas. I was running so fast  -- nabubunggo ko na ang lahat nang masalubong ko.

Sa likuran ko ay naririnig ko ang boses ni Jethro na hinahabol pa rin ako. I looked back and I saw his face --- mas nakakatakot siya ngayon. Mukhang mas desidido siyang kunin ako. Bakit ba hindi na lang niya ako hayaan. Hindi niya ba nakikita na hindi ako masaya sa ginagawa niya sa akin? 

I need to go back where I belong and that is with Hermes and Artie. 

"Nina!" 

"Ahh!" I felt frustrated when I felt him grab me. Malapit na kami sa parking lot niyon. 

"Just come with me! You'll get used to the fact that it's just you and me! I'll make you fall for me again!" 

"Hindi na nga!" I yelled at him. "Hindi mo ba naiintindihan na hindi na kita mahal?! Si Hermes ang mahal ko! Siya ang mahal ko! Babalik ako sa kanya dahil siya ang mahal ko, Jethro! So Just please. let me go!" I pushed him away. Nabitiwan niya ako. Tumakbo ako. I was in such a hurry that I didn't look at Jethro or anything. I just ran. Tumakbo ako sa paniniwalang pagkatapos nito ay makakasama ko na ulit si Hermes. Tumakbo ako para makalaya. Tumakbo ako upang maging masaya. 

Tumakbo ako. 

Pero... 

Napahinto ako nang marinig ko ang isang malakas na busina galing sa kaliwa ko - ang sumunod doon ay ang malakas na tinig ni Jethro na tinatawag naman ang pangalan ko. Ang sumunod ay ang isang malaking kadiliman na hindi ko alam kung saan nanggaling - pagkatapos noon ay nakita ko si Artie at si Hermes nang magkasama... 

---------------------

"I named her Telulah."

Ngingisi-ngisi si Ares habang karga ang baby girl niyang nakabalot sa dilaw na tela. He was sitting beside Bathseeba. Mukhang masayang-masaya naman ang kapatid ko. Bathseeba gave birth earlier this morning. Nagising na lang daw siya na parang hinahalukay ang tyan niya at habang papunta sila ni Ares sa ospital ay doon naman daw pumutok ang panubigan niya. Normal ang delivery niya. Malusog na malusog ang baby nilang dalawa. 

"That is a nice name." Komento naman nI Hera. Karga niya si Apollo na naka-kulay blue habang si Achilles naman ay nasa stroller na nasa tabi naman ni Hera. She looked so domistacted also - but still she is Hera Consunji and she's very fashionable. "Salamat naman at may nagawa ka nang mabuti sa buhay mo, Ares." 

Hindi pinansin ni Ares ang sinabi ni Hera. He was too happy while looking at his baby girl. Bigla ay naalala ko ang pakiramdam ko noong unang beses kong mahawakan si Artie. 

"Telulah Calypso." Nakangiting sabi ni Bathseeba. "Ang ganda ng pangalan ng anak ko diba? Tapos kamuhka ko pa. Maganda din!" Natatawang wika pa niya. Ares rolled his eyes.

"Ako nga ang kamukha. Wag kang umasa, Bathseeba!" 

"Sabi, kapag kamukha daw ng iyong ama ang kamukha ng anak, mas nagmamahal ang lalaki, fine ikaw na ang kamukha." Nakangisi na si Bathseeba sa puntong iyon. Napapailing na lang ako. I found their antics funny. Sabagay noong una ko pa lang nakita si Bathseeba ay ganoon na agad ang tingin ko sa kanya. I first saw her in her underwear - isang bagay na hindi ko inaasahan. Right at that moment I already knew that my brother has become her hostage. 

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon