31 - Out Of The Body

962 47 6
                                    

I almost closed my eyes in terror as I saw Monalisa's unconscious body lying at the center of a pedestal. Nakahimlay siya na gaya ng isang alay sa isang ritwal habang may mga nakasinding kandila ang nakapalibot sa kaniya. Karamihan sa mga ito ay natunaw na at unti-unting kumakalat sa paligid ni Monalisa.

"G-gaano na siya katagal na nakaganiyan?" ang tanong ko sa babaeng nagdala sa akin dito.

"Ilang araw na rin, kung hindi pa rin susuko ang kaluluwa niya sa loob ng ilang araw ay mamamatay na ang kaniyang katawang-lupa. Walang pagkain, walang tubig?" she grinned at me. "Walang kaluluwa? Gaano katagal mabubuhay ang katawan mo sa mundong ibabaw?"

With a flick of her hand, I fell on the ground as I finally regained control of my own body.

Tumingin ako sa palibot ko. Walang sinuman ang nasa loob ng basement ng mansiyon nila bukod sa aming tatlo ni Monalisa. The whole place looks like deserted, but I can feel someone's presence somewhere near.

Hindi lang kaming tatlo ang nandirito. Kung sinuman ang nagmamasid sa amin, posibleng mga miyembro ito ng coven ni Lara o mismong si Lara ang nararamdaman ko.

"Ba't niyo ba ginagawa ito? A-anong binabalak ninyong gawin?" I asked the woman who had never told me her name.

"Simple lang naman ang gusto namin. Ibalik ang nakaraan na sinira ng mga relihiyosong mortal. Sinira nila ang lahat ng mayroon kami, ang payapa naming mga buhay, ang mga kauri naming tahimik na nag-aaral kung pa'no maging mahusay sa kakahayan nilang gumamit ng mahika. Lahat ng iyon ay sinira nila, ng mga taong naniniwala sa Diyos. Ang Diyos na walang nagawa para protektahan sila matapos naming isagawa ang isang rebolusyon," she looked at me with a tinge of hate in her eyes. "They will destroy us but we had destroyed them at first. Hindi kami susuko, napaslang man nila ang karamihan sa amin ay magagawa pa rin namin silang buhaying muli."

Tumingin siya kay Monalisa. "Si Monalisa ang babaeng nararapat na gawing tahanan ng kaluluwa ng lola ni Ma'am Lara. But look at her, kahit na gaano pa katagal ang araw na lumipas. She never gave up her body. Lumalaban pa rin ang kaluluwa niya sa mundong nasa ilalim," her teeth clenched. "Pero nararamdaman ko na pagod na rin siya. Sooner or later, her body will weaken, her soul will be damaged. It's a natural cycle of life, Angel. And this girl will either live or die."

"I-isa ka ba sa kanila?" ang sunod kong tanong sa kaniya.

But the woman just shook her head. "No. I'm not reborn. Isa ako sa mga estudyante ni Ma'am Lara. Tinuruan niya ako sa lahat ng bagay tungkol sa salamangka, tungkol sa nakaraan namin, tungkol sa kung ano ang dapat naming isagawa. Ako ang kanang kamay ni Ma'am Lara. Ang pangalan ko ay-"

"Greta, tumahimik ka muna at hayaan mong kumalma ang ating bisita."

Isang boses ang pumigil sa pagsasalita ni Greta. Her voice sounded familiar. It was Lara. At gaya nga ng kutob ko ay nandito nga siya mula pa kanina.

Mula sa kawalan ay biglang may namuong hubog ng isang babae ang nabuo sa tabihan ng pedestal kung saan nakahimlay si Monalisa. Lara was wearing a modern dress like she had been from a private business meeting before going here.

"Kamusta, Angel. Masaya ba ang pamamalagi mo sa bayan namin? Looks like you really want to stop me from doing what I wanted to do. Am I right?" nakangising nagtanong sa akin si Lara.

Her grin gave me a slight shiver, like any moment now she would jump at me and kill me with her spells. At kung sakaling mangyari 'yon, Margot couldn't save me anymore.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay tinitigan ko siya nang masama. I want her to see how angry I am to all of the things she had done to us.

Ngunit imbes na maapektuhan si Lara ng mga titig ko ay nakita ko pa siyang ngumiti. "I love that madness in you right now. Ramdam ko ang galit na namumuo sa loob mo. I can't blame you. I've done many things that you can't do. Isa ka lang journalist. Samantalang witch naman ako. You're powerless, but useful."

Churchless TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon