Chapter 27.2

2.9K 70 2
                                    

IMINULAT ni Raine ang mga mata at napangiwi nang maramdaman ang pananakit ng katawan. Subalit agad din siyang napabalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari nang nagdaang gabi.

Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang makita si Riley na nakaupo sa gilid ng kama habang nakamasid sa kanya. Ang tanging suot lang ng lalaki ay ang pantalon nito kagabi.

Malawak na napangiti si Raine at mabilis na lumapit sa nobyo para yakapin ng mahigpit. Akala niya ay panaginip lamang ang lahat. Sobra-sobra ang kasiyahang nadarama niya ngayon dahil kasama niya na muli ito.

Matagal niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki. He was still the same, still as handsome as ever. Dahil sa matinding kaligayahang bumabalot sa puso ay pinugpog niya ng halik ang buong mukha ni Riley.

Mahinang napatawa ang nobyo. "Nagluto ako ng umagahan para sa atin," anito bago bahagyang lumayo sa kanya. "Kukunin ko lang para makakain ka na."

Tumango si Raine at pinagmasdan ang lalaki hanggang sa makalabas ng kuwarto. Matiyaga niya itong hinintay hanggang sa makabalik dala ang isang tray ng pagkain. Inilapag nito iyon sa bedside table na naroroon bago muling sumampa sa kama.

Lumapit siya sa kinauupuan ni Riley. She sat in between his legs. Maingat na inabot ni Raine ang tray ng pagkain para ilipat sa sariling kandungan. Namamangha niyang pinagmasdan ang mga pagkaing naroroon – rice, bacon and eggs, toasted bread, iba't ibang slice ng mga prutas at isang baso ng gatas.

Isinandal niya ang likod sa katawan ni Riley. "Ang dami naman nito," ani pa niya. Higit pa para sa dalawang tao ang amount ng mga pagkaing naroroon.

"Gusto kong kumain ka ng marami para madagdagan ang nutrients sa katawan mo," sagot ng lalaki. "Sobrang putla mo kagabi noong makita kita."

Lumabi si Raine. "Don't I look good anymore?" tanong pa niya.

Dinampian ni Riley ng mabilis na halik ang balikat niya. "Ikaw pa rin ang pinaka-magandang babaeng nakita ko," magaspang na wika nito. "Pero hindi ko gustong pinapabayaan mo ang sarili mo."

Nagsimula na si Raine sa pagkain. "I'm so depressed, akala ko hindi na kita muling makikita," malungkot na tugon niya.

"Sa tingin mo ba magugustuhan ko na magkasakit ka dahil doon?" patuloy na pagalit ni Riley. "Kumain ka na ng marami simula ngayon."

Parang masunuring bata na tumango at sumunod si Raine. Ilang sandaling kumain lamang sila, siya na mismo ang nagsusubo kay Riley.

"Oh, hindi pa ba bumabalik si Megan?" naisipan niyang itanong maya-maya habang sumusubo ng isang slice ng mansanas.

"Ang totoo ay iba ang suite ng kaibigan mo dito sa hotel na 'to," sagot ni Riley. "Ako ang nagbayad para sa suite na 'to. Kahapon lang kami dumating dito sa Australia."

Tumango-tango si Raine. "Marami ka bang ginastos papunta dito?" nag-aalalang tanong niya. Hindi niya gustong isipin na ginamit ng nobyo ang mga ipon nito para lamang masundan siya.

Ipinatong ni Riley ang baba sa kanyang balikat. "Huwag mong alalahanin ang ginastos ko," bulong nito. "Ako ang nagdesisyon na pumunta rito."

Raine was so touched on what he said and did. Nais niyang maiyak subalit hindi gustong pag-alalahanin ang lalaki. Nang matapos siya sa pagkain ay muling ibinalik ang tray sa bedside table pagkatapos ay lumingon sa nobyo. "Are you going to stay here with me?"

Bumuntong-hininga si Riley, may bumahid na kalungkutan sa itim na mga mata nito. "Gustuhin ko man pero... pero isang linggo lang ako maaaring manatili sa bansang 'to. Kailangan ko ring bumalik sa Pilipinas dahil sa pamilya ko."

Namukal ang mga luha sa mga mata ni Raine. Ang kaisipang aalis din ito matapos ang isang linggo ay nagdulot ng sobra-sobrang sakit sa kanyang puso. "I-Iiwanan mo na naman ako?" hikbi niya.

Ikinulong ni Riley ang kanyang mukha sa magkabilang kamay. "Iiwanan?" mahina itong tumawa pero puno ng kalungkutan ang mga mata. "Ikaw ang umiwan sa akin, 'di ba? Akala ko ay tatlong araw ka lang mawawala pero bigla ay sinabi ng ama mo na tapos na ang trabaho ko sa'yo. Hindi mo ba alam kung gaano ako nasaktan ng mga sandaling 'yon? Hindi dahil nawalan ako ng trabaho, kundi dahil hindi na kita makikita."

