5:30 am.
Nakauwi na kami sa unit, nag-taxi nalang kami pauwi kaysa magpahatid pa ulit kay Gab. Maya maya lang, dumating na ang Daddy ni Sasha para sunduin sya.
Naiabot nadin sakanya ni Mrs. Gusman ang pinadeliver sakanya ni Raven.
"Ako na ang nagreceive, kani-kanina lang yan. Siguro malamig na, iinit mo nalang," sabi ni Mrs. Gusman.
"Sige po, salamat po ah."
"Walang anuman, ang sweet talaga nyan ni Raven, ilang taon na ba kayo?"
"P..po?" parang nabingi ata ako dun a. Kami? E wala nga ata kahit isang percent na maging kami. Ganun lang talaga yun sweet.
"Hindi ba't magkasintahan kayo?"
"P..po?! Kami?? Naku! Hindi po!" Sana nga ganun nalang.
"Hindi ba kayo? E bakit ganun yung batang 'yun? Kayo talaga. Bagay naman kayo a."
"Ay naku po, magkaibigan lang po kami nun tsaka po may girlfriend po yun."
"Girlfriend palang naman, mas bagay kaya kayo, naalala ko tuloy ang lovestory ko."
"Ahh hehehe. Ganun po ba, sige po Mrs. Gusman, iinitin ko lang po ito," alibi ko. Antok na antok na ako, next time nalang ako sakanya makikipagkwentuhan about sa kanyang lovestory.
--
3:30 pm.
Ringgg...
"Hello?" sigh. Antok pa ako, ang ganda na sana ng panaginip ko e.
"Andito na ako sa labas ng unit,"
"----" sigh. Ano nga ba yung panaginip ko?
"Tart."
"---" parang andun si Raven e, makatulog nga ulit.
"Tart?"
"Yes?" ang sarap matulog.
"Andito na ako sa labas,"
"Sabi na nga ba e," sabi na nga ba, ikaw yung panaginip ko e.
"Anong sabi? Wala ka pa ngang sinasabi."
"---"
Knock knock!
Knock knock!
Loud knocks on my door woke me up, ah! Badtrip, naaantok pa ako e. Pero dahil parang may sunog kung makakatok ang taong yun, pinilit ko paring bumangon.
Saktong pagbukas ng mga bibig ko to let out a heavy sigh ay ang paglitaw naman nya! Hah! Sya nga! Andito na sya?
"O?"
"Sabi na nga ba, natutulog ka pa nung kausap kita e," tatawa tawang sabi nito.
"Ang aga mo naman, sabi mo 5?" Kunwari pagmamaktol ko, pero at the bottom of my heart nagbubunyi ako! Syempre miss na miss ko na kaya sya. Actually gustong gusto ko nga syang yakapin e pero kunwari naaantok pa ako. Ang chaka naman kasi ng moment kung bigla nalang akong parang naexcite pagkakita sakanya, ayaw ko magmukhang one of his girls. Choss.
"Pasok," sabi ko sakanya habang pilit kinokontrol ang malalandi kong hormones na humulagpos. "Wait lang ha," sabi ko para pumunta sa kwarto. Pag pasok ko ng kwarto, nagtatalon ako at sumigaw ng walang boses, hahaha! Dumapa ako sa kama at niyakap ang unan ko sa tuwa!
"Tart?" Sabay ng pagtawag nya ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Mabuti nalang buhay na buhay ang reflexes ko kaya naikalma ko agad ang sarili ko bago pa nya makita ang ninja moves ko. "Natutulog ka pa din? Antok ka pa ba?"
"Wait lang," I said without even looking at him. I felt the bed shifted.
"Sige matulog ka pa, makikitulog din ako ha. Peram unan," sabi nito habang kumukuha ng unan.
"Sige," lumabas na sya ng kwarto. Akala ko pa naman dito sya matutulog. Hmmm, hindi sana ako papayag, weeh? *mahaderang conscience*.
Hindi narin naman ako nakatulog, nag-impake nalang ako matapos kong maisink-in ang lahat ng kilig sa katawang lupa ko. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko syang natutulog sa sofa. Lagpas ang paa nya dun kaya mukhang nahihirapan sya. Pero ang cute nya no? Do you notice that stubles? Oo nga, mukhang nagmature sya tignan ngayon, but it doesnt make him look less handsome. He really looked so manly. And from where I was standing, I saw his eyes open slowly, focusing on me.
"Gising ka na pala," he said and smiled.
"Hindi na ako nakatulog, nag-impake na ako." Tumayo sya at lumapit sakin saka nya ako niyakap.
I hugged him back. I miss this man, I really do, it's like I've been missing a part of my life for the past months not until this very moment, I felt complete.
"Namiss kita Tart," he said, still hugging me.
"I know right," I said, alam kong hinihintay nya ring sabihin ko na namiss ko sya.
"Hindi mo ba ako namiss?" tanong nya sa tonong kunwari nagtatampo.
"Hindi...." kahit magkayakap kami,ramdam ko ang pagma-make face nya, "hindi mo ba namimiss si Apple?" tanong ko. Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin. At hinawakan ako sa balikat.
"I miss you too.." sabi nya, he smiled. "Wala na kami,"
I know right. Lagi namang nauuwi sa break up ang relationship nya hindi pa man umaabot ng isang taon e. Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi single nanaman sya and that means, mas marami nanaman syang time saakin o maiinis kasi nag-exert pa ako ng effort mag-emote nun ng nagkaGF sya kahit alam ko naman ang ending. Hindi na siguro saakin mawawala ang mangamba na baka isa sa mga makakarelasyon nya ang tuluyang seseryosohin nya, hanggang sa dumating ang panahon na hindi ko na sya makakasama dahil wala na syang time saakin. Natatakot akong dumating yung araw na I will be needing to say good bye to him. I just can't afford the thought, but I couldn't help but imagine maybe this will end sooner or later.
"I miss you, Raven." I said instead and smiled. And then again, I hugged him. Yung yakap na gusto kong patunayan na hindi ako nananaginip lang, na andito sya. Na makakasama ko sya ulit.

BINABASA MO ANG
Haywire
Short StoryNaranasan mo na sigurong magmahal ng taong hindi ka mahal. Ang alam mo hindi ka nya mahal kaya nagmomove-on ka kahit hindi naman naging kayo. Tapos may dadating na taong mamahalin ka at kung kaylan handa ka naring mahalin din sya, malalaman mo na an...