This story is from @NarakuNaAkaHana_001.
"Mas pipiliin ko pa na matulog sa sementeryo kesa ang matulog sa simbahan." -Papa
Sutsut
Nangyari ito nung 16 years old pa lang si @NarakuNaAkaHana_001. Nasa simbahan siya nun dahil nagpapractice siya ng piano at pagkanta para sa pagsamba nila. Siya lang nun ang mag-isa sa simbahan dahil hindi siya sinipot ng kasama niya pero dahil sanay na din siya na siya lang ang mag-isa na nagpapractice ay okay lang din sa kanya. Lumipas ang ilang oras hanggang sa mapansin niya na dumidilim na pala sa labas pero hindi niya iyon alintana at nagpatuloy pa din sa pagtugtog pero napatigil siya nang may marinig siyang sumusutsut sa kanya. Nung una ay pinakikinggan lang niya iyon hanggang sa lumakas nang lumakas ang sutsut kaya nagpalinga linga na siya sa paligid. Walang tao. Siya lang mag-isa. Unti unti na siyang ginagapang ng takot pero binalewala lang niya ulet yun at ipinagpalagay na baka ang mga batang naglalaro lang sa kalsada ang nantitrip sa kanya kaya ipinagpatuloy niya ang pagtugtog. Tumugtog lang siya ng tumugtog hanggang sa mapaiktad nalang siya dahil sa gulat. May narinig siyang sutsut at malapit na malapit iyon sa tainga niya. Dahil doon ay agad niyang iniligpit ang mga gamit niya at dali daling tumakbo palabas ng simbahan pero bago siya makalabas ay namatay ang lahat ng ilaw sa loob. Akala niya ay brown out pero may mga ilaw naman sa mga bahay sa labas kaya kahit na nanginginig na siya sa takot ay pinuntahan pa din niya ang switch at chineck iyon. Naka-off ang switch bagay na ikinataas ng kilay niya dahil wala naman siyang nakitang tao kanina habang tumatakbo siya palabas.
"Siguro may problema lang sa switch na 'to." Ang naiusal nalang niya pagkatapos ay ini-on ulit ang switch at dali dali ulet na lumabas ng simbahan.
Sa labas ay nakita niya ang matandang care taker ng simbahan kaya nilapitan niya ito.
"Kuya, sira po ba iyong switch ng ilaw?" Tanong niya pero hindi naman daw iyon sira. Napatango tango nalang si @NarakuNaAkaHana_001 kahit na ang totoo ay lumalaki na ang ulo niya dahil sa takot.
"Ah Kuya, isang tanong nalang po." Kapagkuwan ay sabi niya ulet.
"Ikaw po ba yung sumusutsut sakin kanina o yung mga bata sa labas?"
"Wala akong nakitang bata dito iha at lalo namang hindi ako yun dahil abala ako sa pagwawalis." Ang sagot ng matanda sa kanya.
Araw ng paggawa- November 15,2014
YOU ARE READING
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]
HorrorMga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling matakot at panindigan ng balahibo dahil magtatakutan ulet tayo dito sa Nginig! KATATAKUTAN part 2!