Chapter 12

219 9 2
                                    

Chapter 12 – Destiny's Timeline

Destiny.

"Teacher Des!"

Tumigil ako sa ginagawa kong report at tumingin kay Kylie. May dala itong papel at agad kong nakita na larawan iyon ng isang pamilya. Siya mismo ang nag-guhit at nag-kulay. Bagama't hindi iyon kagandahan kahit sinong magulang ay ipagmamalaki ang gawang iyon ng anak nila.

"Do you think, Dad will love this?" Pagkuwa'y tanong niya. Nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa gawa niyang drawing.

Pilit kong itinago ang pait sa dibdib ko nang sambitin niya ang katagang 'Dad' na siya ring tawag ko noong bata ako sa Ama ko.

"He will love that, Kylie. Is that a gift for him?" Nakangiting tugon ko na ikina-aliwalas ng mukha niya at lumawak ang ngiti nito sa akin.

"Yes! It's Daddy's birthday today, Teacher Des."

Pinisil ko ang pisngi niya sa sobrang kacute-an nito at napahagikhik naman siya.

"Kapag nagkaroon ka na ng baby, Teacher Des... ganito din siya sa'yo. She will make a good drawing for you so you'll be happy!"

Natulala ako sa sinabi ni Kylie. Ngayon ko lang naisip ang bagay na iyon. Maaari nga rin pala akong maging magulang sa hinaharap at ang bagay na sinabi ni Kylie ay nagpagaan ng loob ko.

Kapag nangyari ang araw na iyon, isa na siguro ako sa pinakamasayang ina. Hindi ko hahayaan na mangyari sa anak ko ang nangyari sa akin noon. Hindi ko siya iiwan bagkus pupunan ko ang responsibilidad ko sa kaniya bilang isang magulang.

Pagkatapos ng klase ko ay agad ko nang natanaw ang pamilyar na kotse ni Reeve sa labas. Nakaparada iyon sa parking lot at nakasandal naman doon ang lalaking hinihintay kong makita sa araw na ito. Si Reeve.

Nakangiting kumaway ako sa kaniya. Nang makita niya ako ay patakbo siyang lumapit sa akin ng may isang mapaglarong ngiti sa labi nito.

"Nagiging masayahin na ang Destiny ko ah? Sinong dahilan?"

Ngumuso ako sa tanong nito. "Alam mo kung sino?"

"Hindi eh. Sino ba?" Nagma-maang-maangan nitong tugon sa tanong ko na ikinasimangot ko.

"Sino pa ba? Edi si Reeve Montes." Nakataas ang kilay na sabi ko na ikinatawa niya.

"Tsss... kinilig ka na niyan?" Inis na tanong ko.

Tinaas-baba nito ang kilay niya sa akin kaya napailing ako. Ang gwapo ng loko. Ang sarap lamukusin ng mukha niya kaso mas matangkad siya sa akin.

"Bagay mo pala talaga iyong nakataas ang kilay. Terror prof na cute ang datingan, Teacher Des."

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Ano cute? Nauna na akong naglakad sa kaniya at pumunta muna ng Faculty kaso naramdaman ko na nakasunod siya kaya binalingan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Huwag mo akong susundan kung ayaw mong maagaw natin ang pansin ng nasa loob ng Faculty. Behave."

Nagulat ako nang makita kong nakanguso sa akin si Reeve na parang bata. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ano?"

"Susundan kita. Eh ano naman kung makita nila tayo 'di ba? Nililigawan naman talaga kita."

Napaawang ang labi ko sa sinagot niya. Si Reeve talaga! Ugh.

"Bahala na nga." Inis kong usal at dumeretso doon.

Napapikit na lamang ako nang makita ko kaagad ang pag-lingon sa amin ng marami kong co-teachers pati na rin iyong mga gulat na gulat dahil nasa likod ko si Reeve.

          

"Good afternoon po." Bati niya pa na ikinaawang ng mga bibig nila. Ang ilan sa mga dalaga pang teachers ay nahuli kong nakatingin kay Reeve na tila nangangarap.

Ngumuso ako. Nagtama ang paningin namin ni Reeve at bigla niya akong inakbayan.

"Saan ba ang table mo dito, babe?"

Nanghina ang tuhod ko sa tinawag niya sa akin at kitang-kita ko ang pagkalaglag ng mga panga nila sa ginawang pag-akbay at pagtawag ni Reeve sa akin ng babe.

Nagkakagulat talaga ang lalakeng ito kahit kailan!

Matapos kong makuha ang mga gamit ko ay umalis na kami agad ni Reeve sa school. Hindi ko talaga makakalimutan ang reaksiyon ng mga co-teachers ko kanina. Hanggang ngayon ay naiiling pa rin ako.

"Penny for your thoughts?"

