▪️◾◼️ EMERGENCY ◼️◾▪️
"Nayyyyy, kumapit ka langgg pleaseee!!!" pakiusap ko kay nanay habang nakapasan sya sa likod ko.
Inaatake ngayon ng sakit sa puso si nanay dahil sa pag-aaway nina kuya,lasing na lasing si ate kaya walang umaasikaso . At dahil di nya na to nakaya ay, tila bumibigat daw ang pakiramdam nya at di nya na daw kaya. Wala man lang umaalala kay nanay kaya ako na lang ang nagvolunteer para dalhin sya sa ospital.
Ako na lang ang magtiyatiyagang kumuha ng pera para mapagaling lang si nanay.Isasakripisyo ko ang lahat ,maging maayos lang ang pakiramdam nya.
Kaya,kasalukuyan kong gamit ang buong naturang lakas ko , mapasan lang si nanay papuntang emergency room .
"Nurseee, tulungan nyo po ang nanay kooo!!! Pleaseeee, inaatake po syaaaa!!!" nagmamakaawa kong sigaw sa mga dumadaang nurse ngunit katulad rin ng iba, ay mga busy rin ang mga ito.
"Nurseee!!!! Pleaseeee hooo ,tulungan nyo po nanay kooo!!!" nagwawakaawa kong sambit sabay luha-luhang nilibot ang aking paningin para humingi ng tulong ngunit.....
"Nurse Ari, may ale ditong inaatake daw!!! Kunin mo nga yung stretcher sa taas!!!" rinig kong utos ng isang nurse sa co-nurse nito.
Kaya nabuhayan ulit ang aking loob na dalhin si nanay sa emergency room . Balisang balisa ang lahat sa loob pati na rin ang lahat ng hospital staffs sa sunod sunod na pasyenteng iaadmitt pa lamang at inadmitt na.
"Ate, nandito na yung stretcher. Ilagay natin dito mama mo ha?" paalala ng isa sa babaeng nurse na lumapit sakin .
Tumango lamang ako sabay inihiga si nanay sa may stretcher. May malay pa si nanay pero mukhang hirap na hirap pa ito.
"Nanayyy, kapit ka langgg...pleaseee ..malapit naa!!" mangiyak ngiyak kong sabi habang nakahawak sa kamay ni nanay.
Habang itinutulak namin ng nurse ang stretcher ni nanay ay di ko maiwasang magdasal ng taimtim sa inang birhen pati na rin sa diyos. Nagsimula na kong magdasal ,habang nakapikit..
Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo; bukod kang pinagpala sa babaeng lahat. At pinagpala naman ang iyong anak na si Jesus. Santa Maria, Ina ng Diyos ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen....
At nagpatuloy pa ito, hanggang sa napunta na lang kami sa emergency room kung saan rinig na rinig ang mga ingay ng umiiyak at nagdadasal.
Nahinto ako sa pagdadasal ng ,nagsalita si nanay ...
"A-anak, pabayaan mo na ako... t-tandaan mo pa rin na mahal na m-mahal ko kayo ng kuya at 'te mo.. " nahihirapang sabi ni nanay na lalong ikinaiyak ko.
Mariin kong hinawakan ang kamay ni nanay sabay yakap sa kanya ng umiiyak.
"Ate, wala pang doctor na naka-assign sa inyo..kaya maghintay hintay pa kayo" malamig na sambit naman ng nurse kaya agad akong mangiyak-ngiyak na napalingon dito.
"Anoo?! Nurse, pleaseeee tulungan nyo naman nanay ko...hirap na hirap na sya ..sya na lang rin ang tinuturing kong pamilya huhuhuhu ...pakiusap.." nagmamakaawa kong sabi sabay hawak sa paa ng nurse.
Sya na lang talaga ang tinuturing kong pamilya nung iniwan ako ng TUNAY kong mga magulang sa edad na anim. Pinaaral nya rin ako hanggang ngayon. Sya na lang ang kumupkop sakin nung pinagtabuyan rin nila ako, kahit na ayaw na ayaw sakin nung mga tunay nyang anak. Kaya di ko iiwan kahit kelan tulad nang pagwelcome nya sakin nung wala akong magulang.
"Nu ba, ate ... Wala nga sabing naka-assign sa inyo!!! Ang kulit ,mas mabuti ng maghintay na lang kayo!! " pagpupumiglas nitong sambit sabay tanggal sa aking maruruming kamay na dulot nang pagtratrabaho sa palayan.