Mabilis niyang niyakap ang lalaki at tuluyan na itong napahiga sa kama, nasa ibabaw siya. "I'm sorry," umiiyak na wika ni Raine. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. "H-Hindi ko alam. A-Akala ko ay mamamasyal lang kami dito, akala ko ay babalik din kami... pero... pero niloko nila ako. Niloko ako ng mga magulang ko. Galit na galit ako sa kanila."

"Ssshhh..." pagpapatahan ni Riley habang marahang hinahagod ang kanyang likod.

Subalit nagpatuloy si Raine. Ikinuwento niya sa lalaki ang lahat ng sinabi at ginawa ng kanyang ama noon. At maging ang pagpapa-ban nito sa kanyang pangalan sa lahat ng airlines upang hindi makatakas. "A-Ayoko na dito," hikbi niya. "Gusto kong sumama sa'yo. Gusto kong manatili sa tabi mo." Kung maaari nga lang na huwag na silang umalis sa kuwartong ito. Kung maaari nga lang na manatili na lamang sila dito habang-buhay.

Marahang ini-angat ni Riley ang kanyang mukha. "Iyon din ang gusto ko, Raine," malungkot na sabi nito. "Gagawa ako ng paraan para makabalik dito at makita ka uli. Hahanap ako ng trabaho na puwedeng dito na ako manatili. Hintayin mo lang ako, okay?" iniangat nito ang ulo at hinalikan ang kanyang mga labi. "Mahal na mahal kita, Raine. At hindi ako papayag na mahiwalay sa'yo nang gano'n na lamang."

Napahagulhol na ng iyak si Raine sa sinabi ng nobyo. Pakiramdam niya ay lumolobo ang kanyang puso sa matinding kaligayahan. "M-Mahal mo ako?" paniniguro pa niya sa narinig. Sa pagkakatanda niya ay sinabi ng lalaki ang mga salitang iyon sa kanya kagabi, hindi niya lang nasiguro kung totoo nga iyon.

Tumango si Riley. Nakatitig lamang ito sa kanyang mga mata, kitang-kita na ang kaseryosohan at pag-ibig sa itim na mga mata. "I love you, Raine," pag-amin ng lalaki. "A lot. Alam ko na hindi ko nagawang ipakita sa'yo ang tunay kong nararamdaman noon, pero napakahalaga mo sa akin. I care for you a lot. Gusto kong makita at maibigay sa'yo ang kasiyahang matagal mo nang hinihiling. Gusto kong protektahan ka ng higit pa sa buhay ko, ipaglaban ka sa kahit na kanino. Gusto kong palaging matikman ang mga labi mo at maramdaman ang init ng mga yakap mo. Gusto kong palaging makita ang ngiti at mga tawa mo. I love you, baby. Believe me, you are my world now."

Mariing hinagkan ni Raine ang mga labi ng lalaki. Hindi nito alam kung ano ang ginawa ng mga salitang iyon sa kanyang puso. The happiness she was feeling at this very moment was overflowing and it was drowning her.

"I love you too, Riley," buong pagmamahal na bulong ni Raine matapos ang halik na pinagsaluhan. "I love you so... so much." Hindi na siya ngayon natatakot na sabihin ang mga salitang iyon. Dahil alam niya na kung hindi gagawin ay siguradong pagsisisihan balang-araw.

Mahinang tumawa si Riley. "Alam ko, Raine. Alam ko."

Nagtataka siyang napatingin sa nobyo. Alam nito?

Hinaplos ng lalaki ang kanyang pisngi, his dark eyes softened like puddings. "Madalas kong marinig ang mga salitang 'yon sa'yo," sagot nito sa lihim niyang tanong. "After our lovemaking, lumalabas ang mga salitang 'yon sa mga labi mo."

Pinamulahan ng mukha si Raine. Hindi niya alam na matagal na palang nasasabi ang mga salitang iyon. Siguro ay dala ng emosyon ay hindi na napigilan.

Ibinalik niya ang tingin sa nobyo at matamis na nginitian. Hindi niya na kailangang mahiya. Mahal niya ito at kung kailangang ipagsigawan pa sa buong mundo ay kanyang gagawin. "I'll fight for you, Riley," bulong pa ni Raine. "Gagawa rin ako ng paraan para maipag-laban ka kahit sa mga magulang ko. Dahil ikaw lang ang nag-iisang lalaki na nais kong makasama habang-buhay."

Ngumiti si Riley. "Sa buong isang linggo ko sa bansang ito, lulubusin ko na ang kabaitan ng kaibigan mong si Megan at magmamakaawang ipagpaalam ka araw-araw para makita kita. Hindi ko sasayangin ang panahong ito na makasama ka."

Tumawa na si Raine at sumang-ayon dito. Kailangan niya pa nga palang pasalamatan ang kaibigang si Megan. Alam niya na abala rin ito at may mga sarili ring problema pero nagawa pa rin silang tulungan ni Riley.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon