Chapter Eleven.
Keizara Morgan Point of view.
Sa bawat segundo, sa bawat minuto at sa bawat oras na dumadaan ay lalong nalalim at lalong nagwawala ang aking puso dahil sa kakabahan. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari mamaya.
Napapikit ako at muling inalala ang imahe ng lalaking muling nagpatibok ng aking puso kahit imposible.
Lumabas ang simpleng ngiti sa aking labi at inalala naman ang mga araw na magkasama kami nuong nakaraang buwan.
Hindi na nya na kailangan magtagal dito. I let out a deep sigh at humigpit ang hawak ko sa bed sheet dahil naalala ko na hindi na dapat sya dito magtagal. He doesn't belong here. He needs to go back.
Tumulo ang luha mula sa aking mata kaya napangiti ako ng mapait huminga ako ng malalim at tumingin sa maletang nasa gilid ng aking kama. I am blind but now i am not. So confusing right?
Bakit kailangan pang maulit ng dati? Dahil kailangan na nyang bumalik kung saan talaga sya nararapat. Nagtagis ang aking bagang at inis na binato ang aking unan sa may pader. Sa bawat pagdaan ng segundo ay sya namang palakas ng palakas ng kaba ko.
Umupo ako mula sa aking pagkakahiga at tumingin sa wall clock na nakasabit sa may taas ng TV ko. It's exactly 7 in the evening. Napatingin ako sa kamay ko at nakita ko itong nanginginig. Tumulo rin ang pawis sa aking nuo kaya inis kong ikinuyom ang aking kamao. Malapit na. Malapit na.
Saglit akong napatulala at ilang saglit lamang ay may kumatok na sa pinto ng aking kwarto.
"Bakit?"
"Aalis na tayo Kei." Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ulit sa may wall clock. Damn it already 7:58, bakit ang bilis? Natulala lang ako saglit.
"Wait lang krane!" Sigaw ko at inayos ang magulo kong buhok at umayos ng upo sa kama at bigla na lamang naging dilim ang lahat ng aking nakikita.
"Pasok kana krane." Muli kong sigaw para ayain na syang pumasok. I loved krane but i am willing to sacrifice this shit basta makita ko lang na masaya si krane pagbalik nya.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto bago may magsalita. "Handa kana ba?" Tanong ng panlalaking boses kaya napangiti sya at tumango. Mahal na mahal ko si krane at handa akong gawin itong katangahan ko para lang hindi sya mawala ng tuluyan. Kahit hindi kami personal na nagkakilala sya pa rin ang minahal kong krane.
"Kanina pa nga eh. Excited na ako kung ano ang kalalabasan ng operasyon." Nakangiting sabi ko at kunwa'y sobrang saya para sa magaganap mamaya.
"Tara na nga, para makaalis na tayo agad." Napangiti ako ng mapait sa sinabi nya at inalalayan nya akong tumayo at sabay kaming naglalakad.
"Think positive okay? Kasama mo naman ako sa iperation mo." Paalala nya sa akin kaya tumango na lamang ako at ngumiti ng malawak iyon lang ang paraan ko para kahit papaano hindi nya mahalat na kinakabahan ako.
"Sir, dito po kayo magkahiwalay po kayo ng sasakyan ni Sir anthony." Rinig kong sabi ng isang driver namin kay krane at ginaya kami papasok sa isang sasakyan. Damn! This is it, the end is near.
"Buti na lang at naka jacket ka, malamig at naambon pa eh. Anlakas kase ng ulan kanina." Sa pagsasalita nya ay may halong pag aalala kaya napatawa na lamang ako ng mahina.
"Kaya nga eh. Teka, pwede bang pasandal sa balikat mo?" Tanong ko sa kanya para hingan sya ng permiso. I wished i have all the courage to tell him the truth.
"Sige ba. Tulog ka muna, gigisingin na lang kita pag nasa airport na tayo." Ani krane kaya napangiti na lamang ako at tumango.
----------
"Sir. Sir. Sir." Rinig kong sigaw ng aming driver pero nananatili pa rin akong nakapikit. Ramdam kong gumalaw si krane at tumingin sa driver. Kahit alam ko na ang mangyayari ay tahimik pa rin ako at hindi nagmumulat ng mata.
"Shit! Anong nangyayari?" Ramdam ko ang pagkataranta sa tanong ni krane at biglang pagkabog ng dibdib nito ramdam ko din ang pagyakap nito sa akin ng mahigpit kaya pasikreto akong napangiti.
"Sir, wala po tayong preno." Sigaw ng driver na natataranta at ramdam ko na may paparating napanganib kaya napabuntong hininga na lamang ako. Ramdam ko ang biglang paninigas ng katawan ni krane at lalong humigpit ang hawak nito sa akin at sa isang iglap nakarinig ako ng nakakarinding ingay ng truck na papalapit sa amin at kahit nangingibabaw ang ingay ng truck ay narinig ko pa rin ang huling tatlong words na binitawan ni krane.
'I love you.'
At sa huling pagkakataon muling naulit ang nakaraan.
-------------
Next Epilogue✂-----------------✂
-Levi
YOU ARE READING
Sweetest Lie (COMPLETED )
Short StoryKrane Slyvestre is an average agent in Agents Association. Kaya nyang gawin ang lahat, at kaya nyang mapasunod ang mga naka bababa ayon sa kanyang kagustuhan Until one day isang napakalaking pagkakamali ang nagawa niya sa misyon nila na nagdulot sa...