Chapter 6: He's back

3.8K 70 2
                                    

Cy's POV

Nang makarating ako sa bahay ay mabilis akong umupo sa sofa at napahawak sa puso kong kanina pa sobrang bilis kung tumibok.

Muntik na ako kanina, muntik na akong sumuko ulit sa kanya. He's begging me to come back and I don't know what to say. I can't even move earlier, I just forced myself to run bago pa tuluyang sumuko ang puso ko. 

Hindi ko man lang naibigay sa kanya yung annulment paper na halos dalawang buwan ko nang pinaghahandaang ibigay.

"Oh gosh, I'm so stupid."

I said to myself.

Siguro nga hindi pa ako tuluyang nakaka-move on kay Austin at aaamin ko ring may lugar pa rin siya sa puso ko hanggang ngayon. Matagal din yung pinagsamahan namin at hindi yun gano'n kadaling alisin sa loob lang ng halos dalawang buwan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tatawagan sana si Nam para ikwento ang nangyari nang may nakita akong isang message. 

I opened it and it's from Renzo.

From: Chaiman Friz

I'm coming home tonight, didiretso na ako dyanSee you in a bit beautiful, I miss you so much.

I know I should be happy but I can't smile at parang dumagdag pa nga sa iniisip ko yung pag-uwi niya ngayon. I miss him too pero alam kong simula ngayon ay hindi na titigil si Austin sa kakahabol sa akin at ayaw ko namang masaktan si Renzo. All he gave to me is happiness, love and kindness kaya ayaw kong maipit pa sya sa gulo ng buhay ko at masaktan.

At the same time, I suddenly feel like cheating to Austin. Hindi nya pa napipirmahan yung annulment paper kaya sa madaling salita ay kasal pa rin kami. Yes, he cheated on me before but I'm not like him. I have a strong guilt.

Kahit madaming iniisip ay pilit kong inayos ang sarili ko at tumayo papunta sa kitchen para ipagluto si Renzo. I will cook his favorite adobo with a lot of potatoes.

Hindi sa pagmamayabang but I'm a good cook. Nung college kasi ako hindi talaga ako marunong magluto, until I met Austin tapos naging kami. "I want to be a good wife for him" yan ang iniisip ko noon. It's like I always want to be better person for him. 2 months pa lang kaming in a relationship noon pero yun na agad ang nasa isip, a future with him that is why... sandali nga, bakit ba si Austin nanaman? 

Oh gosh.

Naglakad ako papunta sa kitchen sink at hinilamosan ang mukha ko ng paulit-ulit para mahismasmasan. Ilang ulit akong huminga ng malalim at pinakalma ang sarili ko pagkatapos ay nagsimula na sa pagluluto to distract myself from thinking about him.

I started chopping some ingredients at sa katangahan ko ay nasugatan ko pa ang isang daliri ko. Agad akong kumuha ng first aid kit at binalot ng band aid ang daliri kong nasugatan. 

I remember how Austin would panic and apply a cream on my cut every time na nasusugatan ko ang sarili ko... 

Oh shit, si Austin nanaman. 

Mariin akong napapikit sa mga naiisip ko. Malakas pa rin talaga ang epekto sa akin ni Austin, I can't still stop thinking about him even though I hate him to the core.

 Nagpatuloy ako sa pagluluto, medyo mahapdi yung sugat pero kaya naman. Pagkatapos kong magluto at maghanda ng pagkain ay sakto namang tumunog yung doorbell.

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon