Part 40
Pati ba naman ikaw iiwanan mo ko?
Bunso... gagawin ko to di lang para sa
akin, para sa iyo at para sa mga bata, ano
ka ba? Ayaw ko na maging pabigat sa iyo,
isa pa, di ba sabi ko nga sa iyo, nakaipon
din naman si Ate sa mga binibigay mo, kaya
ayun nagasikaso na ako paalis, salamat
bunso ha at makalipas ang tatlong buwan ay
umalis na nga ang aking kapatid at ngayon
ay naiwan na akong magisa sa Pilipinas. Sa
bahay, habang nagliligpit ako noon, ay
bigla akong may napansin na isang maliit
na plastik na nakalagay sa isang box sa
aking kwarto, pagtingin ko sa laman nito
ay napangiti ako bigla, nandoon pa ang
singsing, ang engagement ring na ninakaw
ko kay Charice, umupo ako noon at
pinagmasdaan ito, sakto naman merong
dumaan na magaalahas at pinasuri ko sa
kanya ang singsingIho, totoo tong
singsing na to ah, ibebenta mo ba sa akin?Uhm... magkano po ba?
"Bibilhin ko na to
sa halagang... sandali ha, tatlong libo?"Yun na po ba ang pinakamataas niyan? "Aba
oo iho, kasi kahit sa sanglaan ka pumunta,
eh baka dos lang ang ito bilhin sa iyo,
kaya ko lang naman prinesyohan to nang
tres dahil maganda ang pagkakagawa sa
kanya at isa pa, ibibigay ko din kasi ito
sa aking asawa Ganun po ba, sige ho, benta
ko na sa inyo yan "Sandali iho, ok lang ba
sa asawa mo na ibenta mo ang singsing nyo?
"Ho? at pinakita sa akin nang matanda ang
na may nakaukit na pangalan doon, pangalan
ni Charice, ngumiti lang ako noon at
kinuha na ang bayad sa akin para sa
singsing. Pagpasok ko nang bahay ay
napaisip ako noon, kumusta na kaya ang
babaeng yun, maging si Eusha ay iniisi ko
kung maayos na ba sila, kung ano nang
ginagawa nila, napabuntong hininga na
lamang ako noon, naligo at umalis upang
maggala, since meron naman akong pera nang
mga sandaling iyon. Pumunta ako noon sa
Megamall upang magliwaliw, at si di
inaasahan pagkakataon, nakita ko si Jules
noon at agad niya akong binate"UY! El
Nunal! Long time no see ah... kumusta ka
na? Anong balita sa iyo?"Ok lang naman... eto... dahilang
tambay... gusto mo kumain? at nagtungo
kami noon sa food court at nagkwentuhan,
hanggang sa muling mabangit ni Jules sa
akin si Eusha Nasa Aklan na si TamTam...
umuwi siya last month"Babalik pa ba siya?
"Di ko lang alam... pero alam ko Oo kasi
may work daw siyang naaplyan dito"Call
center?"Hinde, sa bangko, nakuha siya as
staff doon, nalimutan ko kung anong place
pero BDO siya, yun ang alam ko, madami
namang BDO di ba? "Galit pa din ba siya sa
akin?"Hinde naman siya nagalit sa iyo eh...
sadyang nasaktan lang siya... ikaw...
kumusta naman? May GF ka na ba?"Wala
pa... wala na muna akong balak na
maggaganyan... mas ok na ako na singleWeh? Ahahaha anyway... good thing at
nakita kita, dapat nga itatapon ko na lang
to eh kasi hinde ko alam kung nasaan ka ba
o saang lupalop kita nang Pinas hahanapin
at inabot niya sa akin ang isang kwintas
na gawa sa kahoy at may tila pendant na
gawa sa Ivory"Kay Eusha ba to galing?
"Oo... pinapasabi niya nga sa akin na sana
daw... kahit minsan, dumalaw ka daw sa
bahay... sana nga daw hinde na lang niya
sinabi na mahal ka niya eh, kaso wala
naman daw siyang magawa... anyway, ingatan
mo yan ha, siya mismo ang gumawa niyan
tinignan ko ang kwintas at ilang sandali
pa ay sinuot ko na ito, at napangiti sa
kanya"Salamat ha... pakisabi kay Eusha...
salamat sa lahat"Sige ha... una na ako...
may pupuntahan pa kasi ako eh""Saan?
Trabaho, nagbreak lang naman ako
eh, sige, text text na lang, sandali, ano
bang number mo?"Wala na akong cellphone,
pinadala ko na sa ate ko sa ibang bansa eh
Ay ganun ba... facebook?"Wala din.. hinde
pa ako nakakagawaAno ba yan... taong
bundok? Sige, next time pag nagkita tayo
dapat may FB ka na ha... i add mo na lang
ako doon at umalis na siya noon.Ako naman ay
nagliwaliw pa at habang naglalakad lakad
ako ay di ko maiwasang hawakan ang kwintas
na binigay nang kaibigan ko, si Eusha, at
napaisip ako noon, sana di na lang siya
naging si Eusha, siguro ay minahal ko din
siya tulad nang pagmamahal ko noon kay
Charice. Naisipan ko din noon pumunta sa
Eastwood upang maggala, gabi na din kasi
nang mga sandaling iyon, buhay na ang
lugar na iyon at siguradong madami nang
magaganda at cute na mga babaeng naglipana
doon, pero nang mga sandaling iyon hinde
iyon ang aking nais makita, kung hinde ang
fountain... ang fountain kung saan kami
nagkikita ni Charice. Ilang minuto ang
lumipas ay nakarating na din ako sa
Eastwood at sa aking paglalakad patungo sa
fountain ay di ko maiwasang maalala ang
mga bagay bagay na ginagawa namin noon
dito ni Charice, lalo na sa may El Pirata
na madalas naming kainan noon, at sa wakas
ay nakarating na din ako sa fountain na
iyon, doon ay umupo ako sandali at
pinagmasdan ito. Muling nagbalik sa akin
ang alaala nang nakaraan, at tila ba para
akong nakakita nang multo nang may makita
akong babaeng nakatalikod noon at halos
kaparehas nang buhok ni Charice, dalidali
akong tumayo at nilapitan ang dalaga
ngunit nagkamali ako nang hinala, hinde
iyon si Charice, agad akong humingi nang
pasensya at natawa na lamang sa aking
ginawa, nawala sa isip ko nang mga sandali
na iyon na nasa ibang bansa na nga pala si
Charice, kasama si Mac sa America at doon
na nanirahan. Muli akong umupo at nagsindi
nang sigarilyo na aking baon, napailing
ako noon at tila nalungkot at muling
nangulila sa kanya, muli kong naalala si
Charice, tumayo ako noon at humarap sa
fountain, at sa aking isip, tumakbo ang
isang salita, salitang alam ko ay may
pagkabitter pero sadyang ito na lamang ang
aking nasambit"Sana Di Na Lang"
matapos ay naglakad na ako paalis nang
fountain at nagabang nang jeep sa sakayan.
Sa biyahe ay umidlip ako sandali,
magaalasingko na kasi noon nang madaling
araw nang umuwi ako. Pagdating ko sa
babaan sa may Rosario ay naghintay muli
ako nang sakayan, mabuti na lamang at nang
mga oras na iyon ay madaming dumadaan na
sasakyan at hinde ako nahirapang sumakay
pa. Muli ay natulog ako sa may sasakyan,
sa FX na aking nasakyan, ilang oras din
ang lumipas at nakauwi na ako sa amin,
pagdating ko sa bahay, nagulat ako nang
bigla akong tawagin nang aking kapit bahay"Oy El nunal, uu nga pala, may naghahanap
sa iyo kanina ah"Ha? Sino?
"Bibili lang daw siya sandali
eh... kanina pa yun nandyan""Ha? Anong itsura?
Babae eh, matangkad tapos maganda napakunot ako nang noo noon
at nagtaka kung sino iyon, kinatanghalian
ay nagulat ako nang may bigla na lamang
kumalabog nang malakas nang aking pinto,
si PaulineMamen?! Gising! Punta ka sa
bahay mamaya ha?"Bakit anong meron?
"May bisita ako, kilala mo yun!
"ha? Sino?
"Pumunta ka na lang ha? Teka,. alam ko na
sumama ka na kaya sa akin" at kahit ayaw
ko pa noon sumama ay wala na akong nagawa
dahil hinatak niya ako, pagdating sa
kanila ay nakilala ko na ang sinasabi
niyang bisita"Oi! Kumusta? Long time no see ang sabi
nito sa akin"Oi el nunal kumain ka na din
dito" ang sabi nang nanay sa akin ni Pauline, kaya naman sumalo na ako sa pagkain, kasama ang bisita nang aking kaibigan na noon ay hinde sumagi sa isip ko na magiging parte din pala nang buhay ko(End ok book 4)