Chapter 115: Pagsubok

5 2 0
                                    

"Angie, bakit parang gusto mong sumama kina Annabelle ha? Hindi mo ba alam na mapanganib ang babaeng 'yon?" tanong ni Elise.

"Hindi po mapanganib si Nanay. Tsaka, bakit mo itinago ang totoo sa akin?" tanong ni Angie.

"Wala ka nang pakialam dun. Ngayon, kung gusto mo pang mabuhay, sundin mo ang lahat ng inuutos ko. Kung hindi, papatayin ko ang nanay mo!" galit na sambit ni Elise.

"Hayop ka, tita Elise! Hindi ko hahayaang magtagumpay ka!" sambit ni Angie at biglang kinuha ang telepono ni Elise.

Tumakbo si Angie papunta sa kaniyang kwarto habang hawak ang telepono ni Elise. Sinundan ni Elise si Angie.

"Angie, halika dito! Hindi mo tatawagin ang nanay mo!" sigaw ni Elise.

"Wala ka nang magagawa!" tugon ni Angie.

Pumunta si Angie sa kwarto niya at naglock siya ng pinto.

"Angie! Buksan mo 'tong pinto!" sigaw ni Elise.

"Hindi! Tatawagan ko si Nanay!" tugon ni Angie.

"Hindi ako papayag!" sigaw ni Elise.

Ayaw pa rin buksan ni Angie ang pinto. Kinuha ni Elise ang mga susi at binuksan ang pinto ni Angie.

"Gaga ka talaga Angie ha, akala mo hindi ko mabubuksan 'yung pinto? Tignan lang natin." sambit ni Elise.

Nang gamitin ni Elise ang huling susi ay tuluyan nang bumukas ang pinto.

"Huli ka balbon! Akala mo hindi kita mahuhuli ha! Akin na 'yang telepono ko!" sigaw ni Elise.

"Tita Elise, huwag!" sigaw ni Angie.

"Talagang sinusuway mo akong bata ka ha! Pwes, magmula ngayon, hindi na kayo magkikita ng nanay mo! Dahil isa sa inyo ang mamamatay! Hahahaha!" sambit ni Elise.

"Hindi ako papayag!" tugon ni Angie.

Lalabas na sana si Angie ng pinto nang biglang takpan ni Elise ng panyo ang bibig at ilong nito. Nawalan kaagad ito ng malay.

"Akala mo maiisahan mo ako ha? Pwes, pahihirapan ko kayong mag-ina. Hindi ako papayag na magkita kayo. Hahahaha!" sambit ni Elise.

"Bes, anong ginagawa mo kay Angie?" tanong ni Mara.

"Chill, Mara. Pinatulog ko lang naman siya. Akala niya kasi, matatawagan niya ang nanay niyang impakta. Pwes, hindi ko hahayaang magtagumpay ang dalawa." tugon ni Elise.

"Grabe ka naman dun sa bata, bes! Kinakawawa mo naman masyado." sambit ni Mara.

"Well, she deserves it. Dahil sinuway niya ang utos ko. Hindi ko sila hahayaang magkitang dalawa." tugon ni Elise.

"So, anong balak mo?" tanong ni Mara.

"Well, tuturuan ko lang naman siya ng leksiyon. Ikukulong ko siya dito sa kwarto hanggang sa magtino siya." tugon ni Elise.

"Oh, eh kelan mo siya papakawalan?" tanong ni Mara.

"Kapag nga nagtino na diba? Tsaka, wala akong pakialam kung ipakulong ako ni Annabelle. Kapag ako talaga napikon sa kaniya, papatayin ko talaga silang mag-ina." tugon ni Elise.

"You're so evil, bes. Grabe ka na talaga." sambit ni Mara.

"Of course." tugon ni Elise.

----------

"Handa na ang plano natin mamaya ha. Susugod ako sa bahay nina Elise pero ang hindi niya alam, may kasama tayong pulis." sambit ni Annabelle.

"Ayos 'yan, anak. Sigurado na ako na mababawi natin si Angie." tugon ni Nanay Ester.

"Hayop siya. Papaano kaya siya nakakatulog ng maayos sa gabi? Ang tagal-tagal na niyang itinatago ang sikreto na 'yon. Inakala kong patay na ang anak ko, pero all this time, buhay pala siya?" sambit ni Annabelle.

"Oo anak, ganoong kasama si Elise. 'Yung tipong gagawin niya ang lahat kahit na pumatay pa siya ng tao. Napakahayop niya. Wala siyang puso. Wala siyang kaluluwa. Kaya ngayon, harapin niya ang lahat ng mga kasalanang ginawa niya." tugon ni Nanay Ester.

-To be continued-

Kung Aagawin Mo ang LahatWhere stories live. Discover now