Kabanata 13

205 7 0
                                    



Zariyah

Hindi ko inaasahan ang narinig ko mula kay Seshat. Kanina lang ay hinihiling ko na sana wala siya dito o sana kung andito man siya ay isang hayop, lalo na ang maging insekto. Tapos ngayon malalaman ko na isang prinsepe siya? Ako di hamak na mamamayan lang tapos siya prinsepe! Ako gumawa ng mundo na 'to diba? Bakit hindi ako Reyna o prinsesa man lang? Aba!

"Gulat ka 'no?" Tanong ni Evien saakin. Sobrang gulat ako to the bones pa nga eh.


Gano'n ko ba dinadakila si Laxus? Sa bagay sa mga imagination ko ay siya at ako kaso imagination lang pero diba dapat ganoon din dito ang mangyari?! Shet na reyalidad na 'yan, kalahati pa kase eh diba pwedeng 1/4? 1/8? 1/16 nalang ang reality dito? Pero—erase erase move on na pala.

Move on na ghorl.


"Sinasamba mo ata si Laxus kaya siya ang naging prinsepe eh." Tumatawang sabi ni Evien. Nyenye whatever lamok.


Pero paano 'yon? Kung meron akong pamilya dito tapos sa totoong mundo bale dalawang Laxus din?


"Iisa lang ba—"

"I don't know. We don't know." Putol saakin ni Seshat ng puno ng pinalidad sa kanyang boses.

"Paano ako makakaalis dito niyan kung wala akong alam? Kahit maliit na impormasyon lang oh." Pakiusap ko sa dalawa pero inilingan lang ako.

"Kami ng bahala sayo kami ang mag-aalis sayo dito at... Wala ka nang kailangang malaman."

•••

"Bakit ganyan sila makatingin saakin, Evien?" Pansin ko kase na pinagtitinginan ako ng mga tao dito na para bang ngayon lang nakakita ng maganda charot—


"Iba kase ang pananamit mo ngayon lang sila nakakita ng ganyan." Kaya pala.

"Taga bundok?"

"Baliw! Syempre galing ka sa ibang mundo! Naiwan ba utak mo do'n? Binulong nalang nito ang huling labing isang salita saakin. Big deal ba marinig nila? Tss.


Itong mga taong—este engkanto? Diwata? O kahit ano pa man kung makatingin parang kakaiba ako sa kanila well oo naman pero mas kakaiba ang iilan sakanila may mahahabang tainga kakaibang kulay ng mata at ang ilan ay may balahibo! May tikbalang pa kaso maganda sila kaysa sa mga kwento kwento! May mga goblin pa katulad  ni professor Filius Flitwick half goblin sa Harry Potter! May mga taga Hobbit pa ata dito!

"Bakit parang hindi ka natatakot?" Tanong saakin ni Seshat habang deretsong nakatingin sa nilalakaran.

"Nakikita ko na sa mga palabas."

"Ah akala ko..." Kunot noo ko itong tiningnan. Akala niya na ano?

"Andito na tayo!" Nasa isang pamilihan kami ng damit. Woah. Sa labas palang halatang mamahalin na pamilihan dahil sa nakapaligid na mga rosas at mga crystal sa bintana. ' Flaire's Premises' ang nakalagay sa itaas ng pinto ng tindahan.

Bago pa ako makapasok sa loob ay nakita ko ang suot ko sa salamin. Naka uniporme pa rin pero may saklob sa ulo kaya hindi nakikita ang mukha ko.


"Buonasera le signore" Bati saamin ng isang babae na may kulay puting buhok na hanggang baywang at may mahahabang tainga at may kulay brown na mata. Ang ganda niya...

Good evening ladies daw wow marunong mag-italian!

"Buonasera Flaire." Bati ng dalawa at yumuko ng kaunti kaya ganoon na din ang ginawa ko.


"Sino itong kasama niyo Evien at Seshat? " Tanong nito sa dalawa habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, syempre hindi mukhang paa.

"Tanggalin mo ang talukob mo, Zariyah." Tinanggal ko ang takip sa aking ulo at tumingin sa babaenh nagngangalang Flaire.

"Mia signora Zariyah Hassan Hart Tauren Finley!" Bigla itong yumuko saakin. Naguguluhan naman ako sa inaakto nito.

"Napakagandang babae! Anak nga ng mga maharlikang Finley." Nakangiti ito saakin at hinawakan sa braso.

"Hinahanap ka na 'yong pamilya saan ka ba nanggaling bata ka?" Nagulat naman ako sa biglaang pagbabago nito mahina pa ako nitong hinampas sa braso. Close tayo?!


"Pagpaumanhin mo na Flaire nakitulog na naman saamin." Natawa naman ng malakas itong Flaire na'to sa sinabi ni Seshat.


"Pasaway kahit kailan. Bakit ganyan ang suot mo—alam ko na." Tumingin ito sa dalawa. "Oras na pala ano, siya pa rin ba ito."


"Siya pa rin." Tumango ito kay Seshat at hinatak ako papasok sa isang kwarto at binigyan ng isang bistida na yari sa magandang tela at puno ng diyamante at ginto.

"Magpalit ka."

Kahit naguguluhan sa inaakto niya ay nagpalit ako. Ang ganda ng bistida parang ginawa talaga para saakin. Humarap ako sa salamin para makita ang magandang bistida na suot ko pero bago pa 'yon ang mapansin ko ay may kakaibang nangyari! Bakit nagbago ang mukha ko! Hindi naman nagbago lahat pero! Iyong mata ko iba! Asul na crystal! Iyong kulay ng balat ko mas lalong pumuti mukha na akong espasol! Iyong buhok ko mas lalong humaba at naging makintab na brown at paalon alon pa! Nagpaplastic surgery ba ako? Hindi naman diba! Pero bakit?! Paano?!

Lumabas ako ng kwartong iyon at hinarap ang mga creatures sa labas hindi ko pa alam ang tawag sakanila kaya tatanungin ko—pero bago 'yon kailangan ko ng kasagutan kung bakit nagbago ako! Ang itsura ko!


"HOY EVIEN! SESHAT! SABIHIN NIYO ANONG NANG—"

Napahinto ako sa pagsigaw ng may nakita akong tao na hindi ko inaasahang makikita ko ng biglaan.


Chasing Laxus The Cold Prince (On Hold)Where stories live. Discover now