[ you know the song titled sana ngayong pasko? imagine listening to it.]"Claud! Claud, nandito si Cloud." sigaw ni mama.
Cloud is my bestfriend since 2015, and now is 2019. Naging close kami dahil sa mga pangalan namin.
"Magkapangalan tayo!" masiglang sabi ko.
"Oo nga no pero, magkaiba ang bigkas ng iyo sa akin." sagot naman nito.
Every Christmas lang kami nagkikita dahil tuwing pasko lang sila umuuwi dito sa probinsya pero, may komunikasyon naman kami sa facebook and etc.
"Baka hindi kami umuwi ngayong pasko dyan, may iba kaming pupuntahan nila mommy." sabi niya sa messenger nang minsang tinawagan niya ako.
"Ah, ganun ba." malungkot kong saad.
"Don't worry, tatawagan naman kita sa araw ng pasko, sasalubungin natin." suhestiyon nito.
"Hindi wag na, sasama na lang ako kina Allen." agad kong sagot.
"Claud naman, s----"
"Sige na, ang dami ko pang gagawin, babye ingat ka dyan." mabilis kong sabi at pinatay na ang tawag.
"Claud! May bisita ka!" narinig kong sigaw ni mama habang pinipilit kong matulog, nagkunware na lang akong tulog.
"Natutulog ako ma.." mahinang sambit ko nang marinig kong may nagbukas ng pinto. "Ma, paalisin mo na lang yung bisitang sinasabi mo, natutulog ako e." naiiritang sambit ko ulit.
"Papaalisin mo ko?" agad nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses niya. "Claud.." tawag pa nito sa'kin.
"Cloud? Akala ko ba hindi ka makakauwi?" nagtatakang tanong ko rito.
"Matitiis ko bang hindi ka kasama ngayong pasko?" nang aasar nitong sambit.
"Oo." matapang kong sagot kaya, nang aasar siyang tumawa.
"Hindi kaya." sabi pa niya. "Sorry na, prank lang dapat yun e, issurprise sana kita kaso nagalit ka naman." malungkot nitong sambit. "Ayokong nagagalit ka sa'kin." dugtong pa nito.
"Hindi naman ako nagalit." sagot ko. "Nagtampo lang ako kasi tuwing pasko na nga lang tayo nagkikita, hindi ka pa uuwi."
"Prank nga lang yun e." nakangiting saad nito. "May surprise ako sa'yo sa labas." dugtong pa nito.
"Ano na namang kalokohan yun ah?" sumbat ko.
"Hindi yun kalokohan, seryoso yung surprise ko." nakatitig nitong sambit.
Inakay niya ako palabas habang nakapiring ang mata ko.
"Kapag talaga ako nadapa dito, hindi na kita kakausapin." nagbabantang sabi ko rito.
"Okay lang yan, sasaluhin naman kita." sagot nito.
"Landi mo." naiinis kong sagot.
"Tanggalin mo na yang nakaharang sa mata mo." narinig ko sabi niya mula sa harapan ko, kaya naman unti unti ko 'tong tinanggal at nagulat ako sa nakita ko.
"Will you be my girlfriend?" nakita kong nakasulat sa isang papel na hawak ng mga kaibigan namin.
"Three years na tayong magkakilala, hindi man nagkikita madalas pero, hindi naman nawawala ang komunikasyon. Masaya ako tuwing kausap kita lalo na ngayong kasama kita." nakangiting sambit nito. "Kaya, will you be my girlfriend?" sabi nito habang hawak ang magkabilang pisngi ko.
"Girlfriend? Minsan lang kami magkita sa isang taon, paano kung may iba pala siya sa maynila? Paano kung----" sabi ko sa isip ko.
Tinignan ko si Cloud at nakikita kong naghihintay siya ng sagot ko. Naluluha akong umiling, nakita ko sa mukha niya ang pagtataka kaya patakbo akong bumalik sa kwarto ko.