Pinagmulan

10 0 0
                                    



"Our world created within a purpose and everyone of us have a mission to accomplish" ito ang ilang mga katagang ibinigkas ng isang pilosopiya na sumusubaybay sa mahal na Bathala.Siya si Pilosopo Carpio, isang Spanish philosophist na tumutuklas at nagaaral patungkol sa mga mensahe ng Bathala. Siya rin ay naniniwala sa mga kayang gawin ng Bathala sa kanilang mga tao.


Subalit bumalik muna tayo sa simula kung paano niya natagumpayan ang paglikha sa atin. Nagtagumpay sa paglikha? Paano?

Noong unang panahon, ang ating Bathala ay inilikha ang ilang mga nilalang sa mundo kabilang na tayo. Siya ay ituturing natin na Diyos ng Pagkalikha. Taos puso niyang itinatanggap ito. Ang kapangyarihan na ito ay ipinagkaloob sa kanya ng kanyang ama. Kaya bago mamaalam ang ama nito ay nagiwan ito ng mahalagang mensahe."Ang kapangyarihan mo ay ipinagkaloob ko sayo dahil sa iyong mabuting kalooban, dahil sa kakayahan mong pamahalaan ang ating kaharian at pamunuan ang aking inilikha noon. Sa aking pagkawala ay nais kong pagyamanin mo ang aking nasimulan at pangalagahan mo ang mga bagay na ito dahil ang isang manlilikha ay hindi lang lumilikha kundi itinuturing na nila itong kayamanan na kailangang alagaan, ingatan at mahalin na parang pamilya."

Dahil sa mensahe ng kanyang ama siya ay nagkaroon ng inspirasyon at kompyansa na pamunuhan ang mundong inilikha ng kanyang ama.

Kaya simula noon ay naging mahusay at malapit si Bathala sa mga nilalang na inilikha ng ama nito. Sa pagharap ni Bathala sa tungkulin ay naiisip niyang hindi madali ang lahat ngunit hindi siya nawalan ng pagasang magagampanan niya ito. Kaya naman lumikha siya ng apat na tao na magsisilbing tagabantay ng mundong inilikha ng kanyang ama nang sa ganun ay hindi siya nagiisa sa pangangalaga dito. Ang apat na tagabantay ay inilagay niya sa magkakaibang direksyon.

Sa patungong Norte, ang bayan dito ay pawang mga baryo lamang, simpleng probinsya kung saan pwedeng mamuhay ang mga tao. Ang bayan na ito ay pinaliligiran ng matataas na puno, mga bulubundukin at tila'y ito ang pinagmumulan ng lahat ng mga pangangailangan (e.g pagkain, kasuotan, gamit at iba pa). Dito inilagay ni Bathala ang isa sa kanyang tagabantay na isang bulag.


Patungo namang Timog, ang bayan naman na ito ay ipinagyayaman dahil sa taglay nitong ganda dahil sa mga nagtataasang mga gusali, mga mamamayan na may sariling mithiin na gampanan ang kanilang mga tungkulin. Sagana rin sila sa teknolohiya at mga kaalaman na wala sa ibang bayan. Inatasan naman ni Bathala na maging tagabantay ang isang bingi sa bayan na ito.


Mula naman sa Silangan, ang bayan na nandito ay ang sentro ng kominikasyon dahil sila ang mga tagabigay ng mensahe hindi lang sa kanilang bayan kundi sa iba ring nasasakupan nito. Ang bayan na ito ay iyinayabong ang husay sa musika at talento sa pagpapakita ng sining. Inatasan naman ni Bathala ang nilalang na isang pipe.


Ang bayan naman sa Kanluran ay sagana sa mga sandata, mga gamit ng mga ilang mandirigma na sumasanib sa hukbo upang magapi o mapabagsak ang kanilang mga kaaway. Sila ay matatapang, mahuhusay at maliliksi pagdating sa digmaan. Ang pilay naman na nilalang ang inatasan na magbantay sa bayan na ito.

Sa pagkahati-hati ng apat na bayan ay naging mapanatag si Bathala dahil alam niyang may mangangalaga na sa mundo na kanyang pinamamahalaan. Ang bawat taga-bantay ay may marka ng sagisag na magsisimbolo sa kanilang mga papel sa mundo.

Si Bulag, ay ang taga-bantay na magsisilbing mata ng bayan sa kanyang pamumunuan. Siya ay isang ekstra-ordinaryong tao na may taglay na makita ang nakalipas, kasalukuyan at kinabukasan ng kanilang bayan.


Si Bingi naman ay magiging kamay dahil wala itong kakayanan na makarinig ay may kakayahan itong ibahagi ang kanyang karunungan at husay sa pagtrabaho. Sila ay mahuhusay sa paggawa ng iba't ibang mga produkto na kanilang ibebenta matapos itong isagawa.


Si Pipe, ay isang pinuong mamamahayag. Tanging kakayahan niya ay maghatid ng ilang mensahe sa bawat katao. Ang bayan nila ang pinagmumulan ng mga imporamsyon at detalye na kailangan malaman ng bawat bayan. Siya ang magsisilbing boses ng bayan.

At ang huli ay si Pilay, mula sa kaniyang bayan na pagmumulan, siya ang inaatasang hasain ang mga matatapang na mandirigma kahit wala siyang kakayahang makapangsanay ng mga mandirigma dahil sa hirap nito sa pagkilos."All things are possible in God, we just need to do is to believe in him" batid naman ni Pipe dahil siya ang isa sa mga taga-bantay na may tiwala sa Bathala.


                                                         *Abangan*

Alamin ang buong kwento na nasa likod ng mga taga-bantay na ito kung paano nila gagampanan ang kanilang mga papel sa mundo, mga tungkulin at mga misyon na ipinagkaloob sa kanila ng Bathala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BULALAKAW: Liwanag at PagasaWhere stories live. Discover now