Chapter NIne
BLUE’S POV
O_O – Blake and I.
“No way! You gotta be kidding me!” sabi ko kay kuya with matching hand gesture.
“Yes way, highway honey meet my girlfriend Leigh, Leigh my sister Alexandra Blue.” Kuya’s grinning.
“I knew it! Sabi ko na haha! I’m very happy for both of you! Ang daya nyo bat ngayon nyo lang sinabi?!” nakakatampo lang kasi di sinabi nila agad >3<
“Congrats kuya Gray and Leigh.” Blake.
“Ang daya nila baby di nila sinabi sa akin huhu.” Maarteng yumakap ako kay Blake na open heart naman akong niyakap haha.
“Ang arte lang Alex haha wag mo masyadong reypin si Blake haha.” Leigh.
“Che! Nagtatampo ako hmp!” pairap na sabi ko sakanila.
“Okay sige eto na pala yung steak ala poivre and your favorite chocolate marjolaine sige kung galit ka kami na lang kakain.” Kuya.
“Galit? Sinong galit? Ikaw ba Blake? Naku masama yan dapat maging happy ka para sa kanila nak! Naku! ikaw talaga lika na kuya kain na tayo.” Kunot noong nakatingin lang sila sa akin habang umayos ako ng upo.
“Crazy.” Kuya.
“Ridiculous.” Blake.
“Insane.” Leigh.
“Oh thank you!” sarcastic na sabi ko sa kanila, ang babait naman nila maka puri wagas >.< parang wala lang ako.
“Kelan pa naging kayo ni Kuya?” Me.
“3 years ago pa sorry di ko nasabi.” Nakayukong sabi ni Leigh.
“Okay lang basta happy kayo hihi pero may bayad!” hihi syempre di pwedeng ganun na lang yun haha.
“Eh kung I-ban ko kaya si Blake sa bahay?” taas kilay nasabi ni kuya.
“Bat ako nasali? Wala naman akong nerereklamo ah.” Blake.
Napapailing na lang ako kay Blake. “Don’t worry baby hindi ka nila mapapaalis susuntukin ko si kuya kapag ginawa nya yun. *winked*”
“Kayong dalawa ano ba talaga ang status nyo?” Leigh.
“We’re just friends.” Blake.
Bat ganun parang ang sakit sa dibdib nung sinabi nyang friends lang kami?
“Mas okay na kami ng friends kesa sa lovers, at saka nasanay na lang kami ni Blake na baby ang tawagan ^_^” binalingan ko na ulit yung steak heaven ang sarap hihi.
Alam kong dadating ang time na mahahanap ni Blake ang babaeng para sa kanya at kapag nangyari yun… ewan ayaw ko munang isipin saka na lang duwag na kung duwag.
I look at kuya ang Leigh ang saya nila tingnan, naalala ko pa dati kung magbangayan yang dalawa grabe mahihiya ang mga nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses nila pero tingnan mo naman sila ngayon ang sweet sweet nagsusubuan pa ng pagkain.
“Inggit ka? Gusto mo subuan rin kita?” He’s wearing his famous boyish smile again.
“Wag na kaya ko naman. Look at them dati kung magpatayan yan wagas pero ngayon kulang na lang posasan mo sila para wag na maghiwalay nakalimutan na nga na kasama tayo.”
May time pa nga na naghagisan yan ng Vase sa bahay dati buti na lang at mabilis ang reflexes ni Cheska kung hindi sakto sa mukha nya noon yung vase.
“Sana ganyan rin tayo.” Pabulong na sabi ni Blake pero di ko naman naintindihan.
“What is it again Blake?” humarap ako sa kanya habang kumakain.
“Nothing, may sauce ka pa.” He said and wiped it.
“Ang sweet nyo talaga wala ba talagang nabubuo sa inyo?” Sabay kaming lumingon ni Blake and shrugged our shoulder kaya sabay kaming tumawa.
“Wag mo na kaming intrigahin Leigh wala at saka Blake is in love with someone pero hindi ko pa nakikita kung sino.” He said he’s in love with someone pero ang tagal na wala pa rin syang pinakilala sa akin na girlfriend.
“Hon, stop na mamaya magwala na yang si Blue.” Akala ko pa naman pinagtatanggol ako ni Kuya yun pala nangaasar rin >.
“Haha, after this mauna na kami ni Blue may dadaanan pa kasi kami.” huh? saan naman kaya kami pupunta?
Tumango lang si Kuya, nagkwentuhan pa kaming lahat ng childhood namin yung mga kalokohan namin ni Blake noong nagmomodel pa kami.
