Chapter 11

806 48 11
                                    

Her POV

Sa wakas, last day na ng examination namin ngayon. Sobrang magiging busy kami ngayong week dahil pagkatapos na pagkatapos ng exam ay Intramurals na.

Pagkatapos kong i-park ang aking motor ay naglakad ako papuntang building namin. Marami pa rin ang napapatigil at napapatingin sa akin tuwing magpa-park o makikita nila akong magmo-motor, napapa-iling nalang ako.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Ate Jill.

"Good morning Eliyah," nakangiting bati niya.

"Good morning," bati ko naman.

"Meron pala tayong meeting mamayang hapon tungkol sa Intrams, ah?" paalala niya.

"Mukhang magiging super busy na naman tayo," I said.

"Sinabi mo pa," natawa ito.

Matapos ay nag-paalam na din siya dahil maaga ang klase nila. Tumango muna siya bago tumalikod sa akin at naglakad.

Siya ang vice president ng student council pero kung tutuusin, mas president pa siya kaysa sa pinsan ko, siya kasi ang nag-aasikaso ng lahat, pati na mga activities namin, bale si Insan lang ang naga-announce ng mga activities sa mga students.

Hindi pa man ako nakakahakbang ay bigla akong nakaramdam ng hilo kaya napahawak ako sa aking noo. Doon ko lang nalaman na medyo mainit pala ako, masama kasi ang pakiramdam ko kagabi.

Nagulat nalang ako nang biglang may humawak sa braso ko.

"Ayos ka lang?"

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Jace!

"Ahh oo..."

"Are you sure, mukha matamlay ka?" tanong pa niya.

"A-ayos lang ako, salamat." Iniwas ko ang tingin sa kanya.

Humakbang ako ng konti palayo sa kanya, ewan ko ba, parang naging awkward na kami sa isa't-isa, idagdag mo pa yung nalaman ko sa kanila ni Arabela.

"Liyah!" agad na bumaling ang ulo ko sa nagsalita.

"Mauna na ako," paalam ko kay Jace.

Tumango ito bago ngumiti.

Tinalikuran ko naman siya at nagsimulang humakbang papunta kay Lairah. Pagkalapit ko sa kanya ay doon ko lang nakita si Tom sa likuran nito.

"Pwede ba, huwag mo nga akong sundan!" inis na sambit ni Lai kay Tom.

"Excuse me, hindi kita sinusundan sadyang parehas lang tayo ng way na dadaanan—hi Eliyah!" baling naman niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango.

"Talaga lang ah?" nakataas na kilay na sabi ni Lai.

"Ikaw, susundan ko, sa gwapo kong 'to?" giit pa niya.

"Pwede ba, huwag kang magyabang kung wala ka namang maipag-mamayabang, asan ang gwapo dyan, Nasa paa?" pang-aasar pa ni Lai.

I chuckled.

"Bulag ka lang kasi hindi mo nakikita ang kagwapuhan sa mukha ko."

"Itigil niyo na nga 'yan, para kayong aso't pusa," sabat ko naman.

"Ha?" baling naman sa akin ni Lairah.

"Mukha ka daw pinagsamang aso't pusa," natatawang wika ni Tom.

"Tse!" pasiring siyang tinignan ni Lai.

Lumapit siya sa akin at niyakap ang braso ko.

"Liyah, ang init mo!" bulalas nito.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now