||Chapter 21||
Margaux's P.O.V
Saturday ngayon kaya maaga akong nagising. Kailangan ko ng peace of mind kaya naisipan kong mag-jogging. I wear my usual jogging outfit. After 5 rounds, naglakad-lakad nalang ako hanggang sa mapagod at mapagpasyahan ng umuwi.
Nagulat ako ng makita ko si Aly na nasa harapan ng gate namin. Pabalik-balik siyang naglalakad na parang nag-iisip. Ilalapit niya ung kamay niya sa may doorbell tapos hahawak siya sa batok niya at maglalakad ulit. "Baliw lang." - bulong ko. Paulit-ulit niyang ginagawa yun hanggang sa maisipan kong lumapit na. "Anong ginagawa mo dito?" - halatang nagulat siya ng bigla akong magsalita.
Bigla siyang napatigil at humarap sa'kin, "A-ah. E-eh. Hmm? M-margaux, can we talk?"
"Wala na tayong dapat na pag-usapan Aly. It's over."
"Mag-e-explain ako. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung hindi ko inisip ang nararamdaman mo. Sorry kung ginamit kita para kalimutan si Eizl. Sorry kung ginawa kitang rebound. But believe me, minahal talaga kita." - sorry? Ts! Ano pang magagawa ng sorry niya kung nangyari na? Nawala ba ung sakit? Tapos may gana pa siyang magsorry sa kabila ng panggagamit niya sa'kin?
"How can I believe if there's a Lie in the middle of that word" - pinipigilan ko ang mga luha ko na bumagsak. Masyadong magulo ang utak ko ngayon. Una, si Shone tapos eto. Papasok na ako sa'min pero hinawakan niya yung braso ko at hinila dahilan para ma-out of balance kaming pareho at bumagsak. "Shit" - bulong ko. Alam na niyang pa-slide ang sa'min tapos hihilain niya ako? Nag-iisip pa ba 'to ng matino?
Nagulat ako ng makita ko ang sarili ko na nakapatong sa kanya at ung mukha naming dalawa na malapit na sa isa't-isa. Bigla akong kinabahan. Naalala ko ung pinagsamahan namin dati. Laging masaya. Walang problema. Pero anong nangyari? Napansin kong papalapit ng papalapit ang mukha namin. Lapit-lapit-lapit. "Sorry" - bulong niya tiaka siya napapikit at narest ang ulo niya sa semento.
Inayos ko ang sarili ko at lumuhod. "Uy!" - tinapik ko ung pisngi niya. Hindi siya gumagalaw. "Aly, wag kang magbiro ng ganyan. Tandaan mo, hindi pa kita pinapatawad. Baka gusto mong dumoble iyon?" - banta ko. Nakapikit pa din siya. "Hoy! Magbibilang ako hanggang tatlo, pag di mo dinilat ang mga mata mo, makikita mo. Hindi na kita patatawarin kahit kailan." - wala pa din siyang kibo. Inalog-alog ko siya pero hindi siya nagigising. Kinakabahan na ako sa pakulo ng kumag na 'to.
Nilagay ko ang kamay ko sa batok niya para sana irest ko ang ulo niya sa tuhod ko pero biglang nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng dugo sa kamay ko. "Oh God! Heeeelp! Heeeelp!" - sigaw ko.
Nanlumo ako bigla. This is all my fault. Nabagok ang ulo ni Aly dahil sa pagsalo sa'kin. Ng dahik sa'kin. Biglang nagbagsakan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. "I'm sorry, Aly. Kasalanan ko 'to. I'm sorry" - paulit-ulit kong binubulong sa kanya pero wala.
Nagmadali ako at kinuha ko ang phone ko. Wala akong ibang tinawag kundi siya. Si Shone.
**
"Calling Doctor Mendez, please proceed to the Emergency Room."
"Again, Paging, Doctor Mendez, Please proceed to the Emergency Room now"
Paulit-ulit na sinabi ng speaker yun. Sa paulit-ulit na pag-sabi ng speaker, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. "Magiging okay din ang lahat" - pagko-comfort ni Shone at inakbayan ako. Medyo narelieve ako ng konti dahil kahit papano, nandito ung taong kailangan na kailangan ko ngayon. Ni-rest ko ang ulo ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Heart Vs. Mind
RandomFollow your heart, but don't forget to bring your brain with you :)