CROSSDRESSER #6: Angel

9.1K 456 26
                                    

"Kumusta po si Den tito?” tanong ko kay Tito Frank ng mapagbuksan niya ako ng pintuan. Sa bahay nila ako dumeretso dahil nabalitaan ko na hindi pala sa hospital siya dinala kundi inuwi dito sa bahay nila.

"Halos kagigising lang niya hijo. Pero nanghihina parin siya hanggang ngayon at hindi makapagsalita ng maayos."

"Ganun ba tito? Ganun ba talaga kalala ang sakit niya kapag hindi naagapan?" Tanong ko.

"Oo Hijo. Dahil oras lang ang bibilangin sa buhay niya kapag hindi iyon naagapan at nagpapasalamat ako sayo dahil nandoon ka ng mga oras na iyon."

Napayuko ako dahil sa sinabi nito. Dahil para akong nakonsensya dahil sa mga masamang ginawa ko sa kanya na halatang hindi niya ikinukwento ang pangbubully ko sa kanya.

"Sandali nga, bakit napaano ka at may pasa ka sa mukha." Kuway tanong nito sa akin sa biglaang pananahimik ko.

"Wala ito tito, medyo nagpraktisan lang kami ni papa." Nilangkapan ko ng mahinang tawa ng sabihin ko iyon sabay kamot ng ulo. "Siya nga po pala, para pala kay Den po ang mga ito." Sabi ko sabay abot dito ang dala kung teddy, tsokalete at iba pang basta ko na lang ipinabalot sa isang gift shop na nalagpasan ko kanina.

"Naku, bakit mo naman sa akin iyan iaabot, puntahan mo na lang siya sa silid niya, nandoon ngayon ang tito Dylan mo at pinapainum ng gamot si Denden." Sabi nito at hindi nga kinuha sa akin ang mga dala ko. "Halika samahan na kita papanhik doon " sabi pa nito at nagpatiuna ng maglakad kaya naman napasunod na lang ako dito.

Hindi na sana ako magtatagal basta maibigay ko lang ang mga dala ko dito pero pinapasok pa talaga ako sa silid nito.

"Sweetie, nandito si Angel para kumustahin ka." Bungad nito sa anak ng makapasok kami. Halata na nabigla siya ng makita ako at pangilag ang mga mata. Pero nakaramdam ako ng kaginhawaan at nakahinga ng maayos ng makita kong wala na ang mga rushes niya sa mukha.

"Hala, tapos ko na din naman painumin ng gamot, maiwan ko na muna namin kayo para makapag usap kayo." Si tito Dylan ng tumayo ito sa upuan na nasa mismong gilid ng kama niya.

"H-hindi na din-."

"Sige hijo. Take your time." Bitin pa nito sa sasabihin ko sana na hindi na din ako magtatagal pero mabilis pa na lumabas silang mag asawa at iniwan nga ako kasama siya.

Wala na tuloy akong maapuhap na mga salita at sasabihin sa kanya.

Ano ba ang dapat kung sabihin? Paano ko sisimulan?

Damn! Hindi ko ito napaghandaan at wala sa plano ko talaga ang makausap ito. Kakamustahin ko lang talaga siya pero…

"Para sayo." Iyon ang unang nasabi ko at awtomatikong itinaas ko at paabot na ibinibigay sa kanya ang mga dala ko para sa kanya.

Hindi siya nagsalita, ni ang abutin ang mga ibinibigay ko. Pero isinenyas niya ang nga kamay na para bang sinasabi na ilapag ko sa maliit na couch sa gilid.

Kumilos naman ako para ilapag ang nga iyon doon saka ko siya muling hinarap. Nakatitig na siya sa akin. At ako naman ngayon ang nailang sa ibinigay niyang tingin.

Iniisip ba niya na kung anong nakain ko at bakit ako ngayon narito at nagdala pa ng mga regalo.

"M-maupo k-ka." Halos wala akong marinig na boses na lumabas sa bibig niya. Nahihirapan nga siyang magsalita kaya naman sumunod na lang akonat umupo sa upuan na inupuan kanina ni tito Dylan sa tabi niya. "D-daddy t-told m-me t-that y-you a-are t-the one w-who s-saved me y-esterday." Pinilit niya ang magsalita.

"Don't talk kung nahihirapan ko." Pigil ko na lang sa mga sasabihin niya. "Pwede mo namang sabihin iyan kapag tuluyan ka ng gumaling."

"Y-yeah! B-but t-thank you."

✅MC2 ANGEL: I'm InLove With... The CrossDresser (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon