Lee's POV
Nasa balita na naman ngayon si Lincon Riaz. Ang writer na nawawala 'Raw', sabi nila. Buong morning class ko, wala akong ibang narinig kundi 'yong pangalan n'ya. Tsismis dito, tsismis do'n. 'Yong iba, parang nakikisali na lang kasi uso.
"Ang narinig ko sa pinsan ko, hindi naman daw talaga nage-exist si Lincon Riaz. Ginawa lang daw 'yon ng isang publishing company para bumenta ang mystery book nila. Ang totoo raw, buong team daw ang nagtutulong-tulong para masulat 'yong libro."
"Sa bagay. Mas papatok nga naman 'yong librong binebenta nila kung lalagyan nila ng mysterious effect 'yong nagsulat."
"Tsaka raw 'yong balitang nawawala si Lincon, pakulo lang din. Para marami raw ang makakilala sa pangalang Lincon Riaz at maging interesado rin sa libro n'ya."
"May point ka d'yan. Wala siguro sila talagang balak ibigay 'yong reward money sa kahit na sino kasi sino nga namang makakahanap sa isang taong hindi naman totoo?"
"Tumpak."
Napapabuntong-hininga ako habang pinapakinggan 'yong pag-uusap ng dalawang kaklase kong nakaupo lang sa harapan ko. Mukha silang nage-enjoy sa pinag-uusapan nila. Karamihan ng nahu-hook sa 'Lincon Riaz Case' ay mga estudyante. Iniisip nila na isa 'tong detective game at oras na nila para magpakaastig at magpasikat tulad ng mga nababasa nila sa kung saan ngayon.
Unfortunately, hindi ako isa sa kanila. Surely, malaki ang reward money pero masyadong malayo sa katotohanan. Isa pa, mas iniisip ko ang paraan ko ngayon kung paano gagraduate.
"Hoy, Lee. Ipamigay mo 'yong textbooks. Tss," mataray na utos sa 'kin ni Bea, top 1 namin sa klase. Tumayo na lang ako ng tahimik at dinistribute ang textbooks. Ganito ang trabaho ko rito minsan. Utusan ng top 1 na pambihira sa yabang eh nasa last section lang din naman.
"Alam n'yo bang sinasali ako ng mga taga-section 1 sa grupo nila para hanapin si Lincon Riaz? Hah. Iba talaga pag matalino ka," pagmamayabang ni Bea habang binibigay ko sa mga kasama n'yang sipsip ang mga textbooks nila.
"Wow, Bea. Makakasama mo sila Khaleb?" sabi no'ng isang nagpauto.
"Hindi kasali sa grupo si Khaleb pero kasali si Renzo," nakataas ang noong sagot ni Bea.
"Hala, 'yong top 10? Nakakainggit ka naman, Bea."
Nakakainggit? Anong nakakainggit do'n? Eh, sigurado naman akong gagawin lang s'yang taga bili ng pagkain do'n.
"Narinig mo 'yon, Lee? Inggit na inggit ka na rin siguro sa 'kin kasi hindi ka makaalis sa pagiging last ranker, 'no?"
Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ako mahilig sa away pero nagkaroon na ng case dati na napaaway ako. Medyo hindi ko nga lang maalala 'yong detalye kasi grade 4 pa ako no'n.
"Kaya siguro panay ang gawa ni Lee ng kalokohan para mapansin s'ya ni Khaleb," sabi pa no'ng isa ring katropa ni Bea. Hah. Too bad, that's not the case. Sadyang maloko lang ako and Khaleb can't handle it.
Lumipat na lang ako sa kabilang grupo at pinagpatuloy 'yong ginagawa ko. Nakakapagod na kasing makinig sa mga chismis nila tungkol sa 'kin. Next time, 'pag feeling ko hindi ako busy, tuturuan ko sila ng back-stabbing.
Nakarinig ako na may kumatok sa pinto ng classroom namin pero hindi ako nag-abalang lumingon. Nagpatuloy lang ako sa pagbibigay ng textbooks.
"I need to talk to your class representative."
Napalingon ako no'ng marinig ang isang pamilyar na boses. He's standing in our room's door, full of authority with his arrogant face and irritating calmness. Kasama n'ya si Reina na vice president ng Government.