“Saan tayo pupunta?” Pagkatapos kasi naming kumain nagpaalam na si Blake hindi nya pa rin sinasabi kung saan kami pupunta.
“Secret sleep ka muna medyo matagal rin ang byahe.” Sinulyapan nya lang ako habang nagd-drive.
Humarap ako asa kanya kasi naiinis na ako marami pa naman akong gagawin tas kung ano ano pa naiisip nya.
“Blake ang dami kong trabaho I don’t have time for this please lang kung ano man ang naiisip mo please lang sabihin mo na.” iritableng sabi ko sa kanya.
“Tsk! Fine! Uuwi na tayo.” Nagulat naman ako kasi bihira ko syang marinig na pagtaasan ako ng boses.
“Just tell me saan ba kasi tayo pupunta?” This time mahinahon na ako ayaw ko naman na mag ayaw kami dahil lang sa hindi pag kakaunawaan.
“Wala pauwi na.” busangot na sabi nya.
Fine! Kasalanan ko na ang dami ko lang talagang gagawin kaya mabilis akong mairita.
“Okay sorry… I’m sorry pagod lang ako wag na muna tayong umuwi puntahan na muna natin yung sinasabi mo.” This time hinawakan ko yung braso nya.
“Fine!” pairap na sabi nya at saka kami nag U-turn ulit.
Inayos ko na lang yung pag-recline sa upuan para makahiga ako ng maayos knowing Blake naiinis na yan at kapag sinagad ko pa mapipikon na sya baka mamaya nyan ihagis na ako palabas kapag nainis.
“Baby wake-up we’re here~~” tss ang ingay ni Blake kita ng tulog ang tao.
“*chuckles* Baby we’re here wake up na.”
Tamad na binuksan ko ang mata ko.
O_O “BLAAAAAKKEEE!!!”
Habol habol ko si Blake na tumatakbo palayo. “Footrug ka Blake!” Grrrrrr!!!
Maliwanag na at nasa beach kami ni Blake! Imagine umalis kami sa restaurant kagabi ng 8 o’clock at ngayon maliwanag na!
“Baby! Wag ka nang magalit kailangan lang natin mag unwind!” sigaw nya.
Naku! humanda ka sa akin kapag ako nakalapit ako kakalbuhin kita! >.
Kahit mag sisigaw ako wala naman makakarinig sa amin dahil nasa isang private resort kami at sa nakikita ko walang tao kami lang dalawa ata ang tao kaya pwedeng pwede ko syang murdurin mamaya!
“Blake! Come back here!” di ako umaalis sa kinatatayuan ko pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko sa sobrang inis!
Nakakainis si Blake ang dami dami kong trabaho matatambakan na naman ako ng trabaho sa gingawa nya, at saka paano ako makakapag swimming at makakapag relax kung wala naman akong damit na susuotin? >.
“NO! AYAW KO! MAAGA PA COME ON LET’S GO INSIDE!” Tuwang tuwa pa sya habang kinakaway ang kamay nya naku!
“AYAW! UWI NA TAYO!” Sigaw ko sa kanya habang nakapamewang at saka inirapan sya kahit na hindi nya ako nakikita.
Susme! Bat ba kasi ako nag karoon ng kaibigan na ganto? Maski ano na lang maisipan ginagawa hindi man lang naisip na ang hintak nya may trabaho mabuti sana kung si Craig lang yung pag aantayin ko willing pa akong gawin kaso Hotel yun ni Kuya nakakahiya sa kanya.
*sighed* Talo na ako wala na akong magagawa nandito na ako at si Blake pa lahat ng gusto nya kailangan masusunod -_-
Binalikan ko yun sasakyan at saka kinuha yung bag ko buti na lang dahil sa pag momodel ko dati nasanay na ako na may mga extrang damit sa sasakyan kaya may pampalit pa ako para mamaya at baka may mall or tindahan na pwedeng bilihan ng mga bagong damit dito.
But I guess tama si Blake kailangan ko rin ng pahinga dahil sobrang busy ko netong nakakakraang buwan ang dami kong ginawa at ang dami kong naging problema. Ngayon ko lang napansin ang ganda sa beach white sand at saka ang ganda ng dagat kulay asul at may duplex na bahay tas sa taas nya may bahay kubo.
“Take a rest baby.” He kissed my cheek at saka kinuha yung dala dala ko.
Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ko si Blake kung ibang tao ang makakakita sa amin iba ang iisipin pero ano bang paki nila mas kumportable akong kasama si Blake I don’t care what other people might say they don’t know what I’ve been through at kung ano ang nagawa ni Blake para sa akin.