"Hmmn?"

"Ang lalim ng iniisip mo."

Simpleng ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya. Hindi na siya nagtanong pagkatapos niyon.

Pagkauwi ko nang bahay ay nadatnan ko pa si Lola na naglilinis. Lumapit sa kaniya si Reeve at nagmano. Nakita ko kaagad ang pagsilay ng natutuwang ngiti sa labi ni Lola. Gustong-gusto niya talaga si Reeve.

"Pumasok ka muna sa loob, Reeve." Aya ni Lola sa kaniya pero umiling na agad si Reeve bilang pagtanggi.

"May practice po iyong banda namin ngayon eh. Bukas po kasi ay may special event sa coffee shop. Kung pwede din po sana ay pumunta kayo ni Destiny bukas doon."

Napatingin sa akin si Reeve at ngumisi pa nang bahagya. "Punta ka bukas, okay?"

Natulala ako sa ginawa niya ngunit panandalian lang iyon. "Okay."

"Haynako, kailan mo ba sasagutin itong manliligaw mo? Eh parang kayo na kahit hindi mo pa sinasagot." Naiiling na sabi ni Lola na ikinalaki ng mga mata ko at ikinatawa naman ni Reeve.

"Lola!" Namumulang suway ko rito at natawa din siya kasama ni Reeve. Minsan parang mas apo pa ata ni Lola si Reeve kaysa sa akin. Pinagtutulungan nila ako madalas.

"Wala na, nasa akin na ang boto ni Lola. Oo mo na lang ang kulang, Destiny babe." Biro pa sa akin ni Reeve na ikinasimangot ko.

"Tigilan mo ako, tatamaan ka sa akin!"

"Paano iyong tama? Tinamaan na nga ako sa'yo eh." Banat nito at nagtaas-baba pa ng kilay. Lumakas lalo ang tawa ni Lola dahil sa sinabi ni Reeve.

"Aysus, kayong mga kabataan talaga. Mabuti pa ay umalis ka na iho baka mahuli ka pa sa ensayo mo."

Tumango si Reeve kay La. "Sige po, mauna na ako. See you bukas, Destiny. Hatid kita ulit bukas at susunduin kita tapos daanan lang natin si Lola deretso na tayo ng coffee shop." Bilin nito sa akin bago tumalikod at sumakay na sa kotse niya.

Nang makaalis si Lola ay tiningnan niya ako nginitian. "Masaya ba apo?"

"Po?"

"Masaya ba na hinahayaan mo lang na kumawala ang tunay mong nararamdaman kaysa noong pinipigil mo ito?" Tanong niyang muli.

Dahan-dahan na nawala ang pagkakakunot ng noo ko at napangiti.

"Kusang kumawala, La. Pinigilan ko pero ayaw papigil."
Lalong lumawak ang pagkakangiti nito dahil sa isinagot ko.

Kinabukasan ay hinatid nga ako ni Reeve sa school gaya ng sinabi niya kahapon. Normal lang na natapos ang araw ko. Hinihintay ko na mag-hapon na agad para makauwi na ako at makita si Reeve. Habang tumatagal ay mas napapadalas ang pag-iisip ko tungkol sa kaniya. Hindi ko inaasahan na ganon kabilis kong mararamdaman ang mga bagay na ito sa kaniya.

Napakunot ang noo ko nang lumabas ako ng faculty at wala pa rin ang sasakyan ni Reeve. Kadalasan naman ay sobrang aga nito na sumusundo sa akin. Nakakapagtaka na ngayon ang unang beses na nahuli ito sa panunundo sa akin. Hindi ko maiwasan na malungkot dahil doon. Hindi man lang siya nagpaalam kung mahuhuli siya ngayon o hindi. Gayunpaman, matiyaga akong naghintay sa parking lot.

Napabuntong-hininga ako nang lumipas ang quinse minutos at wala pa rin si Reeve. Darating pa kaya siya? Tiningnan ko ang hawak kong cellphone nagbabakasakali na may mensahe galing kay Reeve.

Malapit na akong umalis sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pamilyar na itim na Montero na sasakyan ni Reeve. Agad siyang lumabas ng kotse at humahangos na lumapit sa akin. Mukha siyang nagmamadali na pumunta dito. Sinimangutan ko siya.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Sorry, may nangyari lang kaya na-late ako."

Hindi ko siya pinansin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at agad naman akong sumakay.

"Sasama ka pa rin naman kahit na nagtatampo ka sa akin ngayon 'di ba?" Umaasang tanong niya.

"Tsk."

"Kikidnapin na lang kita kung hindi ka sasama." Aniya na nagpairap sa akin.

May choice pa ba ako doon? Wala na, malamang sasama talaga ako sa kaniya.

Destiny's Timeline [✔]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें