Chapter 14

6.2K 355 160
                                    

Ano bang problema mo?

Awkward ang pakiramdam ko habang naglalakad papuntang banyo dahil alam kong may nakasunod sa akin.

"Bakit ganiyan ka maglakad? Pato ka, Teh?" natatawang sabi ni Priam. Napapikit ako sa kahihiyan. Lecheng bakla! Lahat na lang pinapansin!

"P-Pake mo ba?!" umirap ako kahit alam kong hindi niya nakikita, pero nagkamali ako. Dahil ngayon, nasa tabi ko na siya!

"Hilig mo umirap. Dukutin ko kaya mata mo?" aniya at biglang inilapit ang mukha niya sa akin, napaatras ako at tinulak siya agad nang makarecover sa gulat.

"Umayos ka nga!"

He chuckled.

"Diring-diri ka eh mas malala pa doon ang ginawa natin," he said nonchalantly.

Gumapang ang hindi maipaliwanag na kaba sa aking sistema nang sabihin niya iyon. Several images of us kissing popped inside my head. Halos iuntog ko ang sarili sa pader.

Pesteng, bakla!

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating kami sa banyo. Mabilis akong pumasok sa loob. Isasara ko na sana iyon nang pumasok din si Priam.

"H-Hoy! Lumabas ka nga!"

"Ba't ako lalabas?!"

"Gaga! Banyo 'to ng babae!" bulyaw ko sa pagmumukha niya.

"Duh! Babae rin naman ako!"

Napasapo ako sa aking noo.

"Babae ka?! Bakit? May bilat ka ha?! May bilat ka?!"

Masama akong tinignan ni Priam. Binuksan niya ang pinto at lumabas habang matalim pa rin akong tinitignan. Napailing na lang ako at nagsimulang magpalit ng damit.

Habang inaayos ang sarili ay hindi ko maiwasang isipin ang naging usapan namin kanina. Why do I have this eerie feeling na ano... na... nevermind. Bumuga ako ng hangin at niyugyog ang sarili ko.

Stop thinking nonsense, Sabina. That's very impossible.

Nang matapos sa pag-aayos ay lumabas na ako at naabutang nakasandal si Priam sa pader habang nakanguso ang labi. I cleared my throat. Bumaling siya sa akin at umirap..

"Tara na," mataray na aniya. I chuckled.

"Oh problema mo?"

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

The outreach program went well. It was tiring to accommodate all the guests pero nakayanan naman. At nakakatuwa kasi marami kaming nakita at natuklasan sa mga kabataang naging biktima ng teenage pregnancy ngunit, nakakalungkot din at the same time dahil ang iba sa kanila ay hindi maganda ang naging karansanan. Few of them are rape victims kaya nabuntis ng maaga.

Pinaghalong galit at pait ang pakiramdam ko lalo na nang nalaman ko rin na kapwa kamag-anak nila ang gumawa no'n sa kanila.

"Uy, Sab! Kawawa 'yong plastic bottle sa'yo!" sigaw ni Claire mula sa kabilang side ng court. Hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakatitig sa kawalan nang may humaplos sa braso ko.

Her Gay LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon