Yana POV
Wahhhh! Nasa Pilipinas na si meeee!
Its been years since I went to this country but now I'll be staying here permanently. Nakakaexcite namannn!
"Miss Heartly kailangan na po nating umalis. Tumawag na po si master, he wants to see you as soon as posible" sabi nung secretary kong si Jaime Chan.
"Ok" tipid kong sagot saka nag-umpisa ng maglakad. Aish si dad talaga! Gusto ko pa sanang mamasyal dito kaso gusto nya akong makita as soon as posible daw. Eh dalawang araw lang naman kaming hindi nagkita dahil nauna na siyang pumunta dito sa Pilipinas.
Nang makasakay kami sa kotse na pinadala ni dad, syempre nakatingin lang ako dun sa bintana at pinagmamasdan ang mga pagbabago dito. Ang sarap talaga sa pakiramdam na finally! After 18 years of staying in Korea, nakatapak na muli ako dito sa pinaka-minamahal kong bansa.
Nang masilayan ko na malapit na kami sa mansion namin dito, napabuntong-hininga lang ako. Syete gusto ko ng magpahinga! Masyadong nakakastress ngayong araw dahil bukod sa pagpunta ko dito, wala man lang akong tulog mula kahapon pa. Eh sa sobrang daming trabaho sa company, excited pa ako para sa pagpunta ko dito sa Pilipinas. Eh ito tuloy ang napala ko. Sobrang pagod na pagod na. Di na keri nung katawan ko, parang babagsak na sya any time ganon.
Wowww! Ang dami na ring pinagbago nung mansion. Mas lalong gumanda myghaddd.
Nung makababa na ako sa kotse, sumalubong sakin ang bati ng mga maids namin dito pati mga guards. Me as usual di ko sila pinansin, because that's what I do. Hindi ako mahilig makisalimuha sa mga tao. Close lang ako sa buong family at mga kamag-anak ko yun lang. Sa point na toh wala akong pakealam sa mga maids basta't ginagawa nila ng maayos ang mga trabaho nila.
"Welcome back! Baby Yanyan!" nakangiting sabi ni dad. Aish kailangan pa ba nya talaga tawagin akong Baby? Pati Yanyan?
"Dad stop calling me by my nickname" saad ko sabay yakap sa kanya at pag-kiss sa right cheek nya.
"Why? I like it calling you that" Aish I just hate the thought of my nickname
"Well I don't" puntirya ko
"Yana naman di mo ba alam na si Meli--" Argh! There he goes again -_-+
"Dad haven't we talked about this? Ayaw kong marinig ang pangalan ng taong yan dahil matagal ko na syang binaon sa limot"
Siya lang naman yung napaka-galing kong nanay. The more I think of her the more I clench my fist in anger.
"I know, I know" sabay pagbubuntong-hininga ni dad.
Halata namang mahal na mahal pa rin ni dad si mom pero kailangan nang magising ni dad sa katotohanan. Na hindi na babalik sa piling namin si mom. Bigla ko tuloy naalala lahat ng mga nangyari noon, na tyak na dapat binaon ko na sa limot
|| Flashback 8 years ago. ||
Bat ba ang ingay nanaman nila dad at mom? This past few weeks up til now napapansin kong lagi nang nag-aaway sila dad at mom. Ilang beses ko na ring tinatanong ito sa kanila pero sinasabi lang nila na 'wala toh anak'
'its nothing', pero king*na naman oh! Di ako tanga. Nasasaktan ako kasi baka umabot sa punto na masira ang pamilya namin, at ayaw kong mangyari yun. Never and never will be.Dahil sa kuryosidad ko, no choice ako kungdi palihim na pumunta sa kwarto nila dad. Pinihit ko ng sobrang bagal at sobrang tahimik nung pinto at pumasok. Nang maisara ko tahimik akong nagtago sa isang sulok kung saan tanaw ko sila mom and dad na nag-aaway nanaman :'(
"Melissa ano ba!? Bat ba ayaw mong sagutin ang mga tanong ko? Sabi ko bakit ka laging gabing-gabi na kung dumating sa bahay? Hindi lang yon at amoy lalaki ka pa. Magsabi ka nga ng totoo? Do you have an affair with somebody!?" sabi ni dad
YOU ARE READING
Path to Destiny
Teen FictionApat na lalaki na hindi ko inaasahang makilala. Ngunit sa kanila, isa ang nagpatibok ng puso ko. Mapaglaro ang tadhana para sakin. My life was plain and boring. Ngunit nung makilala ko sya, my life turned into a rainbow. Unti-unting kumukulay ang b...